Jupiter's POV
Sa sobrang busy namin sa finals ay halos hindi na kami nagkikita ni Nebula. Minsan nauuna siyang umuwi at ako naman ay sinusundo. Hindi ko na siya nahahatid sa kanila dahil hindi umaalis sila Mars nang wala ako.
"Mars, cover up for me please! Mawawala na ako sa katinuan. Hindi ko siya nakikita for the past few days. Palagi na lang kasi may meeting sa council," saad ko.
"Sige, I'll cover up for you. Sasabihin ko may meeting ka pa kaya hindi ka makakasabay umuwi," sagot niya.
"Thank you so much! I owe you this one!" sagot ko.
"Pumunta ka na ng office. Sasabihin ko na lang kay Nebby puntahan ka roon. In a few minutes darating na 'yong sundo natin kaya better be prepared," sagot niya.
Pumunta na ako sa office. Sakto naman rin na may paper works akong dapat tapusin dahil kailangan na sa report. Habang ginagawa ang mga ito ay hindi ko mapigilang maging excited dahil magkikita na ulit kami.
Hindi nagtagal ay nagbukas na ang pintuan at pumasok si Nebula.
"Love!" she exclaimed.
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. I long for this touch, ang tagal na noong huli ko siyang nayakap ng ganito. Naramdaman kong tinapik niya ang likod ko. All my worries fade away when I am in her arms, this is home.
"How are you? Sumusunod naman ba ang Levi sa 'yo?" I asked.
Bumitaw na ako sa yakap niya. I helped her sit in the chair in front of me.
"Sumusunod naman. Ikaw ba? How are you? Your mental state? Sabay-sabay responsibilities mo tapos malapit na rin 'yong game niyo," sagot niya.
"Okay pa naman ako. Hindi pa naman ako na-i-inspire mag-lay down sa white rectangular shaped bed na binabaon under the soil," sagot niya.
"Hindi pa pwede. Hindi pa naman tayo humaharap sa altar eh!" sagot niya.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya upang maitago ang nararamdaman ko. Naramdaman kong namumula na ang tenga ko at nagsisimula na rin itong kumalat sa mukha ko. Her random 'pakakasalan kita' lines make my heart uneasy. Whenever I look at her I always look forward to a future with her. I don't see myself successful without her.
"Uy! VP, kinikilig ka na naman sa banat ko! Nonchalant sa iba pero kinikilig kapag ako bumabanat!" she teased.
"Agape!" sagot ko.
Tinawanan niya lang ako na para bang ako na ang pinaka-nakakatawang tao sa buong mundo. I don't care if she's looking at me like I'm a joke as long as I hear that life that's like music to my ears. I will do anything to keep that smile in her lips.
I heard my phone rang kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Marsiana:
Jupiter, bilisan mo. Hinihintay na tayo ng sundo natin. Kahit sinabi kong may meeting ka hinintay ka pa rin namin.
Me:
Sige-sige, magpapaalam na ako.
Nag-message na ako kila Silas na sabayan umuwi si Nebula.
"Agape, I need to go na... Mauna ka na lumabas. Isasara ko pa itong office," saad ko.
"Sige, Love. I'll text you na lang pag-uwi ko. Iniintay rin ako nila Jani sa labas," sagot niya.
I hugged her for the last time bago siya lumabas. Nag-stay pa ako saglit sa office bago tuluyang lumabas. I made sure to close the lights and lock the door. Agad naman akong lumapit kay Mars para makauwi na. For sure hinahanap na kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
LEVI SERIES #1: THE PRESIDENT'S LOVE
Подростковая литератураNebula Damaris Levine the epitome of leadership, beauty and brains. Everyone knows her as the prim and proper president of the star section of their school. Not only that she is also known for her rivalry with their class' vice president, Jupiter El...