Chapter 40 - Pangatlong Buhay

6 1 0
                                        

Dos' POV

"Sibat na 'ko." Sabi ni Kalo sabay takbo na parang ninja. Papataas palang ang araw, nag-jogging kami sa malapit na oval sa amin. Pagkasara ko ng gate ng bahay ay nakita ko si Mama sa mga halamanan niya at kung ano-ano nanaman ang ginagawa. Lumapit ako sa kanya para sana batiin siya pero nagulat ako sa hitsura niya.

"Ma, anong nangyari?" Dali-dali ko siyang nilapitan.

Nagulat siya at agad niyang pinunasan ang luha niya. "Wala 'to anak." sabi niya habang umiwas ng tingin.

"Inaway ka nanaman ba ni ate?" iyon ang una kong naisip dahil yun lang din naman ang dahilan kung bakit nagkakaganito si mama, at hindi ito ang unsang beses.

"Hayaan mo na si ate mo. Sinubukan ko kasi siyang kausapin para itigil niya na yung pagpupumilit sa inyo ni Rachelle pero mukhang mas nagalit yata anak. Sorry." Kahit kailan talaga si ate. Mabait naman siya eh. Nagiging dragon lang talaga kapag hindi nasusunod yung gusto niya. Kaya ng araw na iyon, hindi ako nakasama kila Sola para mamalengke para sa outing namin bukas. Sayang at excited pa naman kami.

Nag-stay sila Rachelle dito sa bahay halos maghapon. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha nila eh. Kulang nalang dito na sila tumira. Namimiss ko na ang Sola ko. Panay ang text ko sa kanya pero hindi na nagrereply, mukhang nagtampo na kasi hindi ako nakasama sa pag-grocery.

"Samahan mo si Rachelle." Utos ni ate habang nagbaback-read ako sa convo namin ni Sola. Nami-miss ko na kasi talaga siya.

"Ako na lang, Ate. Kaya ko mag-isa." Syempre alibi ko. Kasi naman, naka-motor ako eh! Wala nang space for third party. Tsaka huling beses na may inangkas ako, blinock ako ni Sola. Ayoko nang maulit yun!

"Pwede ba akong sumama? May sasabihin din sana ako." Biglang sumabat si Rachelle kahit hindi naman siya ang kausap ko. Ate ba kita?

"Ayoko." Sabi ko ng harapan, at bigla kong naramdaman ang mata ni ate. Kahit hindi ko nakikita nararamdaman ko, dragon talaga to.

"Anak." Bigla ay nagmamakaawang ani ni mama. Napalingon ako sa kanya at bigla akong naawa sa hitsura niya. Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap ko para lang hindi ko suwayin ulit si ate lalo pa at katatapos lang nilang mag-away kanina.

Huminga ako ng malalim, sobrang lalim parang umabot ng impiyerno at saka nag-walkout. Nakakainis! Sobra! Kung hindi lang talaga nadadamay si Mama!

Naglakad ako palayo, papunta sa motor ko ay hindi ko napansin na may sumunod pala sa akin. Tumigil si Rachelle at tumayo sa harap ko.

"Please, Dos." Bakit kasi sasama pa to. Gusto niya palang pumunta edi sana siya nalang, bat kasama pa ako? "Sorry. Nirerespeto ko na ayaw mo na. Alam kasi ni ate mo na may nararamdaman pa ako sayo, pero hindi naman kita pipilitin." Nagpaliwanag pa. Eh bakit nandito ka pa?

"Hindi na ako babalik sayo. May Sola na ako." Deretso kong sabi sa kanya at saka pinaandar ang motor ko, Siyempre paiinitin ko muna ang makina pero parang mas nauna pang uminit ang ulo ko.

"Sorry. Ayaw ko lang din suwayin si Ate mo. Pero promise kakausapin ko siya." Yumuko siya. akala niya siguro magi-guilty ako.

"Bakit hindi pa kayo umaalis?" Bigla ay may sumabat na dragon na naka-blue. Dali-daling umangkas si Rachelle. Aba! Kumapit pa!.

Pinatakbo ko ang motor at nang makalabas kami ng gate ay itinigil ko ang motor.

"Lumayo ka, at wag kang kumapit sa akin." Nang maramdaman ko ang paglayo niya at pagbitaw niya sa likod ko ay saka ko muling pinaandar ang motor. Tama yan, si Sola lang dapat.

Tuloy-tuloy ang pagpapatakbo ko at nilalanghap ang simoy ng hangin nang maisipan ng alagad ng dragon sa likod ko na magsalita, muntik ko nang makalimutan na may tao pala dito.

The Last RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon