SAWA NA AKONG UMASA

648 10 0
                                    

" Cause all I know is we said hello and your eyes look like coming home, All I know is a simple name, everything has changed. " 

Everything has changed - Taylor Swift  


Nakakasawa na! Dapat kasi hindi na ako umasa! Para hindi ako nasaktan ng ganito kung dati ko pa sana pinigilan edi sana ngayon hindi ako nasaktan , edi sana masaya ako!

Yung feeling na akala mo kaya mo na , kala mo kaya mo na kung ano man ang mangyayari , kala mo handa ka nang masaktan. Hindi pa pala ! Masakit palang tanggapin na wala  kanang pag-asa pa. kasi ang hirap ng abutin. Simula ngayon magbabago na yung nakasanayan mo. Ngayon iba na ang magpapangiti sayo hindi na yung mga kalokohan niya. Wala ng mang-aasar sayo , wala ka nang makakasundo sa ibang bagay. EVERYTHING HAS CHANGED! Kaya mo naman na wala siya KAKAYANIN!!! mini heartbreak lang yan! kaya mo yan,  wala pa ito sa mga pinagdaanan mo noon na na-reject ka !  walang pa sa  1/4 itong sakit na ito hindi tulad ng dati. Kaya mong mawala siya.

Ang totoo hindi naman siya mawawala mapapalayo lang siya sayo kung baga yung nakasanayan mo na lagi siyang nandyan,  madalas na lang yung pagkakataon na yon. Pero makikita mo parin siya na masaya sa iba. Nakakalungkot isipin na ganon nalang yon dibale atleast ngayon magkakaroon ka ng panibagong karanasan, masasanay ka rin na wala siya. Maging matatag ka lang lalo na yang puso mo kasi yan yung pinakamahina sa iyo agad siyang natatamaan, konting galaw lang niya para ka nang baliw na hindi mapakali. Sanayin mo ng wala siya na hindi mo na siya makakasama sa mga panahon na yon na binabalak mo na kasama siya kalimutan mona. Iba na ngayon kaya huwag kanang umasa para hindi ka na ulit masaaaktan :)

Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon