Hindi rin nagtagal ang boys nang makarating sila, nang mayakap ni Gelo ang girlfriend ay nag-aya na itong lumabas.
"Ako boy, hindi pa ako nakakayakap" nagrereklamong ani Kalo habang inaakay ng kanyang bestfriend hanggang sa tuluyan na silang makalayo.
"Sino naman daw ang yayakapin ng isang 'yon" umiiling na sabi ni Raela patungkol kay Kalo dahil wala naman kaming alam na may girlfriend siya dito sa grupo namin, maliban nalang kung may hindi nagsasabi dahil kapansin-pansin din ang paglapit niya sana sa amin kanina at may tinatawag pang 'baby'.
"Baka ako teh" tumatawang ani Teby at tinawanan na rin namin siya. Siguro nga ay kalasingan lang 'yon ni Kalo, nainggit lang siguro kay Gelo.
Pagkaalis na pakaalis ng boys ay naisipan nalang naming manood ng movie. Nakahelera kami ng pahiga sa sala nila Teby habang ang TV nila ay nakapatong sa hindi kataasang mesa at saka kami nanood pero ang alam ko ay hindi ko na napanood ang movie dahil pagkasimula na pagkasimula palang ay ipinikit ko na.
"Tulog na siya" rinig kong sabi ni Jeirlyn nang bumangon ako dahil pansin ko na nakapatay na ang TV pero wala ang mga katabi ko. Tinignan ko ang orasan at 1:00 AM na.
Madilim na sa sala at bakas naman ang liwanag sa terrace kaya sumilip ako at naroonn ang mga kaibigan ko nagkakape, pero nagulat ako nang may kasama silang iba.
"Hey" maganda ang ngiti sa akin ni Dos at hindi ako naka-respond agad dahil sa gulat. Isa-isa namang umalis ang mga kaibigan ko papasok at isinara pa ang pinto!
"Late na, bakit andito ka pa?" Tanong ko sa kaniya nag makabawi sa gulat. Tumalikod siya para kumuha ng monoblock at dahil nakatalikod siya ay kinuha ko ang tiyansang iyon para ayusin ng mabilis ang buhok ko dahil alam kong magulo ito mula sa paghiga.
"Si Pete ang huli kong inihatid kaya naisipan kong dumaan muna dito" aniya at pinasalamatan ko naman siya dahil sa paghatid sa pinsan kong nalasing.
"Nalasing ka ba?" kapagkuwa'y tanong niya na agad ko namang inilingan
"Isang wine lang ang nainom namin" sabi ko at saka itinuro ang sang bote ng wine na hindi ko alam na naipagilid na pala sa labas.
"Akala ko, kaya ka nakatulog dahil nalasing ka na. Hindi ka din kasi nagrereply" hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya.
Bakit kailangan ba na lagi akong mag-reply. Mayroong parte sa akin na gustong sabihin ang linya na 'yon pero hindi ko sinabi dahil alam ko rin na kahit hindi niya sabihin, kapag hindi kinuha ni Teby ang mga cellphone namin ay hindi ko siya matiis na hindi reply-an.
Nangibabaw ang katahimikan sa amin ang for the first time ever, i find the silence awkward. Marami akong gustong sabihin or tanungin about sa relationship namin dahil siguro sa napag-usapan namin ng mga kaibigan ko kanina.
Gusto kong magtanong para masagot ko na rin ang mga tanong ng mga kaibigan ko, at para masagot ko na rin ang sarili ko. Pero hindi ko kaya.

BINABASA MO ANG
The Last Rule
Fiksi RemajaHe loves basketball, it his his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team, means new rules. ...