Ikalabing-isa
Love. Prostitute.
-
Kostya and I had a long dinner, isa sa mga naranasan kong walang pagmamadali at isa sa mga mararangya. Maraming courses ang sinilbi subalit wala sa sandaling iyon ang nailang ako, at parang gano'n din siya.
He was a gentleman even when we got out and held out his hand for me to take before riding the golf cart.
I was hoping to repeat what I did yesterday afternoon, pero parang nahuhulaan niya ang gusto ko kaya umiling si Kostya at tumawa. Nakangiti na rin akong tumabi ngayon sa kanya sa balcony ng isang building na gano'n lang ang purpose. Para sa stargazing.
But stars weren't my first choice of purpose kaya tumingin agad ako kay Kostya habang hawak-hawak namin ang champagne glasses namin.
"Long day?" tanong ko, binukas na sa wakas ang hindi namin pinag-usapang trabaho niya.
I tilted my head to Kostya's expression and found him nodding absently. "It's like that every weekday."
Tumango na rin ako at marahang sumimsim sa baso ko.
"Hindi ka ba nalalamigan?"
Umiling ako.
There was a long stretch of silence, na hindi ko namalayan dahil sa pagkatitig ko sa kalangitan. Ang sinabi ko sa isip ko na hindi ko prioridad ay nangahas na nakawin ang atensiyon ko, dahil gano'n lagi ang epekto ng Punta Arena. Ang karagatan, ang imahe ng lumulubog na araw, ang mga umaga't-hapon na sinisikatan lagi ng nakakabighaning araw.
There was nothing quite like it here in this place, even if we all stare at the same sun from every part of the world.
I wanted to ask Kostya about that magic, but he said something that delayed any upcoming words from my lips.
"When I assume positions, I'll take out prostitution in Punta Arena."
Nabibigla akong tumingala sa kanya, subalit namanhid agad sa binigay niyang ekspresyon habang tumatanaw sa harap. Kostya painted a bitter smile. "I hate it with every ounce of my being."
Namuo ang bara ko sa lalamunan subalit pinilit ko ang lampasin iyon. "Ano ang kinamumuhian mo sa isang grupo ng mga kababaihan?"
"Ang karapatan na tinatanggal mula sa kababaihan, ang respeto, ang dignidad."
Sumulyap siya sa'kin, at sa kauna-unahang beses ay natakot ako sa simpleng pinapahiwatig ng mga mata niya. “Ang pag-asa na sana'y nasa kanila, inikot sa isang paraan ng desperasyon kung meron naman silang ibang magagawa gamit ang pag-asang iyon.”
Napatingin ako sa baba.
"Hindi nila kailangan ng gano'ng uri ng pamumuhay, Love. Hindi nila masosolusyunan ang mga problema sa pagbenta ng katawan. Pagpatong ng isa pang problema sa naroon nang problema. Ang bigat ng kasalanan sa sandaling nagawa na nila iyon."
I couldn't speak and I couldn't make myself fight that even if I wanted to. What Kostya didn't know is that it was one of them he was speaking to. It was one of them he was currently standing next to. And as much as I don't want to jeopardize this chance, the desperation he pointed out just played with an awful twist in my heart.
How could a woman know if she deserves it or if she doesn't? How could she tell if she was only desperate like he said, or utterly empty-handed like they all forgot to consider about?

BINABASA MO ANG
Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️
RomanceMaharlika is a gold digger. She won't stop until she gets what she wants. Kostya Xumetra. Billionaire. Bilang isang bituing tinitingala sa langit, she saw another star that was different from the ones shining in Punta Arena. It wants to go down. And...