Sabi nga sa kanta ni taylor swift " Everything has changed" totoo nga naman kapag kasi ang isang tao nawalan ka ng gana sa kanya magiiba ang lahat. Wala ng mangungulit sayo, wala ka ng kausap lagi sa phone , wala ka ng ka chat na ang topic niyo lang ay ang mga walang kwentang bagay na nangyayari, wala ka ng makakausap kapag maiinip ka. WALA na yung dating kayo. Napakabilis ng oras at ang panahon. Bigla nalang din niyan maglalaho ang pag-ibig na pilit na pinaglaban. Mga panahon na kasama mo siya, mamimiss mo nalang ang lahat ng mga gingawa niyo kapag magkausap kayo. Mabibigla ka nalang din isang araw hindi na siya ang laging mong naiisip.