Alaala

225 4 0
                                    

Minsan ba naiisip mo na gusto mo nalang umiiyak dahil sa mga pagbabagong ikaw lang ang nakakapansin na nag-iba na ang lahat? Na minsan mas gusto mong kumawala sa sarili mong kulungan? Yung ma feel mo na free ka? Hindi kayo pero ang sakit ng nararandaman mo dahil parang nanlamig na siya, dati rati siya ang kasama mo pero sabi nga nila May taong dumadating para magbigay lang ng aral at may mga taong mas pipiliing manatali sa tabi mo. At sa puntong ito may taong dumating lang para magbigay ng aral sayo, sa mga karanasan mo, kahit masakit tanggapin na umalis na siya sa tabi mo. Masyado mo kasing sinanay ang darili mo na sa lahat ng oras nandyan siya para sayo, na siya ang natatakbuhan mo kapag kailangan mo ng tulong. Kaya ngayon hirap kang makalimutan siya kahit sabihin mo nalang na hindi kayo pero ang laki na ng part niya sa buhay mo hindi mo parin maiiwasan ang malungkot habang ina-alala ang mga memories na naiiwan sayo. Kaya minsan mas magandang umiwas ka sa mga tao para hindi ka na masaktan. Dapat matakot kang may makapasok na bago sa buhay mo yung napakakulit niya kaya hindi mo lang siya matiis dahil naiirita ka. Sa una palang alam mo na rin naman ang mangyayari dapat umiwas kana at hindu mo hinayaan ang sarili mo na guluhin niya ang buhay mo. Ngayon nagsisisi kang hindi yung nagsisisi ka dahil nag iba na ang lahat ang trato, pakikitungo. At hindi naman kasi dahil sa kanya natutunan mo ang mga bagay na hindi mo kayang harapin dati, siya yung nagbigay ng lakad sayo na magtiwala sa mga tao kahit na natatakot ka, siya yung nagpapalakas ng loob mo kapag hindi mo na kaya, siya yung nangungulit sayo kapag bored ka. Lahat ng ay mga alaalala na lang at yung taong yon ay wala na. Alaalala nalang ang nanatiling meron ka.

Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon