Sa love may mga bagay na dapat mong isakripisyo para lang hindi kana masaktan. Kailangan mo rin tanggapin ang mga bagay na hindi talaga para sayo, may mga bagay na minsan mo nalang mabibitawan sa buhay kahit sobra ka nang nasaktan isang araw masasabi mo nalang sa sarili mo "masyado na pala ako nagpaka-tanga sa isang tulad niya" at matatawa ka nalang habang lumilipas ang mga araw nararamdaman mo nalang bigla ka nalang sasaya sa buhay na wala siya sa tabi mo at least natutunan mo ng magparaya kahit na sobra kang nasaktan. Na lahat ng pagtitiis mo ay naging worth it lahat ng paghihirap mo sakanya. Ngayon alam mo na ang gagawin mo sa buhay mga dapat iwasan para hindi ka masaktan, ngayong malaya kana sa kalungkutan na nabalot sainyo noong mga nakaraan na araw na nawala siya sa tabi mo ngayon kaya mo ng tumayo ng ikaw lang mag-isa sa buhay. Ngayong masaya kana sa buhay mo isang lang ang masasabi ko sayo congratulation dahil napagtagumpayan mo ang hamon sa buhay mo kasi muntik ka ng mabaliw at inisip na magpakamatay na lang. Congrats kasi makakapagsimula ka na ulit ng bagong buhay, buhay na walang hinanakit sa taong minsan mong minahal at iniyak at sa huli pinaraya mo siya. Mga damdamin na naduwag,nasaktan, at nagpakatanga. Dahil sa pag-ibig natuto kang magmahal, masaktan at ang pinaka importante ang magparaya. Sa sinasabi nilang love napakarami mong naranasan at patuloy mo itong babaunin habang ikaw ay nabubuhay. Oo nasaktan ka ng higit - higit pa pero hindi mo sinukuan ang pag-ibig na naramdaman mo at nagparamdam sayo ng tunay na pagmamahal.
