"Paano si Tito kung ganon? Wala silang coach kapag." tanong ni Raela.
Naikwento ko kasi ang magaganap sa birthday ni Lola. Kagaya ng naplano, mag-i-stay kami sa isang beach resort for one whole week para sa celebration ng birthday niya.
Iyon lang ang nasabi ko. Hindi na nila alam 'yong part na sa first three days ng stay namin doon ay preparation para sa opening ng bago nilang resort—ang kauna-unahang five-star hotel and resort sa coastal region ng Isabela. Sa Day Four naman ay ang mismong opening, na pa-advance birthday celebration na rin ni Lola dahil siguradong marami na namang bisita at mga matataas na tao.
Outreach program naman ang gagawin namin para sa mga nakatira sa isla sa ikalimang araw, at kinabukasan ay ang tunay na birthday ni Lola. Ang sabi niya, kaming pamilya lang daw ang magkakasama sa araw na 'yon. Siguro ay uuwi rin si Tita Dennisse.
"Makinig kayo kay Kriz ha, kayang-kaya niyo 'yan." Wala silang game o training kanina pero nandito pa rin ang mga players para sa meeting nila. One week kasing mawawala si Papa, kaya si Kuya Kriz muna ang tatayong coach habang wala siya. Mababawasan din sila ng dalawang players, pero sure akong kaya nila 'yon.
Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko, and I'm so excited! Bukas na kami aalis. Finally, makakapag-dagat ako bago ang pasukan!
The players are scattered all over the house, they're everywhere. Even si Papa, nakikipagkulitan sa labas dahil may naririnig akong tawanan. Tahimik lang akong nakaupo sa dining area habang kinakain ang cookies na ibinigay ni Kuya Kriz. Namiss ko 'to! Hindi na ako nagulat nang may kamay na pumitas ng cookie sa harap ko. Wala talagang hiya ang mga 'to.
I looked at the person as he sat quietly in front of me. Alam ko na agad kung anong sasabihin niya.
"Pa-airdrop," nangingiti niyang sabi sabay subo ng buong cookie. I gave him my phone, at alam na niya agad ang gagawin niya. The shots from last time, iyon ang ipapasa niya. Hindi na niya kasi 'yon na-airdrop last time dahil nagmamadali siyang umuwi para makita 'yong girlfriend niya.
"Sa tingin mo, kaya namin?" tanong niya nang maibalik sa akin ang cellphone ko.
"Kayang-kaya niyo 'yan," sagot ko. Maybe they're worried kasi ito ang unang beses na wala si Papa, pero I think nasa kanila pa rin 'yon. They can still play without him; siguro kailangan lang nilang alalahanin ang mga paalala niya. Besides, andiyan naman si Kuya Kriz.
"Siyempre first time walang coach, tapos wala pa 'yong dalawang magagaling... pati ikaw," sabi niya. I rolled my eyes at that. Ano naman ang kinalaman ko sa game nila? I heard him chuckle.
"Ngayon na lang kita ulit nakita na umirap, ha."
"You need to be thankful I'm being nice to you," sagot ko, sabay tayo dahil may mga gamit pa pala akong hindi naihanda.
Nagising kami nang maaga dahil kailangan din naming pumunta agad sa mansiyon. Everyone was already waiting for us when we arrived. Kompleto na sila, pati si Tita Dennisse na galing pa sa Europe.
"Tita!" Tumakbo akong sinalubong siya, habang hinayaan ko na lang ang mga kasama ko na maglabas ng mga gamit namin. Sinalubong niya rin ako ng yakap at nagbeso kami.
"I got you swimwears," she whispered during the hug, then winked at me before walking toward Mama for a hug.
Kung si Kuya Calli ay nagmana kay Papa, si Kuya Astro ay parang anak ni Tito Dexter, si Tita Dennisse naman ang nakaka-sundo ko. She always spoils me.
Nang maayos na ang lahat, sumakay na kami sa malaking van ni Lolo. Dalawang driver ang nasa harap, salitan sila. Sa unang upuan sina Lolo at Lola, sa likod nila sina Mama at Papa. Sa susunod na row, sina Tita Dex at Tita Den. Hindi sumama ang asawa ni Tita Dennisse at hindi na kami nagtaka, kasi hindi naman siya gusto ni Lolo. Kaming magkakapatid ay nasa pinakahuling row.
BINABASA MO ANG
The Last Rule
Fiksi RemajaThe Last Series #1 He loves basketball, it's his dream. He will do everything to be able to play again. She is a sunshine, they will do everything to protect her. Now he's back in court, he can play again. He got a new coach, a new team. New team...
