ika-4

27 1 0
                                    

Ikaapat

Tree of life

-

Lumapit ako sa radio at pinatugtog ang kanta na nakakonekta sa playlist. Sumulyap ako sa kapatid ko at nakita ang bumuong ngiti sa mukha ni Cecil nang marinig ang pamilyar na tugtugin ng "Let's Wait Awhile".

   Lumabi ako sa kanta at umikot ng isang beses bago siya nakitang ngumisi pa ng malapad. I came over to him and kissed him in the forehead before taking his empty plate to the sink. 

   "Paborito ko pa rin ang kantang iyan, Ate."

   It was our mother's song. Lumingon ako at ngumiti habang pinapaandar ang gripo. "Ako rin."

   Today was the start of the path I chose. I was gonna take Nate Uribesalgo's offer, at kahit gano'n ay hindi ko iyon ipapaalam kay Cecil. Alam kong hindi maganda o marangal ang pinasok ko kaya hindi kailangang pilitin ng kapatid ko na maging proud sa tinatahak ko. 

   He wouldn't have to know anyway. Iingatan ko ang sarili ko kahit na hindi ko iyon marinig sa iba bilang paalala. Everything was for us, and I promise this wasn't forever. 

   "Mag-ingat sa escuela," bilin ko kay Cecil ilang minuto pagkatapos siyang ilakad sa elementary school ng Tiemblo Samperio at pinanood siyang kumaway sa'kin at pumasok bago ako tumalikod. 

   Stares were prominent even as I walked down the streets on ordinary unflashy clothes, probably because of the hair. Bumalik ako sa apartment pagkatapos kumatok sa kapitbahay naming landlord at i-abot ang renta namin para sa buwan. Ten thousand. Hindi na iyon magiging problema sa oras na mangyari itong plano ko kaya nagbihis ako ng walang iba kundi ang determinasyon ang iniisip. I put on a hoop bracelet that Nate Uribesalgo probably wouldn't notice given he only had those eyes on mine the whole time, dressed to impress anyway, and got out after locking the apartment. 

   Sumakay ako ng speedboat na suot ang glasses na tanging mahal sa pagmamay-ari ko. Binigay ni Sakbibi gaya lang ng mga nasa katawan ko ngayon. The flash of the bronze card wasn't needed when I landed there and received a golf cart instantly. I wasn't worried about the immediate recognition they had for my name and status, and I was in front of Sakbibi's villa in no time. 

   I had the same fame as the richest people here in Punta Arena. Sa ibang pangit na paraan lamang. 

   Pumasok ako sa villa na inakalang walang madadatnan kagaya noong kahapon. But the girls were there, sitting in the couches of the parlor and stopping at the sight of me. 

   Naalala ko ang ginawa nila noong ikalawang gabi at tinigasan lang ang ekspresyon, hindi sila pinansin habang taas-noong tinatahak ang hagdan. 

   "Magandang araw, Maharlika," tawag ng isa sa kanila sa tonong alam ko bilang nanunuya, subalit hindi ko iyon sinagot. 

   I came into my room expecting to search for suitable dresses for later, but found chaos instead. Sa walk-in closet ay may mga telang sumasaboy sa carpet na gutay-gutay, parang dinaanan ng gunting at ilang malulupit na kamay nang binuksan ko rin ang ibang sliding cabinet at nakitang wala na akong masusuot na hindi wasak ang mga hitsura. 

   Bago ko pa man maisip na lumabas at magtawag mula sa balustre, sumulpot na ang apat na babaeng nakita ko sa parlor kanina at tinitigan ang reaksiyon ko. 

   "Magandang araw, Maharlika," ulit ni Lolita sa bati na hindi ko inaksayahang sagutin kanina. "Nagusto mo ba ang bagong ayos ng mga damit mo?"

   I clenched my teeth, preventing myself from bringing my phone up instantly to make a call. "Anong ginawa n'yo."

Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon