Nebula's POV
Ngayon ang card giving day namin. Pinapunta ko si Mommy para makuha since may pasok rin ako ngayon. Hindi afternoon class ang schedule namin kasi mag-gi-give way kami sa events ng elementary mamaya at gagamitin nila ang room namin for preparation. Isinabay na rin 'yong bigayan para hindi na ma-istorbo ng teachers ang magulang sa weekends.
"Nandiyan na 'yong manugang mo, Nebula!" saad ni Zadie.
Napalingon naman ako sa mga naglalakad sa hallway. He's with his parents, walking beside his mom. Makikita mo talaga ang resemblance niya sa Daddy nila ni Mars.
Nang pumasok sila ay agad akong nilapitan ni Tita at niyakap ng mahigpit. I found another mom with her.
"Nebby! How are you?" She greeted me.
"I'm fine, Tita!" Sinuklian ko siya ng malaking ngiti.
"That's good! Is my son treating you well?" sagot niya.
"Yes, Tita. He's also doing well in his responsibilities! Siya po ang lagi kong katuwang sa mga responsibilidad dito sa room," sagot ko.
"Sana one day maging magkatuwang na rin kayo sa buhay..." she replied.
"I hope so, Tita..." Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Hindi na humaba pa ang usapan dahil tinawag na ni Tito si Tita para maupo sa kabilang dulo ng room. Sinundo ko na rin si Mommy sa labas dahil hindi makapasok ang kotse sa sobrang daming naka-park.
"I'm sorry, 'nak. Late ako," she said.
"Okay lang po, Mommy. Attendance pa lang naman," sagot ko.
Pumasok na kami sa room at dumiretso sa side kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nagmano naman sila sa kaniya. Di rin nagtagal ay dumating na ang teacher namin na magbibigay ng card.
"Good day to our dear parents and students, I am Ms. Lucia and I am the acting adviser of 10-Levi. Habang wala po ang kanilang adviser ay ako muna pansamantala ang magiging adviser nila," saad ni Ma'am Lucia.
She's in her fifties and wears cat-eye shaped glasses and brown shoulder length hair. Matanda na siya kaya madalas ay di siya masyado napapakinggan ng mga kaklase ko. Sa huli ako rin ang sinusunod nila dahil mas hands on ako sa teacher namin. Palagi kasi siyang nasa meeting ng mga teacher kaya madalas ako rin ang sumasalo sa mga concerns ng kaklase ko sa room. Mahirap at nakaka-stress pero ayos lang kasi iyon ang responsibilidad ko bilang leader ng klase. Hindi naman na nagiging mabigat kasi minsan ay sinasalo na ako ni Jupiter.
"So now, we will start awarding the students who had an outstanding performance in academics and perfect attendance," she announced.
Nagsimula nang mag-announce ng mga perfect attendance. Syempre kasali kaming magkakaibigan. Hindi kami pahuhuli pagdating sa mga special awards. Pagkatapos ng awarding ng mga perfect attendance ay nag-award na rin ng mga with honors.
"There are five with high honours and two with highest honour," the teacher said.
Palihim na akong nagdadasal na makasali sa with high honour dahil 'yon ang goal ko this quarter. Hindi talaga kami nagkaroon masyado ng time na magkakaibigan dahil sobrang nag-focus namin sa mga school works.
"Janilla Verlixe Huxley, with an average of 94.85%, with high honours!" anunsiyo ni Ma'am.
Agad kong nilingon si Jani na gulat na gulat at naiiyak dahil sa tuwa na makakuha ng honour. I smiled as I watched her get the certificate, halos umiiyak na siya sa amin noong mga nakaraang linggo tuwing bumabagsak siya sa mga quizzes.
"Congratulations, Jani!" saad ni Ma'am Lucia.
"Thank you po!" sagot niya.
Bumalik na si Jani sa pwesto niya at nag-anunsiyo na muli ang teacher.
BINABASA MO ANG
LEVI SERIES #1: THE PRESIDENT'S LOVE
Ficção AdolescenteNebula Damaris Levine the epitome of leadership, beauty and brains. Everyone knows her as the prim and proper president of the star section of their school. Not only that she is also known for her rivalry with their class' vice president, Jupiter El...