Chapter 12

68 4 0
                                    

May crush ako kay Dicto. Kay Dicto na katext ko. Kay Dicto na kagrupo ni DanKay Dicto at nililink sa akin noon. Si Dicto na walang magawa kundi ang inisin ako. At higit sa lahat, yung Dicto na kaklase ko pala sa Stat. Ged! Kung ganun, makakasama ko siya every Tuesday and Thursday? O.O

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kasi naman, after kong malaman yun, parang nahihiya na akong harapin siya eh. Norma ba yun? Tama ba yun? Hindi naman ata eh. Pero kung tutuusin, wala naman akong dapat ikahiya kasi nagte-text lang naman kami. Wala naman kaming ginagawang masama diba? Tsaka, may girlfriend na siya diba?

Oh my....

Nakalimutan ko.

May girlfriend na nga pala siya....

Danna! Gumising ka nga! Hindi tama ang nararamdaman mo! Bakit ka ba nanghihinayang ha? So what kung may girlfriend na siya? Eh CRUSH mo lang naman diba? Hindi ka naman in love sa kanya. DUH? Ilang araw pa lang kayong nagkakakilala tapos love mo na agad? CHOS! HIndi pwede yung noh. Hindi talaga. HMP!

"Uy! Uy Danna!"

Nagulat naman ako ng biglang may nag snap ng finger sa harapan ko. Pag tingin ko, si Dan pala. And kumakain pala kami ng siomai pagkagaling namin sa school. Dahil sa nalaman ko kanina, nakalimutan ko na kasama ko pala si Dan ngayon. Talaga naman oh.

"S-sorry. May iniisip lang ako." pinunasan ko naman yung bibig ko ng tissue kahit wala namang dumi.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo ah. May problema ka ba?"

Nakita ko naman na concerned talaga si Dan. But I can't dare tell him. Nakakahiya... O.O

"W-wala. I'm fine. Medyo busog lang ako."

"You're really a bad liar."

"Ang sama mo naman."

"Totoo naman. Busog ka? Kailan ka ba nabusog ha?"

"Grabe naman. Marunong naman akong mabusog ah!"

"ON a few occasions lang. And kasama na doon yung kapag may problema ka. Just like now."

Haist. Wala na ata talaga akong maitatago sa kaibigan kong ito.

"Haist.... Kasi naman, nagulat lang ako na kaklase ko pala si Dicto sa Stat."

Medyo tumaas naman yung kilay ni Dan nun.

"So? Anong meron?"

"Anong meron? Siya si Dicto! Si Benedicto Monteroso! Yung groupmate mo, yung nililink niyo sa aking noon, at yung katext ko eh classmate ko pala! Hindi ba nakakahiya yun? Ugh!"

Nakita ko naman na medyo pinipigilan niya yung pagtawa niya.

"At nakuha mo pa akong pagtawanan."

This time, tumawa na talaga siya.

"Grabe, Danna! Yun lang pala ang pinoproblema mo? Hindi ka naman dapat mahiya sa kanya. Ang bait ng tao na yun. Tsaka ang gaan kasama nun noh. Kung nahihiya ka kasi nililink namin siya sayo, huwag kang mag-alala. May girlfriend yung tao. Walang kaso sa kanya kung i-link siya sa ibang babae kasi alam naman ng girlfriend niya na loyal si Dicto sa kanya. So cheer up, okay? Wala kang dapat ipag-alala."

Sa mga nalaman ko, parang mas lumala pa yung situation. Loyal siya? So meaning, talagang mahal niya yung girlfriend niya. Haist....

"Oh, bakit parang hindi ka masaya sa mga nalaman mo?"

"Che. Huwag mo na nga lang akong pansinin."

Nagtaka naman ako nung hindi na niya ako kinausap. Oo at alam kong sinabihan ko siyang huwag na akong pansinin. Pero makulit kasi si Dan. Kapag sinabi mong ayaw, gagawin lang niya yun. Kaya nagtaka ako kung bakit tumahimik na siya. pagtingin ko,

nakatutuok yung dalawang mata niya sa akin. HUH? O.O

"Stop staring! Ano ba?"

"Danna Marie Ledesma, may gusto ka ba kay Dicto?"

Para akong naubusan ng dugo sa sinabi niya. Kaya naman kahit wala naman akong iniinom or kinakain kasi hindi ko ginalaw yung food ko, para akong mabubulunan.

"Ano ka ba? May gusto ako sa kanya? Kay Dicto?" HUH! Wala noh! Over ka!"

"Eh nagtatanong lang naman kasi ako noh? Kung makasigaw ka eh parang dine-deny mo eh."

"Hindi ko dine-deny! Wala akong gusto sa kanya!"

"Oo nah! Wala na nga lang! Nakakasira ng eardrums yung boses mo eh!"

"Wala nga sabi akong gusto sa kanya eh!"

"Eh kung totoo yang sinasabi mo, bakit namumula ka ha?"

"Ano--?" napapahawak naman ako sa cheeks ko. Indeed, mainit siya. "Hindi ako namumula!"

"Deny ka pa eh. Huli ka na oi. Don't worry, hindi ka naman papansinin nun."

Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso.

"Kainis ka naman Dan eh!"

"Haha! Para kang gradeschooler Danna. Okay lang yan. Marami namang kayong may gusto sa kanya. Tapos may girlfriend pa siya. So, goodluck." tapos nilamon niya ng buo yung siomai niya.

Haist. Walang silbi kung i-deny ko pa. Tsaka, sabi nga niya, I'm a bad liar. Kahit anong pagtatanggi at pagsisinungaling pa ang gawin ko, hindi talaga siya maniniwala sa akin. So better yet, aminin nalang. Haist.

"Kaysa pagaanin yung luob ko, dinadagdagan mo pa yung sama ng loob ko. Kainis ka."

"Haha! So inaamin mo na nga na may gusto ka kay Dicto?"

"Crush lang naman. Tsaka kay Jong ako may crush. Hindi kay Dicto."

"Huh? Eh iisa lang naman si Jong at Dicto ah."

"Oo nga. Pero hindi ko naman alam na si Dicto pala eh si Jong. Nung nagtetext lang kami, wala lang. Hindi ko naman na feel na crush ko siya. Alangan naman magka-crush ako sa isang taong katext ko lang? Pero nung nakita ko siya kanina, which is sa pagkakaalam ko eh si Jong siya at hindi si Dicto, I found him cute. Kaya ayun. May crush ako kay Jong at hindi kay Dicto."

Pagkatapos kong magsalita, nagulat nalang ako ng may bigla siyang tinawag sa likod ko. At muntik na akong malunod sa hiya nung narinig ko yung sinabi niya.

"Eh yun naman pala eh. Oi! Dicto! Crush ka daw ni Danna!"

Then bigla ko nalang kinuha yung bag ko at tumakbo na ako paalis sa lugar na yun.

"Dan, I swear, pagbabayaran mo yung ginawa mo!"

Status (On Hold)Where stories live. Discover now