"Girl, dali!" hila-hila ako ni Teby papasok sa Basketball Court ng bayan namin. Ngayon kasi ang first game nila this season, at nahuli kami ng kaibigan ko sa pagpunta dahil maaga silang umalis at isang elf ang sinakyan nila. Sa elf na 'yon sumakay ang mga players pati ang mga manonood at ayaw akong pasakayin ng kapatid ko doon. Ayaw din ni Teby dahil masasayang daw ang ginagamit niyang pampaputi.
Papasok pa lang kami sa court at halata na agad na maraming tao. We're minutes late, kaunti palang ang nami-miss namin sa game pero mukhang mainit agad ang laban dahil malakas na agad ang hiyawan.
Pumunta kami sa bleacher ng mga players. Players lang dapat ang uupo doon but puno na ang buong place at maganda din ang spot na 'yon para manguha ng shots at videos.
Ang nasa loob na naglalaro ay sina Jan-Jan, Kuya Bry, Kuya Gab-Gab, Wes, at ang kapatid kong si Astro. Based on my judgment from the past few seasons, ang limang naglalaro ngayon ay talagang solid. Everyone has their own strengths, pero silang lima ang pinaka-standout. Though for me, Kuya Kriz is still the benchmark, mas alam niya talaga ang court at game sense.
With Jan-Jan's height, siya ang tallest ngayon since umalis na si Kuya Kriz, kaya siya rin yung may pinakamalakas na presence sa rebounds at blocks. Kuya Bry's body gives him an edge sa steals at hindi madaling maagaw ang bola kapag hawak niya. Kuya Gab-Gab's shooting skills, especially sa three points, nakakapanalo ng games kahit minsan mukhang swerte lang. Si Astro, my brother, ang bilis at unpredictability ng movements niya, mahirap habulin, hindi mo mahuhulaan kung anong next move niya.
Ahead ang kabilang team ng five points sa team nila Papa at kasalukuyan silang nasa time-out ngayon. At kahit nasa labas ang mga players, damang-dama mo ang ingay dahil sa music, and cheersng mga nanonood. Many are supporting NOVA,which is Papa's Team. Siguro dahil nagchampion sila dati, pero marami din kasing dinalang mga cheerer sila Papa.
The place is getting so loud, I can feel my head starting to feel heavy. Medyo lumalakas na din yung pulse sa ulo ko, i can feel it.
Teb was already hyped up sa tabi, squeezing in with the crowd, shouting random cheers. Ako lang ang nag-iisang babae dito, holding my phone with magsafe attached kasi hindi kakayanin ng battery life ng phone ko na mag-record ng buong game without it.
"Dos pasok ka," that's what I heard from Papa nang lumapit ako sa kanila na nagkukumpulan while holding a board. Lumapit ako para kuhanan sila, documentation purposes. They love it when I capture everything, kahit yung simpleng drills, mga warm-up, o kahit yung maliit na gestures nila sa court.
Prrrrrrrrrt!
"Back to the ball game!" sigaw ng announcer, at bumalik na sa court ang players.
"Manuel, 7 Out. Hernandez 3 In," muling announcer, at pretense namang tumakbo si Dos papunta sa gitna, pero bago iyon ay nakipagtapikan muna siya kay Kuya Bry.
The Dos I'm seeing now is different. Seryoso siya, focus na focus, wala yung usual mischievous smile na nakakainis. First time na makita ko siyang ganito, parang nagbago ang aura niya.
I swiftly turned my phone on at itinutok sa laro. Bola ng Nova kaya nirecord ko agad. Dala ni Astro ang bola papunta sa court nila, mabilis siyang tumakbo habang nagdi-dribble, pero nang makapasok sa court, inihagis niya sa direksyon ni Kuya Gab, pero may tall opponent sa pagitan. Nasapo ng kalaban. Pinatay ko agad ang recording at dinelete. I only keep videos na may points, importante yun sa highlight.
Frustration is obvious sa audience. May isang girl na sumigaw, "OK LANG YANG NUMBER 26, MAHAL PARIN KITA!" I didn't know if Astro even heard it, pero wala akong nakitang reaction sa face niya.
Ibinaba ko na cellphone ko kasi kalaban naman ang may bola. Gusto kong maging attentive at hindi distracted. I should buy a tripod next time para mas steady ang shots and para hindi ako mangawit.
The opposing team tried to score, pero na-block agad ni Jan-Jan. Tinakbo niya ang bola palabas, pero na-slip sa kamay kaya nakuha ng kalaban. I turned phone back on, pero mas concentrate ako sa action ngayon.
The player's fast passes, audience cheering, lahat hectic, pero I noticed Dos moving strategically.
Nakakabingi ang hiyawan sa side ko, ang iba pa ay tumayo sa kina-uupuan at nagsisi-talon lalo na nangg itakbo ni Dos ang bola ng napakabilis papunta sa court nila. Mabilis siya! Siguradong mas mabilis pa kay Kuya Astro.
Bigla akong nakaramdam ng excitement lalo na ng palapit na siya sa ring nila at sa bilis niya ay walang nakahabol sa kanya ni isang kalaban at hindi na rin agad na nakasunod ang teammates niya at napatayo rin ako kasama ng mga taong nasa side ko nang talunin niya ang ring, kahit medyo malayo pa at nag-lay-up.
Sa mga naglalaro ngayon, siya ang pinaka-mababa ang height pero naabot niya ang ring at maangas ang pagtalon niya para ipasok ang bola sa ring at parang slow motion ang ginawa niyang paglay-up at pagbaba. Sa hindi ko namamalayan ay napapalakpak ako kasabay ng hiyawan ng mga nasa-side ko. Lahat kami ay nakatayo. Not until I realized something.
Oh Shocks! Nakalimutan kong i-video! But it's fine, isa lang naman. I'll pay more attention now. I was just shocked. I didn't know he was... good?
All those times ay seryoso ang mukha niya, not wearing his usual smile that made him even more, more what? Cool? I guess.
He was fast, sharper than I remembered. Bawat run niya, bawat move, calculated. Lahat ng girls around are shouting, some calling his number, some screaming his surname, some even shouted "I love you!" He didn't smile, didn't acknowledge them. Parang focus lang siya sa court. This is his other side.
The game went on and I became more attentive now. Naging maganda ang mga nangyari sa team nila Papa. Pumasok din si Kuya Calli at ibang mga players upang mag-sub pero si Dos ay hindi na lumabas. Babad na siya hanggang last quarter. They Won.
Everyone on our side is shouting, celebrating. The audience jumped in excitement, some from the opposing team even came closer for pictures. I'm still in my spot, recording everything.
I can see everything on my cellphone's screen. I saw how my friends jump and shout. Nix went straight to her boyfriend. The players are doing their guy handshake, everyone is happy. Everyone is smiling, and there's Dos, wearing his signature smile now. For the first time, hindi ako nairita sa ngiti niya. This is new. Well, I'm just genuinely happy for them.
People gathered for photos, some solo, some group. Marami din sa mga supporter ng kalaban ang lumapit para makapagpa-picture.
May mga nagpapicture sa kanilang lahat maliban kay Gelo na nakadikit sa kaibigan ko. After how many minutes, I gathered them at the center para picturan silang lahat.
We waited for everyone to finish, marami ang nagpapicture sa mga kapatid ko and I made a mental note para magpapicture sa kanila mamaya pero ang may pinaka-marami ay kay Dos. Naka-ayos na ang iba para sa grouphie at siya nalang ang hinihintay namin.
Inaasar na siya ng mga teammates niya pero hindi nya naman pu-pwedeg talikuran ang mga babaeng nagpapa-picture sa kanya. Maybe he shocked them. He's a new face and maybe he caught them with his gracious moves in the court. He kindly accepts them all at nagte-thank you pa kapag natapos ang picure.
Hearthrob huh?
Napapalibutan siya ng mga babae ngayon, I wonder if he has a girlfriend. Siguro wala? Kasi kung meron man, edi sana nanonood na at sinuportahan siya. Pero malay mo busy or LDR. But I doubt dahil hinihingi na ng mga babae ang socials niya at binibigay niya naman. If he have a girlfriend dapat hindi na niya bigay. If I am his girlfriend, I won't tolerate this.
Huh?
What am I even thinking?
What do I know?
At dahil marami pang nakapila sa kanya ay inaya ko na muna ang mga kapatid ko. I took a picture with Kuya Astro only at meron din 'yong dalawa kami ni Kuya Calli pero ang pinaka-nagustuhan ko ay 'yong tatlo kami.
Kuya Calli's hand resting on my head, my arm on his waist, while Astro was pinching my cheek so hard I almost tore his jersey.
Habang busy pa ang isa, I posted it agad on my story. We looked so cute in the picture, you can clearly see the difference ng trato namin sa isa't isa.
May mga players pa na nagpakuha ng solo picture dahil gusto daw nila ang mga kuha ng cellphone ko. Nag-picture din kami ni Bret dahil panay ang tulak sa kanya ni Rustin. At nang matapos na siya ay muli silang nag-ayos. Papa is standing in the middle.
"1. 2. 3!"
BINABASA MO ANG
The Last Rule
Teen FictionThe Last Series #1 He loves basketball, it's his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team...
