Status - 13.b

73 1 0
                                    

Papunta na ako sa school for my morning class sa Plumbing. Did I mention that I am a Architecture student? I guess I did. And hindi biro ang magkaroon ng course na katulad ng Architecture. Plates, which is yung mga plans na pinapagawa sa inyo ng mga instructors niyo, just don't stop coming. Bibigyan ka ng plate which is to be passed after two weeks then after that, may bago na naman na ibibigay. It's tiring. And sometimes, it causes me to have no sleep AT ALL. Pero kapag natapos ko yung plate ko and nakita at satisfied ako sa ginawa ko, worth it naman ang mga paghihirap. Lalo na kapag malaki yung grade na ibinigay ng instructor ko.

So yeah, I'm on my way to school for my 9am class sa Plumbing. Pagkarating ko dun, marami na naman akong nakitang mga students na tumatambay sa labas ng school. Wala naman something na magandang tambayan dun. Pwedeng-pwede silang pumasok sa loob at doon tumambay. Pero ewan ko. Mas type siguro nila ang makalanghap ng poluted air ng mga sasakyan na dumadaan.

It's still 8:45 in the morning. Kahit medyo malayo pa yung room ko, hindi ako nagmadali. I'm walking with a slow pace hindi kagaya ng mga nakakasabay ko na parang hinahabol ng mga aso kung maglakad. Ako? Chill lang. :)

While I was observing the scenery of our school, bigla ko nalag naalala yung nangyari kahapon. And with the fact na dito sa school na ito pumapasok si Dicto, bigla-bigla eh binilisan ko yung paglalakad ko. Ayoko siyang makita. Nakakahiya. Alam ko naman na sa laki ng school na ito, 1% lang siguro ang chance na makikita ko siya. But still, may possibility pa rin. So yun nga, binilisan ko na yung paglalakad ko.

And siguro nga totoo yung sinasabi nila na kung ano yung iniiwasan mong mangyari eh yun pa talaga ang mangyayari. Because pag liko na pag liko papunta sa building ko, I saw him. 

Si Dicto. 

Naman oh! Ang swerte ko talaga! Bigla naman akong pinagpawisan at kinabahan. Heck! What should I do? Hindi pwedeng makita niya ako! Sobrang nakakahiya!

He's a few steps away from me. So kung mago-overtake ako at lalagpasan ko siya, mapapansin kaya niya ako? I don't know. Pero hindi rin pwede na manatili lang akong nasa likod niya kasi ang bagal niyang maglakad! Male-late akoooooo! Kung bakit naman kasi nakatutok yung mukha niya sa phone niya. Ugh. Katext siguro niya yung girlfriend niya. Huh.

Bitter much? O_______________________O

I prepared myself to ovetake him. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Binilisan ko na yung paglalakad ko pero nung sobrang malapit na ako sa kanya, nag ramble ang isipan ko kaya bigla-bigla eh hininaan ko yung paglalakad ko. Naman! 

I checked the time and it's already 8:55am! NOOOOOOO! Kailangan ko na siyang lagpasan! So I prepared myself again to overtake. But kagaya kanina, hindi ko na naman tuloy kasi naduwag na naman ako. ANO BA???? What is wrong with you, Danna?! URGH!

In the end, nanatili lang akong nasa likod niya at naglalakad ng mahina. BAHALA NA! LATE NA KUNG LATE! Pero hindi niya ako pwedeng makita! No way!

"Haist..."

Ang hina talaga niyang maglakad. At tutok na tutok pa rin yung mukha niya sa phone niya. Naman oh! Malowbat ka sana! Huh. Bitter talaga. O.O

Since wala naman akong ibang magawa kundi ang maghintay kung kailan siya mawawala sa paningin ko, I took the chance to observe him from behind.

Okaaaaay. He's not the muscular type at all. I guess he's about  5'5 in height lang. Matangkad na ba yan para sa isang lalaki? Ewan. But nung napunta yung mga mata sa below the waist part niya, I was amazed.

Gosh. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking may ganitong aspect sa katawan. Really, ngayon lang talaga. Unusual naman kasing makita ito sa isang lalaki. Usually eh sa mga babae lang.

But hey, he really has a bigg butt. As in talagang malaki. At ewan ko kung bakit si Jollibee agad yung naisip ko. Well, Jollibee has a big butt after all. Just like him. ^______^**

Bigla eh iniwas ko yung tingin ko. Naman! Early in the morning eh yung butt niya yung nasa isip ko! Ang dumi!! Kainis! Kung bakit kasi ayaw niyang bilisan yung paglalakad niya eh! Late na talaga ako! -________-"

And suddenly, to make up my being stressed out dahil late na nga ako, I had an idea on mind. Nilabas ko yung phone ko then secretly, I took a picture of his back. :p with that, I kept my phone back in my bag and smiled while walking slowly to my room. So what kung late? At least may picture na ako.  ^________^ 

 Bigla naman na naramdaman ko yung phone ko na nag vibrate. I got it from my bag again and nakita kong nag text sa akin si Jen. 

'Where are you? And2 na c sir. we'll hv a quiz. blsn mo n pra mkaabot k! +_+'

After I read Jen's message, nataranta na naman ulit ako. I need to overtake him! Bahala na si batman kahit wala naman siyang pakialam. HAIST!

Kaya gaya kanina, I prepared myself. Whatever happens, makita man niya ako o hindi, wala na akong pakialam. 

So binilisan ko yung lakad ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya, bumubilis lalo ang tibok ng puso ko. Nakakabingi. And when I passed by him, I was able to smell his perfume. Not something expensive nor manly. It's like... natural. Or does it even exist? O_____O

Tuloy-tuloy na yung lakad ko. Pero siguro nga reyna ako ng kamalasan. Kasi nung feeling ko na medyo malayo na ako sa kanya, tsaka naman nahulog yung notebook na binibitbit ko. And as unlucky as I am, maraming papel lang naman ang nakaipit dun. So ang nangyari, nagkalat mga gamit ko sa sahig.

"Urgh!"

Dali-dali ko naman pinulot yung mga papel ko. And then nung pupulutin ko na sana yung notebook ko, timing naman na may isang kamay na sumulpot at kinuha yun. Pagtingin ko kung sino yung kumuha, bigla-bigla din eh tumibok ng malakas yung puso ko at naramdaman ko ang panginginit ng katawan ko. Ghed! I can feel my cheeks burning like hell! Why? Because the person who got my notebook is none other than the person na kanina ko pa iniiwasan. But I'm really unlucky, don't you think? Kasi andito lang naman siya sa harap ko, fliping my notebook with a weird smile on his face. O____________________O

"Hi, Danna." he said.

Dicto.

'H-hi...' I replied in my head. 

Nakita ko naman siya na pinulot yung ibang papel na nagkalat sa floor. Pero ako, mukhang timang na nakatayo lang without any kind of motion. 

"Okay ka lang?"

'Yes. Yes, I am.' I replied in my head again.

Binigay naman niya sa akin yung notebook. Gusto kong abutin yun pero hindi ko magawa. Nanatili lang akong nakatayo dun at nakatingin sa kanya. He look at me with a knot on his forehead. 

"Here, yung notebook mo." kinuha niya yung kamay ko then nilagay dun yung notebook ko. And laking gulat ko nung nilagay niya yung kamay niya sa noo ko. Then tinanggal niya ulit.

"Ugh... Una na ako. May klase pa kasi ako. Sige, Danna."

Yun lang then iniwan na niya akong nakatanga habang tumitingin sa papalayo niyang katawan. I really don't know kung ano ang pumasok sa kukote ko at ganun nalang ang inakto ko. Para akong isang gradeschooler na first time nagka-crush. Really, it feels like it. Yung feeling na buhay na buhay ka. Yung feeling na hindi mo maintindihan ang itinatakbo ng utak at puso mo pero kahit na ganun, gusto mo yung feeling. Kaya nga siguro kahit nakikita ko na siyang papalayo ng papalayo sa akin, I was able to smile. 

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Status (On Hold)Where stories live. Discover now