ika-32

19 1 0
                                        

Ikatatlumpu't-dalawa

Biggest defeat

-

Hindi ko inasahan na sa pagtuntong ko sa pantalan ng Punta Arena sa umagang iyon ay ang pagharang sa'kin ng isang attendant at dalawang bodyguards para dalhin ako sa isang bagong guest villa.

   Isang bagong guest villa. Na kinuha ni Cosimo Xumetra, para sa'kin lang.

   Unang paglapat pa lang ng kamay nila sa braso ko ay tinanggihan ko na sila, nanlaban sa paraang hindi kami mapapahiya sa mga taong nanonood subalit kahit nanlaban ako at hinugot ang cellphone ko upang tawagan si Nate ay binulsa na iyon ng isang bodyguard at pinasakay ako sa isang itim na sedan.

   They said to wait for an hour or two for Cosimo's arrival. Screw them. I threw myself back to the door but their bulky bodies bumped me until I was surrounded by three men on the couch, nakatayo at nakaharap sa'kin habang nakaupo ako.

   I felt touched again. Nababastusan na naman ako, kahit na wala silang ginawa kundi aligiran ko para hindi na ako muling magtangkang tumakas. Minutes passed by. Maybe an hour like they said. I even wrestled with the man that had my phone in his pocket at nang hindi rin magtagumpay doon ay halos nakikita kong gusto na niya akong saktan.

   "Paparating na ang sasakyan si Sir Cosimo." Biglang pumasok ang isa pang nakabantay mula sa labas ng malaking villa. "Maghanda kayo. Pati na siya." Alam kong hindi niya gustong sabihin ang dinagdag niya lalo na nang nahuli ko ang mapagmuhing titig niya sa'kin, as if he knew me and that was enough to be repelled by me. As if he didn't have to know me to be disgusted with me.

   Hindi ko tinignan ang mga kasangkapan ng villa kahit na nasa loob na ako. Hindi na kailangan, dahil sumunod sa pagpasok si Cosimo at pinaalala sa'kin na hindi ito ang kabahayan na gusto kong panatilihan.

   "Palayain mo ako," giit ko sa unang pagkakataong nagtagpo ang mga mata namin. "Hindi kita gustong makita ng hindi sinasaad ng mga binabayarang oras mo sa'kin. Hindi ako sa'yo sa mga oras na 'to."

   "But you are in fact," sagot niya sa boses na sadya nang malamig at walang pakialam. He passed his briefcase to someone, eyes never leaving me as he perused my figure slowly and measurably. To my red blown hair, my feminine blue dress na alam kong ngayon niya lang nakita sa'kin dahil sa paggalaw ng kaunti ng kilay niya, one that Nate brought me that I always wear with him in my mind, with the thought of me in his arms for the day. Halatang 'di para sa kanya. Hanggang sa mga binti kong hindi inabutan ng damit ko at sa mga paa kong nakasuot ng mamahaling flats. "Dahil binili na kita kay Sakbibi. Akin ka na, kahit noon pa, Maharlika. Binigyan lang kita ng oras na mag-prepara sa mga nagdaang gabi subalit ngayon ang buong pagganap mo sa tungkulin mo sa'kin."

   "Wala akong ibang pagsisilbihan kundi si Nate Uribesalgo," I replied with sure fierceness.

   "Have you had lunch already?" Cosimo just didn't mind my words. "I can accompany you to eat kahit na tapos na ako. I'll get the cook working."

   "Sinabi na’ng ayoko!" I snapped, hindi pinapansin ang mga taong hinay-hinay na umaalis dito sa receiving area upang bigyan kami ng privacy.

   I gritted my teeth when he wasn't goaded, sa halip ay dahan-dahan lang na lumakad si Cosimo patungo sa'kin. "Gusto mo agad gawin natin ang sa tingin kong bagay na hindi ka makapaghintay?"

   I turned my face away when he began ducking his head in front of me, at humugot ng hininga sa paghila niya sa baba ko. Cosimo attacked me with a kiss that was both rough and pleading, at gusto kong masuka subalit pinipigilan lang nang tinulak ko siya upang bigyan kami ng distansiya.

Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon