Nebula’s POV
As usual paglabas ng teacher namin ay nagkakaingay na naman ang mga kaklase ko. Parang mga hindi grade 10, mukhang mga grade 7 na maraming naiisip na kalokohan. Pinababayaan ko na lang kasi ngayon lang din naman nagbalik ang face to face classes. Sigurado akong nauhaw rin silang makasama ang iba nilang mga kaibigan.
Nahinto lang ang ingay nang dumating na ang Math teacher namin. Hindi man lang siya bumati ng good afternoon, basta na lang dumiretso sa pag-discuss ng lesson niya. Hindi naman talaga ko interesado sa numbers pero kailangan ko pa rin makinig kasi alam kong ito ang forte ni Jupiter.
“Nebula and Jupiter, answer the problems on the board,” saad ni Sir.
Hayop na ‘yan, kapag ito na talaga ang subject titiklop na ako kasi alam kong may kakayahan siyang pataobin ako. Mapapataob ko siya sa Filipino at English pero hindi ko siya kaya pagdating sa Math at Science.
Huminto siya sa tapat ng upuan ko at yumuko katapat ng tainga ko. “Are you ready to lose, Agape?” he whispered.
Bahagya kong binangga ang balikat niya at dumiretso sa board, Anong akala niya sa akin? Magpapatalo na lang? Hindi kahit pinakamahirap pang math problem ang i-solve ko matalo lang siya ay gagawin ko.
Halos sabay lang kaming natapos na i-solve ang problem. Bumalik na ako sa upuan ko. Naramdaman ko ang pasimple niyang paghaplos sa buhok ko na inirapan ko na lang. Bumalik na sa loob ng classroom ang teacher namin at nagsimula na siyang i-check ang solution namin.
“Jupiter, saan mo nakuha ang sagot na ‘to?” saad ni Sir.
Ang layo nga naman kasi ng sagot niya sa sagot ko. Mukhang inimbento niya lang ang solution na ginawa niya.
“Ah random numbers lang po, Sir. Tinatamad po kasi ako mag-solve,” he answered in a serious tone.
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng teacher namin. Ito ang unang beses na hinayaan niya akong manalo sa subject na forte niya. Kasi kapag math, daig niya pa mga mathematician kapag nag-solve. Isang tingin niya lang sa problem may sagot na siya sa isip niya kahit di siya magsulat ng solution.
Nang matapos ang math class namin ay naging vaccant ang sumunod na subject kaya nagkakaingay na naman sila. Agad na may kumatok sa may pintuan namin kaya agad akong lumapit.
“Yes po?” I greeted the teacher.
“Are you the president of this class?” sagot niya.
“Yes, Ma’am. Why?” magalang kong sagot.
“Please discipline your classmates. There’s an ongoing program outside and they might be disturbing the officials and the class next door,” she answered.
“Okay, Ma’am. No worries,” sagot ko.
Nang makaalis ang teacher ay agad kong sinarado ang pinto. Tinignan ko ng masama ang mga nangingibabaw sa ingay kanina. Alam na nila kapag ganito ako tumingin, magsisimula na naman ako magsermon kaya bumalik sila sa tama nilang upuan.
“Levi, ulit-ulit na lang ba? Kailan ba lilipas ang araw na hindi tayo nabibisita ng ibang teacher? Alalahanin niyo, star section tayo at hindi lang pangalan niyo ang damay kapag mapanget ang image natin,” saad ko sa kalmadong tono saka bumalik sa upuan ko.
Being the class president gives me a headache lalo na kung ganito ka-immature ang mga kasama ko. Napapabuntonghininga na lang ako sa tuwing iniisip ko ‘to. Lagi na lang kasi kami nasasabihan na worst section pero pagdating sa mga events lagi kaming champion. Gusto ko kasi patunayan sa mga ‘yon na kahit maingay kami may ibubuga pa rin kami.
Nang mag-recess ay agad akong lumapit kay Jani. Dumiretso na kami sa cafeteria. As usual pinagtitinginan na naman kami at may nag-abot pa sa akin ng flowers. Tapos na ang valentine’s pero may mga humahabol pa rin.
“Sorry, I don’t accept gifts. I appreciate your effort but I don’t want to give false hopes,” I rejected and gave back the flower to the guy.
Pumila na kami ni Jani at bumili ng pagkain namin. Sila Viv, Zadie, at Quiana ay sumama doon sa isa nilang circle of friends. Dumiretso kami ni Jani sa may kubo para doon kumain. Presko kasi roon at wala masyadong tao.
Kung may kadikit man akong bituka sa mga kaibigan ko ay siya na ‘yon. Lahat ng mga sikreto ko ay alam niya at kahit magtinginan lang kami ay alam na namin ang iniisip ng isa’t isa.
“Alam mo ba kanina habang nag-so-solve kayong dalawa ng planeta na ‘yon, pasulyap-sulyap siya sa ‘yo. Mukha siyang manghang-mangha everytime makukuha mo ‘yong tamang digit,” she said.
“Hindi ‘yon namamangha, kinakabahan ‘yon kasi baka mamaya ako pa makakuha ng tamang sagot,” sagot ko.
“Hu, kunyari ka pa eh! I know something you don’t!” sagot niya.
Binigyan ko siya ng makahulugang tingin na para bang sinasabing huwag niyang pagsasabi sa iba ang alam niya. Siya lang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam noon.
“Yup,” she gestured like zipping her mouth. “Your secret’s safe with me,” she answered.
BINABASA MO ANG
LEVI SERIES #1: THE PRESIDENT'S LOVE
Novela JuvenilNebula Damaris Levine the epitome of leadership, beauty and brains. Everyone knows her as the prim and proper president of the star section of their school. Not only that she is also known for her rivalry with their class' vice president, Jupiter El...