"It hurts to let go, but sometimes it hurts more to hold on."
Sad but true, diba minsan nahihirapan kang mag let go kasi mahal mo pa yung taong yun pero hindi ba mas masakit kung pilit kang nakahawak sa taong matagal ng bumitaw sayo matagal ka na niyang iniwan, pilit mong sinasabi sa sarili mo na babalik siya na babalikan ka niya kaya hanggang ngayon pilit ka pang hindi bumibitaw sa mga pangakong minsan niyang pinangako pero hindi natupad. Pinapaasa mo lang ang sarili mo! mas maganda kung pati ikaw ay bumitaw na rin kasi wala nang kayo at hindi mo na mababalik pang muli ang nakaraan kaya pag alam mo nang nahihirapan ka na bumitaw ka masakit man sa una. Pero unti-unti masasanay ka hanggang sa maglaho na ang iyong nararamdaman.
Balang araw pagtatawanan mo nalang ang mga yan kung gaano ka ka-tanga noon sa kanya, kung gaano ka nabaliw ng sobra sa kanya. At least ngayon alam mo na. Pero paano kung hanggang ngayon hindi ka pa bumibitaw, habang siya masaya na iba edi hanggang ngayon wasak parin yang puso mo at miserable yang buhay mo ng dahil sa kanya. Mabuti pa hangga't maaga ay bumitaw ka na sa mga pangakong napako . Ma-swerte ka kasi ngayon handa kana, dahil may darating sa buhay mo na magmahal sayo ng todo-todo yung mas deserving sa pagmamahal na handa mung ibigay sa kanya. Pero this time natuto ka nang magtira para sa sarili mo kasi once ka nang nagmahal ng todo at nasaktan kaya ngayon alam mo na kung kailan ka titigil at alam mo na ang limitasyon mo kung magpapatuloy ka pang mahalin siya at alam mo kung kailan mo siya dapat ipaglaban kung hanggang saan mo kayang panindigan ang mga sinabi niya sayo.
