"Angas!" Komento ng kapitbahay naming si Kalo nang paandarin ko ang motor ko na kapapalit lang ng muffler.
Bagong lipat kami, katatapos lang ng pinapatayo ni ate ko na bahay dito sa nabili niyang lupa sa isang maliit na probinsya.
Lumipat kami dito dahil na-destino dito si Kuya Mike ang asawa ni Ate. Sinama nila ako para mapalayo sa Maynila. Sa mga tropa ko at sa basketball.
Bata palang ako ay mahilig na talaga ako sa bola at habang lumalaki ay pinangarap ko ito. Second year highschool, nang malapit ko nang makamtan ang pangarap ko nang may nangyari.
Napabayaan ko ang pag-aaral ko, hindi na ako nakakapasok kaka-training para makapasok sa isang sikat na Team sa Maynila at hindi natuwa si Ate. Kaya ako isinama sa probinsya.
Pero kahit anong gawin nila, hindi nila ako mahihiwalay sa basketball. Kahit anong mangyari.
"Naintindihan mo ba ang mga rules?" Tanong ni Coach Darren. Isang Coach sa isang maliit na team dito sa barangay. Malugod nila akong tinanggap kahit hindi alam ni Ate, ang alam nila ay sumasama lang ako sa gala ni Kalo.
Hindi ko maintindihan ang huling rule ni Coach, iba ito sa dati kong team sa Maynila. Pero okay lang, gusto ko pa rin maging parte ng team. Kahit na kakaiba ang dynamics.
Lumipas ang mga araw at hindi naman naging mahirap ang pakiksama ko sa bago kong team. Para ko na rin silang tropa, bawat miyembro. Kahit si Coach.
Nakilala ko na din ang bunsong anak ni Coach. Isa lang ang masasabi ko, masungit. Hindi ko din maintindihan ang huling rule ni Coach dahil sa napapansin ko sa kanila ni Bret.
Lumipas ang mga araw na nakilala ko si Solana at napansin ko na hindi naman talaga siya masungit, sa akin lang. Maayos ang pakikitungo niya sa iba, malapit nga siya sa mga lalaki eh pero bakit parang ang init ng dugo niya sa akin.
Napakaliit niyang tignan, pati mukha niya maliit, Kahit ilong, labi, mata. Maliit. Kung titignan mo siya, mukha siyang bata, maamo, malambot, matatakot kang hawakan dahil kahit kaunting sagi ay parang mababasag ito.
"I hate you!" Ilang beses ko na siyang nakita at laging iyon ang naririnig ko mula sa kanya. Nakakatuwang tignan ang mukha niya kapag nagsusungit. Akala nya siguro ay matatakot ako pero mukha lang siyang mochi na nagagalit. Nakakaaliw, nakakainis, nakakagulo sa utak.
Hindi ko alam kung bakit natutuwa akong tinitignan ang mukha niya. Napaka-inosente. Ang sarap alagaan, yung tipong gusto ko nalang itago para hindi ma-expose sa kaguluhan ng mundo.
Alam kong spoiled siya. Kay Coach palang, Lalo na sa napakalambing niyang ina at sa mga kapatid niya. Tinuturing siyang prinsesa. Kahit ako siguro kapag ako ang nag-alaga sa kaniya iispoil ko talaga siya ng hindi ko malamang dahilan.
Opening ng una kong laro kasama sa team na ito. Napansin ko agad ang pamumula ng mga balat niya dahil sa init ng parade pati ang pawis niya na parang mahiwagang tubig kapag dumadaloy mula sa noo niya pababa.
Naaliw ako sa pageant hanggang sa hindi ko na siya makita. Hindi ko maiwasang gawin iyon palagi, ang hanapin siya ng mga mata ko para makita ang mukha niya na palaging mukhang nabuburyo kahit napakasaya ng paligid. Pero ngayon nakatakas siya.
Umalis ako para hanapin siya pero nabigo ako, baka umuwi na.
"Dan! Nasaan ka?" Sabi ni Ate mula sa kabilang linya. Pumasok ako sa sasakyan dahil maingay sa labas. Kanina pa kasi siya tumatawag.
"Nasa plasa kami ate, may event. Manonood kami ni Kalo." sabi ko. Hindi ko sinabi na basketball ito, kasi siguradong pauuwiin ako.
"Dadalaw tayo kila Rachelle ngayon! Umuwi ka!" kaya nga ako umalis. Pwede akong umuwi kung gusto ko pero ayoko. Lagi nalang akong pinipilit ni Ate na makipag-balikan kay Rachelle naging ex ko siya sa Manila at laging magkasama si Kuya Mike at ang Papa niya kaya kung nasaan sila naroon din kami. "Hindi ka na makakabalik ng Manila kapag hind ka sumama, Dos. Tuluyan mo nang tatalikuran ang basketball doon!"
BINABASA MO ANG
The Last Rule
Teen FictionThe Last Series #1 He loves basketball, it's his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team...
