CHAPTER 8: PROFESSION

13 2 15
                                    

TW: Mention of alcoholic beverages

Nebula's POV

Dumiretso ako sa sala ng condominium namin para manood ng tv. Ilang taon na rin ang nakalipas nang nag-decide kami nila Viv na mag-share ng isang condo. Since college days magkakasama na kami sa condo na 'to and I did not expect na until now magkakasama pa rin kami.

"Himala, Nebby. Di ka nakaharap sa laptop at law books today!" saad ni Jani.

"Sem-break namin, tinatamad na ako mag-aral," sagot ko.

Binuksan ko na ang tv para pumili ng channel nang mapahinto ako sa sports channel. This sports channel broadcasts the recent game for NCAA men's volleyball at kasalukuyang naglalaro ang school namin. I decided to watch it so that I can have a grip of reality. Ilang buwan na rin kasi akong tutok sa pag-aaral. Halos hindi na nga ako makalabas ng condo kaka-review.

"Tinatamad mag-aral pero palong-palo sa revalida. Akala mo ba hindi kinukwento sa akin ni Caleb mga nangyayari sa classes niyo?" sagot niya.

Jani and Caleb are still together by now, may sarili na rin silang business pero he decided to take law para sa parents niya. Si Viv at Zadie, hopeless romantic pa rin. Viv finished architecture and Zadie is with Quina in Canada. They are both successful accountants in the country. While me? After graduating nursing school I decided to enter law school. Akala nila mag-me-med school ako but then nag-decide ako mag-law kasi naalala ko 'yong promise ko sa kaniya.

"Anong course kukuhanin mo sa college?" he asked.

"Nursing. Matagal ko nang pangarap mag-save ng lives, ikaw ba?" sagot ko.

"Political Science, I want to enter law school so I can serve justice," sagot naman niya.

"I'll enter law school too kasi gusto ko ng double degree!" masayang sagot ko.

"Mag-do-double degree ka na nga lang hindi pa malapit sa course mo," saad niya.

"Bakit ba? Eh may engineering graduate nga na pumasok ng med-school eh! Saka gusto ko kapag lawyer na ako maging rival kita sa court," sagot ko.

"Let's meet each other at court then?" sagot niya.

Tumango ako at nakipag-fist bump sa kaniya as a sign of promise.

"Nebby! Kanina pa ako nagkukwento rito, tulala ka na naman diyan!" saad ni Jani.

"H-Ha? Ano ulit 'yon?" sagot ko.

"I heard that he is the captain of that team..." Turo niya sa tv.

Napatingin ako sa tv and there I saw a familiar body built and game strategy. His game strategy became better over the years. Mas tumangkad at mas naging sharp ang features niya.

"Si Jupiter 'yon di ba?" sagot ko.

Lalo kong na-confirm na si Jupiter nga iyon nang mag-focus sa kaniya ang camera dahil siya ang mag-se-serve ng bola. Bahagya niya pang hinawi ang buhok niya. His signature move when serving the ball. Old habits never die. Pati 'yong jersey number niya same pa rin.

"Uy, kilala pa rin..." sagot niya.

"Bakit ko naman siya makakalimutan?" sagot ko.

"Sa bagay, naka-display pa rin sa room mo 'yong painting na bigay niya 'di ba?" sagot niya.

"Bakit ko naman itatapon 'yon?" Napailing na lang ako at kumuha ng tubig sa ref namin.

That was the last thing that reminds me of him at hindi ko gugustuhing mawala pa 'yon. It is one of those things that keeps me going. I won't survive law school without it. That painting, it was us wearing our future profession's uniform. Bumalik na ako sa sala pagkatapos kong kumuha ng tubig. Naabutan ko roon si Viv na naghuhubad ng heels at coat niya.

LEVI SERIES #1: THE PRESIDENT'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon