Kaya mo pa ba ang sakit? o gusto mo nalang sumuko sa mga sakit na naranasan mo. Nakapag move-on ka naba? o hanggang ngayon ay umaasa ka parin na magkakabalikan kayo. Okay lang ang masaktan ng sobra-sobra kasalanan mo naman at isa pa pinili mong saktan ang sarili mo kahit na alam mong wala ng pag-asa,pero dahil sa kaka-asa kaya hanggang ngayon ay nasasaktan parin. Sa buhay pilit nilang sinasabi na huwag kang susuko na makakayanan mo yan. Pero minsan kasi nakakasawa ng umasa sa mga pantasya sa buhay.
Uso bumitaw sa mga pangakong pilit mong pinanghahawakan para lang sakanya kung lagi nalang ganyan wala ng mangyayari sa buhay mo lagi ka nalang ba aasa sa isang pangako na alam mo rin na ito ay mapapako, bigyan mong kalayaan yang buhay mo. Kailangan mo lang naman mag let-go sa taong nangako sayo kahit alam mo ng hindi na siya babalik at hindi na niya matutupad yung pangakong iyon. Porket ba sinabi niya nagagawin niya iyo doon ka nalang ba aasa? Minsan mas magandang masaktan na alam mong hindi niya na iyon magagawa kesa naman sa pinang-hahawakan mong babalik siya at tutuparin ang mga pangako niya sayo. Putcha! Masarap umaasa na dadating yung araw na iyon yung babalikan ka niya at sabay niyong aabutin at tutuparin ang mga pangarap niyo sa buhay, pero hanggang kailan?! Di ka super hero para sagipin lahat ng nangangailangan sa mundo. Tao ka lang nagkakamali, nasasaktan at umaasa!
![](https://img.wattpad.com/cover/37847796-288-k349287.jpg)