Ikasiyam
Undertakings
-
I couldn't see Nate because of some executive meeting nang napunta ako sa front desk kinaumagahan. Mabuti pala kapag pumupunta ako rito kasi nag-iiwan ng mensahe ang assistant ni Nate kapag meron siyang ginagawa, kaya aware ako sa kung ano man iyon.
Seems like I am left for killing time myself. Nagpasalamat ako sa babae at humingi ng pabor na makitawag sa landline nila dahil gusto kong kamustahin ang nurse ng eskwelahan ni Cecil, na sa puntong ito ay kilala ko na dahil sa pabalik-balik ng kapatid ko sa pasilidad nilang iyon.
A certain man just stopped right beside me na inokupa agad ang lahat ng space dahil sa malaki niyang katawan. Hindi naman ako pinansin dahil nakatuon agad ang patay at seryoso nitong tingin sa receptionist.
"Gustong maki-direkta ng tawag ni Sir sa isa sa mga manager."
Napalingon ako bago ko man mababa ang handset. Isang entourage ang nakita ko ng mga pawang business persons at wala akong nakitang Nate, pero may nahuli ang mga mata ko na nakapagtigil ng lahat.
A man in a three piece suit stepped out and was immediately the center of attention of every breathing body here in the reception, including me. He was so tall that it was impossible to ignore him, and his male secretary gestured to the people here at the desk before he ever came over.
"Sir, eto na po."
All I felt was power when I caught a glimpse of his face. Perfectly groomed hair, tall nose, and sharp hooded eyes that gave nothing. And nothing was the perfect intensity, at least when I saw him. Tinanggap niya ang telepono at tinungo ang tingin, depriving me the view of his proportioned face and instead his angular jaw.
I feel like I could shrink from where I stood when he stopped at my vicinity. Nahila ko na ang tingin ko at mauuna na sana sa pag-alis mula doon dahil hindi na ako napapansin ng mga tao sukat nang dumating siya, pero mabilis natapos ang tawag at narinig ko pa ang malalim niyang boses na nagpasalamat sa mga taong nandoon bago tumalikod.
The people in the front desk looked like they should be the one feeling immensely grateful.
Hindi pa ako nakaramdam ng gano'n.
Naglakad ako pabalik sa pathway na walang direksyong patutunguhan. Ang alam ko ay iba ang taong ‘yon. Wala akong gagawin, dahil hindi ko naman alam kung saan ko matatagpuan si Kostya. Ayokong maka-distorbo kapag pumunta ako sa construction at matagpuan siya doon.
Nangyari ang hapon na ginugol ko ang oras ko sa mga spa na sinabi ni Sakbibi na privilege namin. I got out, smelling like the richest girl in the island, nang may isang golf cart sakay ang isang babaeng empleyado ang huminto sa harap ko.
"Good evening, Ma'am," bati nito nang napatigil ako sa kaka-hawak ng pina-style kong buhok. She suddenly wanted to escort me to somewhere by Nate's orders. At ang reaksiyon ko, gulat. Akala ko ba nag t-trabaho si Nate?
Sumakay na lang ako kahit gusto kong mag-tanong. Hindi ko namalayan na nakalubog na pala ang araw dahil sa oras na lumipas na nandoon ako sa salon at sa spa. Night looked good in Punta Arena, ano pa kung dapit-hapon. They made street lamps look like statues for display. And the small lights around the groomed bushes cheats them to look like fireflies. Mahahalintulad sa Samperio. Kahit daan lang 'yan, it looked like a sprawling forest, like the ones in dreams. At parang may pumuputok na mga fireworks sa imahinasyon mo kapag natititigan mo ang kagandahan ng paligid.
BINABASA MO ANG
Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️
RomanceMaharlika is a gold digger. She won't stop until she gets what she wants. Kostya Xumetra. Billionaire. Bilang isang bituing tinitingala sa langit, she saw another star that was different from the ones shining in Punta Arena. It wants to go down. And...