ika-38

15 1 0
                                    

Ikatatlumpu't-walo

Matapang na pag-ibig

-

I never realized it, never thought of it, but everything was falling into how it should be.

   Si Cecil at ako sa mansion kasama ang ama naming pagsisilbihan din namin. Si Nate na ikakasal at aakyat sa posisyong nararapat niyang gampanan.

   Everything was planned and decided from the moment we were born. We just had the guts to test if destiny would help us change it otherwise. What we missed to realize was that we didn't have power. Or something close to it for that matter.

   Iniwasan ako ng dumaang katulong na bitbit ang mga pang-linis mula sa living area. Sinubukan kong tumawag ng tumawag kagabi pa lang sa number ni Nate subalit sa wakas ay sinabi na ng automated voice na unregistered na ito, at nagana na ang pagpalit ng mga empleyado ni Nate ang numero niya. Sinubukan ko ring tawagan sina Annie o si Blakely man lang subalit hindi ko nakabisado ang mga numero nila dulot ng pagkuha ng security ni Cosimo sa number ko at pinalitan lang nitong bago galing kay Nate na siya at si Cecil lang ang laman. Doon ako naabutan nina Asra at Aubrey bago napasakamay rin ang phone kong iyon kagaya ng ginawa nila sa kay Cecil.

   They were away now, to Manila, to escape our father's wrath.

   Hinding-hindi ko ibubunyag ang katauhan ni Cecil kahit na maging sapat itong pagkukulong nila sa'ming dalawa dito.

   I straightened when I saw Ulrica, turning from the corridor and glaring at me at first sight. Nasa itaas si Cecil na sinabi sa'king magpapahinga kanina, pero alam kong gustong mapag-isa sa mga iniisip niya kaya ko siya binibigyan ng oras. 

   "At palaboy ka na ngayon dito sa baba dahil wala pa si Vedasto para ilagay ka sa lugar mo?" Sumingasing sa galit ang ilong niya kaya napababa ang mga mata ko. "Puwes, Iota, bibigyan kita ng trabaho kung 'yun ang gusto mo. Tutal gusto mo namang mangalaga sa mga halaman lagi, palitan mo sa ginagawa ang inday na nandoon!"

   My name was Io only, at alam niya iyon, subalit hinayaan ko na lang siyang tawag-tawagin ako ng kung ano at sinunod ang sinabi niya. I looked up and saw Cecil's window opening up but closing when he saw me, at kinaya kong ibalik ang pansin ko sa trabaho sa kalagitnaan ng paninikip ng lalamunan ko.

   He wanted answers. And I wasn't sure if I can give that to him yet. Pero alam kong hindi ko iyon maipagkakait sa kanya sa mahabang panahon.

   Dumating si Papa at pinatawag na naman ako sa opisina niya bago maghapunan. Wala akong binigay na salita sa kanya kaya napa-upo ako sa hangin at itinaas ang mga kamay ko sa harap, excluded from dinner and the breakfast following afterwards as I was made to execute the punishment that was too childish for an adult like me to perform. But I persevered through pain. Ni walang kumatok sa'kin sa buong tatlong oras na nandoon ako hanggang sa pinasukan ng isang katulong na may utos na linisin ko ang silid, the blinking red light of the CCTV making it impossible to even rebel.

   Dumating ang hapon na pinakain ako at inutusang linisin ang mga platong naroon, hanggang sa nalaman kong ginawa iyon ni Ulrica upang sorpresahin ako sa mga dumating na hairdresser nang matapos ako.

   Pinahid ko ang mga kamay sa cloth, hindi inaalis ang tingin sa mga beautician. "A-anong ibig sabihin nito?"

   "Aubrey texted me about how much he hated your hair and how he wished for you to change it," salaysay ni Ulrica habang dahan-dahan kong pinanood ang mga babaeng lumapit sa'kin. "Ang ibig sabihin nito, Io, ay ibabalik ko na ang buhok mo sa dati nitong magandang ayos."

Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon