"Tapos na," ibinalik ni Dos sa akin ang cellphone ko. Andito ulit ako sa pwesto namin kung saan nanonood kami ng sunset, pero mukhang wala ngayon dahil makulimlim. At andito ngayon si... 'tong lalaking 'to, nagpapa-airdrop nanaman.
"I-dedelete ko na 'to ha," Kagagaling lang namin kagabi sa Mansiyon at andito kami ngayon like hindi affected sa mga sinabi ni Lolo. Well, sila, kasi pinagpatuloy parin nila ang basketball, habang ako... I just can't help but think about it. Kaya madalas akong lutang ngayong araw, kasi everything is fresh pa sa utak ko.
I have to admit I am sensitive. Lalo na kapag galing kay Lolo, kasi when I was younger, he was nothing but sweet to me. Ngayon, hearing those words from him... anxiety hits me like a truck. Will he disown me, just like what he did to Dad? Will Papa be the same pag tumanda siya? Parang hopeless ako ngayon... parang alam ko na agad na I will fail him.
After that dinner, imbes na matulog kami sa Mansiyon, nagpumilit si Papa na umuwi na lang kami kahit gabi na, kasi alam nila kung paano ako naapektuhan. When we arrived at home last night, sinubukan nila akong i-comfort, pero I was silent the whole time. Umiyak lang ako nang si Kuya Calli ang kumusap sa akin. I even remember him sleeping on my bed last night, dahil niyakap ko siya habang umiiyak hanggang sa matulugan ko. Pero nung gumising ako kanina... wala na siya.
Kaya ako nagpaiwan ngayon dito, at naisipan ng mga kaibigan ko na pumunta sa stall ni Ate Gemma para bumili ng pagkain. Na-realize ko na magandang mag-isip ngayon at mapag-isa, pero dumating 'tong lalaking 'to.
"Ilibre mo nga ako, juice lang," sabi niya. I looked at him in disbelief. Wala bang hiya ang isang 'to?
"What? Wala ka bang pera?" kainis na 'to. Manghihingi ng pambili ng juice sa akin?
"Wala nga eh."
"Walang pera pero latest model ng iPhone yung gamit. Ang galing." Tama naman ako. I'm pretty sure he's rich kasi that phone is hella expensive.
"Regalo lang 'to ng ate ko," sabi niya, staring at his phone. I stared too. That is actually my dream phone. Kainis.
"Edi humingi ka sa ate mo," I said.
"Ng pambili ng juice? Ang tanda-tanda ko na manghihingi pa ako ng limang piso na pambili ng juice sa ate ko?" he said, medyo natatawa.
"Kaya sa akin ka humihingi?" I asked sarcastically. Really, this guy's logic. What the hell?!
Mabuti nalang at umalis na siya nang walang sinasabi. Finally, peace. Aware rin ang mga kaibigan ko na may bumabagabag sa akin, kaya siguro hindi na sila bumalik dito. Sanay na sila. I am the listener friend, pero ako ang hindi nagsasabi sa kanila.
For me, it is useless. Kasi na-try ko na dati magsabi sa kanila, pero the pain and the heaviness is still the same. Walang nagyari. So what's the point?
That was just for me, though, kasi lagi naman nilang sinasabi sa akin na gumagaan ang pakiramdam nila kapag nag-open up sa akin. I just don't know paano nila nagagawa 'yon. But that's not what I should think about right now. Ang perfect ng maulap na kalangitan, at dahil hapon na, medyo malamig ang ihip ng hangin para makapag-isip ako... on how to really make my Lolo proud.
Should I follow what he said? Should I be happy? Will I make him proud? Paano kung hindi ko siya sinunod at ipinursue ko ang medicine? What will happen? What if tama siya? What if magiging anino lang ako ni Kuya? So what if maging anino ako? What will happen really? I'm pretty sure I know what I want. But is that what I need? Is that what I should be?
My train of thoughts got interrupted nang may disposable cup na may napakalamig na juice ang dumikit sa pisngi ko. Agad kong inilayo ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko. Ang lamig! Inirapan ko siya, pero nakalahad parin sa akin ang juice.
BINABASA MO ANG
The Last Rule
Fiksi RemajaThe Last Series #1 He loves basketball, it's his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team...
