PANG-APAT

72 4 0
                                    

Sungit

Matingkad ang araw kinabukasan, inumpisahan niya ang gawain niya sa pagwawalis sa hardin. Nag-eenjoy naman siyang naglinis doon dahil paborito niya talaga ang parteng ito ng mansyon.

Halos tatlong taon na din ng umuwi dito ang pamilya De Castro, isang beses pa lang niyang na meet ang mag-asawang De Castro, pero ang anak ng mga ito ay ni minsan hindi pa niya nakilala sa personal. Sa mga litrato lang na nasa mansyon.

Sinunod naman niya ang pagdidilig sa mga halaman doon, malalago ang mga bulaklak dahil alaga ito at maganda din palagi ang panahon dito.

Kaya nakakagana talaga ang magtanim ng mga bulaklak dahil matitiyak mo naman na mamumulaklak at mabubuhay ito.

"I swear, Gaven. I'm not drunk, I saw her with my own eyes!" Malayo pa lang ay nakikinig na niya ang pamilyar na boses

Kakat'wa lamang at kagabi niya lang nakinig ang boses na 'yun subalit naging pamilyar na sa kaniya.

"Dalton, I know you're still in pain. But... Let's face the reality, dude." Ang sumunod na tono naman ay hindi na pamilyar sa kaniya, siguro 'yun ang señorito nila

"God knows I'm telling the truth!" Hindi na niya pinakinggan ang mga kasunod na pag-uusap ng mga ito, dahil una, hindi naman siya chismosa at pangalawa, hindi pa din siya chismosa.

Itinuon na lang niya ang buong atensyon sa pag-aayos sa mga halaman. Para pa siyang bata na kinakausap ang mga ito.

"Miss, please get us some coffee." Napaigtad siya sa gulat ng may nagsalita sa likod niya, wala naman kasi siyang nakinig na mga yabag o dahil nakuha ng mga halaman ang buong atensyon niya?

"Yes sir." Hindi pa man siya nakakaharap ay sumagot na agad siya

Nang tuluyan na niyang makita ang nasa likuran niya ay agad na nahanap ng mga mata niya ang napakapamilyar na mga mata. Para siyang hinihigop ng kulay almond na mga mata ng binata.

Napakurap-kurap naman siya at agad na iniwas ang tingin niya dito ng mapansin niya na nakatingin din sa kaniya ang amo niya, para itong gulat na gulat at parang nakakita ng multo

"A-ah, kukuha lang po ako ng kape..." I-nexcuse niya ang sarili sa mga ito, at ng tuluyan na siyang makaalis ay nakahinga siya ng malalim

Sobrang weird pala ng mga tao dito, akala mo nakakita ng multo kung makatingin sa kaniya. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang katulong?

Natawa siya sa sarili at iiling-iling na pumasok sa kusina, iilang kasambahay palang ang nandoon at may sari-sariling ginagawa. Kaya naman naghugas nalang siya ng kamy at naisipan niya na siya nalang ang magtitimpla ng kape ng mga ito.

Mabilis lang ang naging proseso niya, nilagyan na din niya 'yun ng tinapay bago ito inilagay sa tray.

Dahan-dahan siyang lumabas sa kusina para magtungo sa garden. Nakaupo na doon ang dalawang binata at para bang seryoso ang pinag-uusapan

Natigil lang ang mga ito ng makita siyang paparating, malalim ang pagkakatingin sa kaniya ng dalawa kaya naman kinabahan siya

May mali ba siyang nagawa? Baka isumbong siya ng mga ito kay Manang Teresa at hindi mag-alinlangan ito para tuluyan siyang paalisin sa mansyon!

Inilipag niya ang tray sa lamesa at tuwid na tumayo

"May kailangan pa po ba kayo?" Nakatingin pa din ang dalawa sa kaniya, ang binatang si Gaven ay pagkagulat pa din ang ekpresyon ng mga mata, para itong hindi makapaniwala.

Ang mga titig naman sa kaniya ni Dalton ay pagkasabik, para itong may mga gustong sabihin na hindi niya malaman kung para sa kaniya ba o sa kaibigan nito. Hindi niya tuloy maintindihan ang mga ito

"How old are you miss?" Tanong ng binatang si Gaven

"23 po?" Hindi siya sigurado dahil tinantya lamang 'yun nila Mang Istor, pero wala siyang balak na sabihin sa mga ito

"You're not sure?" Buwelta naman ni Dalton

Pinigilan niya ang pagtaas ng kilay niya dahil sa tanong nito.

"23 po, okay na?" Hindi naman nakatakas ang sungit sa boses niya. Nakagat tuloy niya ang dila at palihin na kinurot ang sarili

"Where do you live?"

Gusto man niyang tanungin ang mga ito dahil sa biglaan pagtatanong ng mga ito ay hindi nalang niya kinontra

"Dito po"

"For how long? I didn't see you here last year."

"Noong bumisita po kayo last year, may sakit ako, kaya pinagpahinga lang ako ni Manang Teresa...tatlong taon na po ako dito..." Muling bumakas ang pagkagulat sa ekpresyon ng dalawa, mas lalo pang luminaw ang ekpresyon ng binatang si Dalton. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang na biglaan ang pagliwanag ng mukha nito

"Before working here, saan ka galing?" Nangapa siya ng sasabihin, biglaan din siyang kinabahan. Bakit ba siya tinatanong ng mga ito ng mga bagay na siya nga ay hindi niya alam

"Ah... S-sa kabilang Isla po..." Hindi na siya sigurado kung may kabilang Isla ba talaga, hindi naman kasi niya napaghandaan na may question and answer portion pala na mahahanap dito

"What's your name?"

"Amara po"

"Last name?" Hindi niya alam! Ang pangalan niya nga ay hindi niya alam, apelyido pa kaya!? Hindi niya din alam ang apelyido ni Mang Istor at Manang Teresa kaya hindi niya 'yun mabanggit!

"De Jesus?..." Mahina ang naging pagsagot niya, sa totoo lang ayaw niyang magkamali. Pero ayaw din naman niyang sabihin sa mga ito ba hindi niya alam! Baka sabihan pa siya ng mga ito na ignorante! Hindi niya makakayanan ang kahihiyan na 'yun!

Hindi nakatakas sa kaniya ang malamlam na pagtitig sa kaniya ng binatang si Dalton, para bang minememorya nito ang bawat parte ng katawan niya na nakikita nito. Para bang sabik ito, para bang may malalim na pangungulila sa mga mata nito

Nakita naman niya ang pahapyaw na tingin ng binatang si Gaven sa kaibigan na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Para bang nababasa nito ang isip ng kaibigan kaya hindi muna ito umimik at hinayaan lang ito sa pagtitig sa kaniya.

"Leilana Vera," Napatingin siya kay Gaven ng muli itong magsalita "do you know her?" Marahan siyang umiling

"Hindi po eh, bisita niyo po ba siya kagabi?"

Lost in the waves ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon