Masyado ka kasing nagexpect sa mga mangyayari sa inyong dalawa yan tuloy nagsawa ka na sabi nga nila "Expect nothing and you will never be disappointed" pag nakikita lang natin ang mga words na yan doon lang natin natatandaan na masakit na minsan kasi nakakalimutan mo yang motto na yan. Pwede namang hindi na mag expect diba? Pero alam kong hindi natin maaalis yan sa sarili natin dahil once na nagbigay ng motibo ang lalaki patuloy na aasa ang mga babae o minsan naman baligtad magbibigay ng motibo ang babae at ang lalake naman madadala sa mga aksyon ng babae. Pwede ring pareho silang nagbigay ng motibo sa isa't - isa kaya naman pareho silang umasa pero takot lang sila na magparamdam ng feelings nila dahil ayaw nilang masaktan sa huli. Bakit ang ibang tao napipigilan nila ang mga sarili nila? Na tigilan na pagiging tanga? Bakit naman ang iba hindi? Dahil ba hindi sila nagsasawang masaktan? Napakaraming mga tanong na pumapasok sa utak natin lalo na pag nagbigay ng motibo ang isang lalaki.