ika-17

16 1 0
                                    

Ikalabing-pito

People like me

-

Nakailang sulyap na ako mula sa speed boat na sinasakyan naming magkakapatid ngunit walang ginagawa iyon sa kasalukuyang nangyayari. Nakangisi lang ang kambal sa'kin sa tuwing bumabaling man ako. Si Asra ay nakaprenteng-dequatro sa harap habang ang shades ay inaayos sa ulo.

   Over the weekend, I reminded myself of the things I have to do and the priority I have in front of me. I spent time with Cecil and was constantly thinking of him until now para may kaya akong bumalik sa lugar na ilang sandali lang ay sasapitin na namin. Taking Nate's offer and reminding myself why I sold my soul to the devil in the first place.

   Even if that devil was not him. Nate wasn't. But Kostya's father.

   I was forced to do their bidding, just like they wanted. Ngayong alam na nina Asra at Aubrey ang ginagawa ko ay wala akong choice kundi mag-set ng vacation itinerary sa kanila dito sa Punta Arena gamit ang bronze card ko sa haba ng panahong gusto nila. That was every weekend because they can't stay out of the house without giving their mother suspicions, every weekend na kailangan ko silang iwasan at maghanap ng lugar o kahit anong magagawang distraksiyon dito sa Punta Arena.

   We stopped by the heart and I was as nervous as the night they found out what my job was nang nilinga ko ang lobby para sa mga posibleng daraan na kilala ako. Kinalabit lang ako ni Asra upang pagdilatan sa susunod na gagawin, kaya minuestra ko lang sa kanila ang desk upang mag-usap sila sa empleyadong mag-s-set ng araw nila.

   I haven't told them there were names used here for people like me, and I wouldn't start explaining that to them. May kondisyon din naman kaming bawal nila akong ibanggit dito man o sa Tiemblo Samperio sa paraang ilalabas ang uri ng trabaho ko, basta't nagkakaintindihan lang kami sa mga gusto nilang ma-experience dito sa Punta Arena at wala silang ibubunyag sa kahit kanino.

   Bahagya lang ang alala ko kung malaman man ito ni Papa. The disappointment would be worse, but I know I would get by. Kakayanin ko para kay Cecil, at kahit ano mang mangyayari magmula ngayon dahil alam kong hindi panghabang-buhay ang pasensiya na binibigay sa'kin nina Asra at Aubrey.

   May namataan akong mga pamilyar na mukhang halos ikinahuhulog ng kaluluwa ko, kung hindi ko lang mabilis natahak ang path at tinawag ang isang golf cart. Lumingon-lingon sina Asra at Aubrey dahil sa biglang pagwala ko, pero alam kong kaya na nila ang mag-isa. 

   Bahagya lang ang laki ng distansiya nila sa kung saan nakatayo at nag-uusap sina Douglas at Mitch.

   Douglas was in his uniform, and Mitch naturally caught Asra's eye even without him noticing her, o silang dalawa ba ni Douglas ang ikina-aawang ng bibig ng half-sister ko.

   Sumalampak ako ng hapo sa golf cart at inilapat ang palad ko sa noo ko, nang sa sandaling nakaalis na kami doon ay may isang pamilyar na boses na naman ang nakapagpadilat sa'kin.

   It was Annie and Blakely, kumakaway sa'kin mula sa papa-salubong na golf cart at tila nasisiyahan dahil nakita ako.

   Bahagyang lumingon ang driver sa'kin. "Bababa ba kayo, Ma'am?"

   Sa paglapat ng likod ko sa golf cart nila ay siya ring pagkakataon na hinawakan ni Blakely ang mga kamay ko. "Where were you? We're glad we saw you! Halos isang linggo ka naming hindi nakita and we're worried something happened to you."

   Gano'n din ang ginagawa ni Annie na sa buhok ko naman humahaplos, kaya marahan kong tinanggal ang mga kamay nila. "I'm fine. I'm doing okay. Huwag lang tayong dumaan sa reception, please."

Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon