"Bakit kaya ang kulit niya!" Inis na inis ka sa taomg kinamumuhian mo dahil sobrang pa cool
'Hi' sabi niyang ganyan sayo
'I don't to stranger' atsyaka mo siya iniwan.
Nakalipas lang ang ilang buwan na pangungulit niya sayo napilitan ka na rin makipagkaibigan sakanya. Naibahagi na niya sayo lahat ng talambuhay niya pati na rin yung pagpapakatanga niya sa ex niya na pinagmukha siyang tanga para itago ang relasyon niyo.
"Hi micah" bati niya
"Ano nanaman pa kulo mo ngayon?" napakasungit mo na ngang sumagot sakanya pero parang ikaw pa yung naasar dahil sa ginagawa niya.
"Ang sakit :(" malungkot niyang sabi at umupo sa benches. At dahil may dakila kang kalooban nilapitan mo siya
"Alam mo minsan naiisip ko na pinag tri - tripan mo lang ako sa mga pinag gagawa mo ! Pero minsan nakakaawa ka rin!" hindi parin nawawala ang pagkataray mo
"Minsan alam mo dapat hindi na ako nag open up sayo ano"
"Kung hindi ka ba naman tanga sinaktan ka na kasi ng ex mo pinapatuloy mo pa!" Binatukan mo nga dahil sa sobrang galit mo
"Aray! Huh! May pinag dadaan na nga yung taong nakuha mo pang mambatok :( ""Bakit hindi ka nalang kasi mag move on diyan sa ex mong pinagmukha kang tanga!" payo mo sa kanya
"Bumalik na siya at humihingi ng chance ulit, hindi ko alam ang gagawin ko yung sakit na nadama ko noon bumabalik parin kapag nakikita ko siya" may luha ng pumatak sa mga mata niya.
"Kung sobrang sakit na, take time. Kung nanghihingi ng chance, tignan mu muna kung worth niya pa yung second chance" payo mo sakanya kahit ang totoo gusto mo na siyang patayin sa sobrang tanga niya!
"Lately, lagi siyang nandyan sa mga band practice namin tapos lagi niya akong kinakausap na patang walang nangyari"
"Mahal mo paba?"
"Hindi ko alam, masakit parin yung pinadama niya sa akin na wala akong halaga" sabay turo sa puso niya. Sarap batukan diba
"Nasa sayo ang desisyon kung bibigyan mo pa siya ng chance, lalo kung hindi pa naghihilom ang sakit na nagawa niya"
"Ewan naguguluhan talaga ako." Frustrated niya sagot sayo.
"Alam mo umuwi ka na muna sayo at mag-isip-isip sa desisyon na gagawin mo. Nandyan lang naman siya hindi sumusuko na mahalin mo ulit siya. Pero bago gumawa ng desisyon siguraduhin mong desidido ka na." ang advice mu sakanya at iniwan mo na siya.
Ilang oras lang ang nakakalipas at nagtxt siya sayo ang sabi niya
'Makikipag meet ako sakanya bukas'
'Great! Ayusin mo yang pagpapakatanga mo!" ang hard mo parin sa kanya ang hanggan ngayon.
'Ay grabe siya oh' hindi ka na muli sumagot sa text niya. Kinabukasan ang saya saya mo dahil kasama mo ang bestfriend mo sa bahay niyo saktong hindi nagpaparandam sayo yung makulit mong kaibigan na broken hearted. Tapos bigla siyang mag tetext sa yo
'Pwede ba kita tawagan? May good news ako :) ' bigla mong nabitawan ang phone mo ang pagkagulat mo at agad mo rin itong kinuha at inalis ang baterya at itinago sa drawer. Bigla ka nalang nanginig at parang ang labo ng mata mo na kailangan mo na ng salamin tapos may nahulog mula sa mata 'LUHA' luha? Para saan? Bigla mong pinuntahan ang bestfriend mo at niyakap
'Anong problema? Bakit ka umiiyak?' tanong sayo ng kaibigan mo
'Paano ko sasabihin na nahulog na ako sakanya kung una palang alam ko na, na talo na ako' at humagulgol ka na lang.
Sa pag ibig kahit anong pagsusungit mo at pagtataray hindi mo parin maiiwasan ang ma - fall inlove sa taong nagpadama sayo na special ka, para sa kanyan napaka perfect mo. At na kahit ano kapa ay tatanggapin ka pa yun nga lang napakatanga niya dahil sa pag-ibig halos magpakamatay na siya sa mga nangyayaring kamasalan sa buhay niya.