ika-8

16 1 0
                                    

Ikawalo

Another heart

-

Bungad sa’kin ang alahas at malaking pangangatawan ni Sakbibi nang pumasok ako sa malaking villa. Mula sa pakikipag-usap sa mga kasama kong nasa parlor ay humarap siya sa'kin nang nakalahad ang dalawang kamay. "Ang aking Maharlika!"

   Lumapit ako at dahan-dahan siyang hinayaang yapusin ako. Not looking at the other girls, I smiled at Sakbibi as her real diamonds flash around my line of sight. Hindi kagaya sa'min na binibigyan niya ng peke. 

   "Gusto kong bumisita rito para kamustahin ang mga magagandang alaga ko. Natural na binawas agad ang mga girls na hindi nakaabot sa isang linggong cut off ng sinasabi kong pagsukbit, at ngayon ay pinaniwalaan ko nang hindi basta-basta ang mga kamandag n'yo! Siempre, higit na itong pinakamagandang perlas na meron ako. Hindi ako nagtataka kung ang Maharlika ko ang siyang nakakuha ng pinakahinahabol ng lahat!"

   I looked at the surroundings and looked for anything that looked different. Subalit wala. 

   "Pinasasaya n'yo akong lahat!" Bumaling muli si Sakbibi sa iba habang hawak ako sa likod. "At dahil diyan, mapupuno ang linggong ito ng mga spa treatments at daily leisure activities na halatang ma e-enjoy n'yo. Pero paalala," habol niya, "Huwag masyadong madala sa ibang mga kislap na nakikita dahil mga sarili n'yo pa ang pakikintabin n'yo!"

   Pagkatapos ng ilang minutong pangangamusta ay dinala ako ni Sakbibi sa itaas para makausap ng pribado. Hindi ligtas sa'kin ang nakita kong pagtalas ng mga mata ng iba kong mga kasama. 

   "Gusto kong tanungin ka kung maayos na ba ang pakikipagsama mo sa Uribesalgo, dear," ani Sakbibi habang kunwari ay hinihimas ang kamay ko. "Kung alam ba niya ang pamamalakad at ang rules."

   "Don't worry." I know what she meant. "Alam niya at sobra niyang galante."

   Lumaki ang ngisi ni Sakbibi na sa wari ay mahahalintulad sa isang pusa. I wonder how she would react when circumstances away from now, I'd tell her that the billionaire Xumetra was then my man.

   At lalo lang pinalakas ng sinabi sa'kin ni Mitch kaninang umaga ang kagustuhan kong makuha si Kostya. 

   I remember the little moment I had with him.

   "Paano hinahayaan ng mga hotel na mag-land dito ng anumang oras ang mga chopper at makitigil na rin ng kahit ilang araw?"

   Nate and the others were already talking to the other chopper's pilot, at kami ni Mitch ang nahuli sa pagbaba sa van. 

   And here with me, his friend always has this signature grin whenever he was asked questions. "Because Xumetra is the one that built this hotel, along with the others that are successfully famous in Cebu. Pabor sila sa lahat ng nagmamay-ari ng pangalang iyon."

   He let a second pass before casually sliding his hands in the pockets of his designer pants. "You know, Xumetra Construction?" Mitch said it as if it were a simple thing. Then he seductively canted his head to the side. "Ako ba? Hindi mo tatanungin?"

   Tumitig ako sa kanya. 

   Yachts. 

   His net worth was his yachts. Sinabi na 'yon sa'kin ni Nate sa unang gabi na nakasama ko sila, at hindi lang iyon ang ipinamana sa kanya ng pamilya niya kundi ang posisyon na rin sa umaani ng bilyones na Jara Group. 

   I just smiled at him back, but without the seduction that he wore.

   I wasn't gonna walk away from these people, even if that meant I found my place or I was going to be a deer caught in the headlights. It had to be either way or nothing. 

Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon