Dos' POV
"FOUL!"
"Wala akong ginagawa!" last quarter na at kanina pa ako napipikon sa referee. Hindi siya pamilyar sa akin, parang ngayon ko lang siya nakita mula sa ilang beses ko nang paglalaro sa liga na 'to. Mukhang baguhan.
"Warning for graduation, Hernandez" Napailing ako sa inis.
T*ngina. Foul daw? FOUL DAW?! Eh ni hindi ko nga siya hinawakan, sininghot ko lang konti. Sa sobrang pikon ko, gusto ko nang ihagis 'yung bola sa referee pati whistle niya, isama ko na sa lipad. Tapos 'yung ngisi ng point guard ng kalaban? Para siyang nang-iinggit na batang may Happy Meal. Madaya, maasim naman.
Biglang lumapit si Kuya Bry, tinapik ako sa balikat. "Hayaan mo na," sabi niya.
Kalma, Dos. Hinga
Isa. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring justice.
"Box out!" Napalingon ako sa sumigaw, tinanguan ako ni Coach saka siya pumalakpak ng dalawang beses. Parang Knock-out ang gusto ko, Coach o di kaya sa sobrang inis walkout nalang, yung may slow-mo effect. Muli pa siyang nagsalita na parang may inuutusan sa mga teammates ko pero hindi ko na 'yon binigyan ng pansin dahil lumipat ang atensyon ko sa nasa likod niya.
Kahit na may kalayuan ay halata ang pamumula ng pisngi niya marahil sa init dito sa court. Kagat niya ang pang-ibaba niyang labi at ang dalawa niyang kamay ay magkahawak, nilalaro ang mga daliri na parang nagpipigil ng kaba.
Nanatili siyang naka-upo, kahit na ang mga tao sa paligid niya ay tumatalon at sumisigaw nanatili siyang kalmado. Bigla nalang ay parang nawala ang inis na nararamdaman ko. My Sola. Ang katahimikan sa magulo kong mundo.
"With those kinds of players let's be thankful nalang na walang injured sa inyo." Magka-usap kami sa cellphone ni Sola. Naghahanda na siyang matulog habang ako ay naghahandang lumabas. Nag-aya kasi si Kuya Bry sa kanila at aalis na rin ako pag natulog na si Sola.
"Pero hindi mo ba pansin?" Kuha ko sa atensyon niya at malamang ay ang maarteng "What?" na may kasamang taas ng kilay ang natanggap ko. "Lagi akong nagfa-foul kanina."
"Yes! Muntik kang grumaduate" tawa niya sa akin.
"Alam mo kung bakit?" Tinitigan ko siya sa screen ng cellphone ko kahit 13% percent nalang ang battery.
"Why?"
"Kasi tinamaan ako"
"Well obviousl-"
"Sayo"
Kitang-kita ko ang gulat sa reaksiyon niya at agad na pinalitan ng irap. Parang diring-diri! Aray naman! Ref, Foul!
"Corny! Don't do that again!"
"'Yan ang foul, wala bang tawag sa referee? Ang sakit ha. Grabe ka naman kiligin." Umarte pa akong nasasaktan pero irap lang ang ibinigay niya sa akin.
"You know I was about to comfort you pero ang annoying mo parin 'no"
"Ang sungit mo parin" bulong ko at halatang hindi niya narinig.
"What?" Ayan naman ang signature "what" na may accent na may kasamang kilay.
"Wala. Ang sabi ko matulog ka na, ipahinga mo muna 'yang utak mo bukas mo na ako ulit isipin. Ako muna iisip sayo."
Pagkababa niya ng tawag ay agad akong lumabas ng kwarto para pumunta kina Kuya Bry. Hindi pa ako nakakalabas ng pinto nang nagsalita si Ate.
"Dan, wag kang lalabas bukas at bibisita sina Rachelle dito" Walang araw na hindi binanggit sa akin ni Ate ang pangalan ni Rachelle. Napapansin ko rin na mas napapadalas na silang bumisita dito, halatang may binabalak nanaman si Ate.
BINABASA MO ANG
The Last Rule
Ficção AdolescenteThe Last Series #1 He loves basketball, it's his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team...
