"Eh, naalala mo nung tumakas tayong naligo sa Fishpond nung matandang Larry tapos nahuli tayo!" pagkuwento ni Bret. Magkakasama ang ibang players at kami ng mga kaibigan ko sa L300 ngayon kagagaling lang sa liga and nanalo ulit sila. Ang iba ay sa iba sumakay dahil wala ang madalas nilang sinasakyan na elf ngayon.
"Oo shuta hindi ko makakalimutan yun. Lalaki pa ako noon kaya hubo't hubad akong naligo tapos nung naglakad yung matanda papunta sa atin na may dalang pamalo takbo ako agad! Hindi na ako nagsuot ng damit, basta tinakpan ko nalang yung itlog ko!" pagkwento ni Teby na muling ikinatawa ng lahat at ang nangungunang tawa ay ang kay Dos!
"Pre ganyan ba talaga ang tawa mo pre" pansin din ni Wes
"Gagi Pre, hindi ko mapigilan" sagot naman ni Dos saka siya muling tumawa at syempre napasama ang lahat.
Nakarating kami sa bahay, doon na bumaba ang lahat dahil ang iba ay dumideretso na talaga sa bahay ay dito na kakain. Ang iba naman ay umuuwi muna para magbihis at agad ding bumabalik.
At dahil nakaka-limang games na sila at wala pa silang talo ni Isa naisipan nila na boodle fight ang ganap at inaya na din nila ang mga kaibigan ko.
Si Papa ay nahuli pa dahil may meeting daw ang mga coaches kaya kami-kami lang ang nandito. Sari-sarili kami ng trabaho, may nag-iihaw ng isda at karne, may nagluluto sa kusina at kami naman ng mga kaibigan ko ang trumabaho sa mga gulay.
Madali lang naming natapos ang pag-prepare ng ginagawa namin kaya habang hinihintay ang pagluluto ay nagkumpulan nalang muna kami. Dumating na ang lahat, kumpleto na kami sa alam ko pero parang may kulang. This time hindi na namin siya nakalimutan.
"Asan si Dos?" tanong ko kila Kuya Ayan na nag-iihaw. Ang iba ay saka lang ulit naalala nang nabanggit ko na.
"Ba't mo hinahanap?" Pang-aasar ni Kuya Bry. Mayroon siyang mapanlokong ngiti sa labi at may ipinapahiwatig ang tingin. I know what he's thinking dahil hindi na ito ang una. Kapag kami lang dalawa ang magkasama ay lagi niya akong inaasar kay Dos. Kung si Rustin ay si Bret ang inaasar sa akin, siya naman ang sinasabi niya ay si Dos ang manok niya.
"Eh hindi pa siya nagpa-airdrop" sabi ko. Dahil every after game, nakasanayan nang nagpapa-airdrop siya at ngayon ay wala siya. Makahulugan parin ang tingin ni Kuya Bry pero hindi ko na pinansin.
Ang sabi nila ay nagmadali daw siyang umuwi kaninang nakarating kami. Hindi ko na pinansin. Nagpaalam daw siya kay Papa na may pupuntahan pero hindi na binanggit kung saan.
"Baka may date" sabi ni Bret, at dahil doon siya na ang naging topic na siya ng lahat.
"Ang saya niya kasama 'no" sabi ni Wes and we all agreed. Ang first impression ko sa kanya as a jolly person is tama. He always makes the people around him laugh with his humor.
"Pogi" sabi naman ni Teby. At ang iba ay nag-agree, ang iba naman kasama ko ay hindi na nag-react. Well what do you expect me to say? Wala naman akong specific reference or standards in terms sa pangja-judge kung gwapo ang isang tao.

BINABASA MO ANG
The Last Rule
Fiksi RemajaHe loves basketball, it his his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team, means new rules. ...