CHAPTER 10: REUNION

8 1 5
                                    

Nebula's POV

After I replied to the message he sent, he decided to not do it this season.

Jupiter Elio Armani

It's okay. Let me know when are you free para magawan ko rin ng paraan sa schedule ko.

Me:

Next month. That's my graduation.

Him:

Next month it is.

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang messages na 'yon pero hanggang ngayon, naalala ko pa rin iyon. Madalas na rin ako inaaya ni Lux na sa hospital mag-lunch dahil wala raw siyang kasama. Pabor rin naman sa akin dahil halos five hours ang pagitan ng susunod ko na klase.

"I heard masarap raw ang canteen food rito, bakit pinagluluto mo pa ako?" tanong ko.

"Hindi ako nabubusog sa canteen foods, mas prefer ko luto mo," sagot ni Lux.

"Paano na kapag hindi na ako sinipag na magluto? Matitigok ka na lang?" sagot ko.

Tinawanan niya lang ako at binuksan ang tupperware ng pagkain. I prepared his comfort food today because he needs to study for a quiz tomorrow.

"Sana hindi ka magsawa sa pagluluto for me!" he said.

"Malapit na ako magsawa, hindi ko lang sinasabi sa 'yo!" sagot ko.

While we were peacefully eating lunch the crowd went wild when someone entered the cafeteria. Nilingon ko ang dahilan ng ingay at napabuntong hininga na lang. Ilang araw na rin siyang nagpapakita sa cafeteria na 'to sa tuwing kumakain kami ni Lux ng sabay.

"Lux, una na ako. Naalala ko may class pala kami today!" paalam ko.

"Sige! Hatid na kita sa parking lot," he answered.

"Hindi na, okay na ako. Baka may ipagawa na sa inyo si Doc," sagot ko.

"Sige, ingat ka pabalik sa school," sagot niya.

Niligpit ko na ang pinagkainan ko at dinala na ang mga gamit ko. Umiwas na lang ako ng tingin nang magawi ang kaniyang paningin sa akin.

"Not now, Jupiter..." bulong ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng elevator.

"Nebula!" tawag ng pamilyar na boses.

The voice that was once calling me "love". Pinipigilan ko ang sarili kong maluha dahil kusang nagbabalik sa ala-ala ko ang nakaraan namin. Nagbibingi-bingihan na lang ako upang huminto na ang mga ala-ala sa pagdaan sa paningin ko. Saktong bumukas ang elevator at agad akong pumasok doon at nagmamadaling isara. Hindi na siya nakahabol dahil tuluyan nang sumarado ang elevator.

Pagdating ko sa sasakyan ko ay kusa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. This is not how I anticipate myself on meeting him, lalo lang akong sinampal ng plinano naming future para sa isa't isa. This is how our future looks but destiny's isn't with us. Natupad nga namin ang pangarap ng isa't isa ngunit hindi naman kami magkasama. At lahat ng 'yon ay dahil sa akin. After calming myself down I decided to go to a nearby convenience store to get ice cream. When I am alone and breaking down, ice cream's my go to food.

Kahit lutang ay tumuloy pa rin ako sa last class ko. Pina-drive ko na lang kay Caleb ang kotse ko para masundo namin si Jani sa shop nila. Nang makarating kami sa shop nila ay agad akong bumaba at humingi ng kape sa barista nila. Hindi pa naman closing kaya meron pa silang hinahandang kape.

"You look so stressed," Jani said.

"Nagkita kami sa hospital kanina..." Humigop ako sa kape na hinanda niya.

LEVI SERIES #1: THE PRESIDENT'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon