Ewan

548 6 0
                                    

Dear Ex, 

Siguro ngayon nakikita mo akong naka ngiti pero hindi mo alam kung gaano kasakit sa kaloob-looban ko yung pinagdadaan ko ngayon. Pinilit kong ngumiti para walang makahalata sa tunay kong nararamdaman, shet ang sakit palang kimkimin mo nalang yang nararamdaman mo. Hindi ko na mapaliwanag! Hindi pwedeng may makausap ako kasi isang tao lang yung taong mapagkakatiwalaan ko at makakapag-advice sa akin yung nandyan siya para sa akin diba pwede ganun nalang ang makilala kong tao , yung hindi ako iiwan dahil alam niyang nasaktan ako. Pag talagang wala ka nang magawa ang gusto mo nalang gawin buong magdamag ay magkulong sa kwarto mo at umiyak hanggang sa mamaga na ang mga mata mo kakaiyak basta gumaan lang yang nararamdama mo.

Dear Tadhana,

Di ba pwedng wag mona lang papanain ang puso ko kung hindi naman pala ako mahal nung taong pinana mo para saakin. Pwede naman yun diba , kapag handa na ako doon ulit tayo magkita , doon mo nalang ulit ako pa pana kay cupido kapag handa na ulit ang puso ko. Yung kaya ko na lahat dahil malakas na ako kaya ko ng harapin ang panibagong pag-asa. Pwdeng pakisabi kay cupido time-out na muna ako sa mga yan nakakapagod na kasing masaktan ayaw ko na munang makipaglaro sakanya kasi hindi pa kaya ng puso ko masyado pang masakit yung dinulot niya sa akin.

Sana kapag ayaw mo na, titigil na rin si cupido na panain yang puso mo para mainlove ka sa iba

Sana may time-out sa pag-ibig , pwedeng magpahinga muna masyado nakasi tayong nasaktan

Sana pwede mong kausapin si cupido na panain niya yang puso mo sa iba yung mamahalin karin niya

Sana bwiset na SANA yan hanggang diyan nalang yan kasi alam mong hindi na mangyayari yan , wag ka nang magpaniwala sa sana na yan sasaktan ka rin niyan.

Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon