Ikadalawampu't-walo
Place of sin
-
Pagkatapos naming kumain ng lunch, kumain na talaga, ay umalis siya na sinusundo ng lalakeng sekretarya ni Marshal Uribesalgo na bitbit ang pangakong magkaka-oras ulit kami upang gawin iyon. Wala akong balak umalis sa guest villa kahit na alam kong puede akong pumunta pabalik sa beach. Feeling my embarrassment, ang kapusukan ng ginawa naming pag-iwan sa kanila ni Nate kanina ay huli nang nagrehistro sa'kin and I knew that wasn't an option.
Hindi pa inagapan ng natanggap kong text mula kay Annie.
You left talaga, huh? Ano kaya ang ginagawa n'yo ngayon?
My cheeks fired. Dinagan ko muli ang unan sa mukha ko, pinipilit ilipat ang iniisip sa mga lugar kung saan puede akong ipinta ni Nate. Hindi kailangang nakahubad.
Maybe in the bird's nest, when our bodies first joined. Maybe I can take off my clothes then. Pinamulahan muli ako sa mukha ng kaisipang iyon at hindi inalintana ang mainit na kilabot na humahaplos sa damdamin ko. I didn’t like the fact that he was too capable of making me feel so many things.
Ang bago kong natanggap na text lang ang nakapagbura ng natitirang kagalakan sa katawan ko.
The next thing I know, I was already dressed and going out of the golf cart. My heart beating fast, and not in a good way.
"Sakbibi."
Kumibot ang labi ng babae, hindi sa paraang natutuwang masilayan ang mukha ko kundi ang kabaliktaran. She was standing here outside the spa that sponsored the House in Punta Arena. "Ilang linggo ka nang no-show sa'kin."
Namataan kong may ilang kababaihang kapareho ko ang trabaho ang umuupo sa waiting room sa loob.
Pinipilit na ituwid ang postura, tumugon ako. May pakiramdam ako na kung tatawirin ko ang distansiya at subukan siyang halikan sa pisngi ay itutulak niya ako. "Wala naman akong natanggap na text o ano. N-nasa. . . piling ako ng Uribesalgo ko palagi."
Sukat doon ay huminga siya mula sa ilong niya, halata pa rin ang hindi pagsang-ayon sa lalakeng pinili ko. "Huwag kang magkatwiran sa'kin ng hindi tuwiran, Maharlika. Palagi akong nagbibigay ng babala sa'yo sa text o kahit sa mga kasamahan mong iniwanan mo sa villa dahil diyan sa kliyente mo na hindi mo naman dapat inaatupag kung nakinig ka lang sa'kin!"
"Bakit gano'n na lang ang disgusto mo sa kanya?" tanong ko. "He's an heir, and I know he pays you well." Alam ko ang binibigay ni Nate sa kanya kahit hindi kailangang ipaalam sa'kin iyon ni Nate. "He beats every single man that would attempt to raise a cheque on you in the whole of Punta Arena."
Inimpit ni Sakbibi ang labi niya na tila nagpipigil. I shivered inwardly, wanting to take this in a civil form or else this wouldn't end good for me. "Ngayon ko lang nakita ang mensahe mo dahil marahil sa pagiging abala ko sa mga nagdaang linggo. . . Ano ang kailangan mo?"
"Sasama ka sa kabisera para sa pagbukas ng bago kong entertainment bar, Maharlika. At hindi ako tatanggap ng 'di-pagsang-ayon dahil naipangako na kita sa mga patron ko!"
When she said kabisera, I knew she meant Tiemblo Samperio. I tried suppressing my shiver. Bago na naman. "Ano ang gagawin ko doon?"
A humorless smile manifested in Sakbibi's lips that I was smart enough to see as danger. "Maraming gustong magpakilala sa'yo, Maharlika. At marami rin akong ipapakilala sa'yo. Kung gusto mo pang makatuntong dito sa Punta Arena gamit ang tanso mong privilege card at makita ang Uribesalgo mong papalitan na tiyak sa korona ng mautak niyang pinsan, ay susundin mo ako."
BINABASA MO ANG
Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️
RomanceMaharlika is a gold digger. She won't stop until she gets what she wants. Kostya Xumetra. Billionaire. Bilang isang bituing tinitingala sa langit, she saw another star that was different from the ones shining in Punta Arena. It wants to go down. And...