"What are your plans for summer?" we are currently eating dinner, just the five of us. Me, my parents and my brothers. Bakasyon na din kasi ni Kuya Cali kaya dito na muna siya buong summer.
I shrugged. Wala naman kasi talaga akong balak. Last Academic year was tiring. Hindi ako prepared sa college life that's why ang gusto ko lang gawin ngayong bakasyon is to rest and rest and rest. Nothing else.
"Seriously? Balak mo bang mabulok sa bahay?" it was Kuya Cali. Nasanay kasi sila na may ginagawa ako every bakasyon. Just like when I was in highschool na laging may training sa Chess or Quiz Bee even during summers.
"Maraming series sa Netflix and bibili nalang din ako ng mga books para may pagka-abalahan" I suggested. Hindi pa natatapos ang Academic Year ay 'yon na ang binabalak ko, 'yon lang talaga ang gusto kong gawin. Nothing else.
"Almost 2 months ang bakasyon mo, hindi mo pwedeng gugulin lang d'on ang oras mo. And that's unhealthy" here we go again with his healthy kemes but I can't even be mad at him because I know na kapag pumasok na din ako sa field niya magiging ganyan din ako.
"What if mag out of town tayo?" suggestion ni Mama and i like it.
"Beach!" i also suggested with excitement.
Yes! Yes! Yes! Beach, breeze, waves, fresh air, nature, peace! I love it!
"We can't" it was papa. We all looked at him pero kami lang ni Mama ang may questioning look. Why not? It's summer naman.
"Mag-oopen ulit ang league. Mag-muse ka nalang para may ganap ang summer mo" Astro said at hindi ko nagustuhan ang suggestion niya.
Muse? Ako? Not gonna happen. Never in their wildest dreams!
But yeah. Naiintindihan ko sila, they love basketball so much. Wala kaming magagawa ni Mama. Tatlo sila, dadalawa lang kami ni Mama and i support them naman.
Wala naman talaga akong ineexpect na ganap ko this summer pero ngayon nadagdagan na. Netflix, books, and basketball.
"Ganito nalang tayo buong bakasyon?" inip na sabi ni Jeirlyn. Two weeks na ang nakakalipas pero gan'on parin ang ganap namin, or probably just me. Hindi ko alam ang ginagawa nila during their past times pero kapag 4 na ng hapon ay lumalabas na kami at pumupunta sa tambayan at uupo d'on, mangja-judge ng ibang tao.
Babangon ako ng 7:00 AM kapag galing na ng training sila Papa with my brothers saka kami sabay-sabay na magbe-breakfast then tutulong ako kay Mama sa mga house chores. By 9:00 ay tapos na lahat ng gawain, saka naman ako magbabasa ng mga old books ko. Now I remember I should buy new ones na din pala dahil kabisado ko na lahat ng lines ng mga books na binabasa ko. And then after lunch doon na ako manonood ng kahit na anong movies and series until mag 4 ng hapon.
"What if manood tayo ng training sa basketball?" suggestion ni Nixie. Good for her dahil may boyfriend siyang player pero how about us?
"Boring"
"Ok lang sa akin, atleast mapapanood ko 'yong mga kapatid ni Solana" it was Teby. I just shooked my head.
That's what we usually do habang hinihintay ang sunset, marami kaming mga walang kwentang bagay na pinag-uusapan pero more on mga chismis. Gan'on kasi ang hilig ni Teby.
"Teh, jowa mo" Pag-tap ni Raela sa akin nang may marinig kaming busina ng motor. It was Bret, na nakasakay sa Mio niya pero may motor din sa likod niya. Aerox, and it was Dos 'yong bagong lipat.
BINABASA MO ANG
The Last Rule
Novela JuvenilHe loves basketball, it his his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team, means new rules. ...