Different worlds
Sunod-sunod na pagbati sa kaniya at sunod-sunod niya ring nginitian, hawak ang paper bag na dala niyang pagkain para kay Dalton.
Naisip niya lang dalhan ng pagkain ang binata kahit hindi naman ito nag-request. Basta nagising nalang siya at nais niyang paghandaan ng pagkain ang binata.
Nag tanong lang siya sa reception kung saan ang opisina ni Dalton.
"May appointment po kayo ma'am?" Nakangiting tanong ng babae
Marahan siyang umiling, kailangan pa ba 'yun?
"Wala eh, I just to give him this..." Itinaas niya ang paper bag na hawak niya "his food."
"Name ma'am?" Saglit siyang natahimik, hindi alam ang isasagot na pangalan
"Uhm, Leilana Vera..." Saglit na napasulyap sa kaniya ang isang kasamahan nito at bahagya pang nagulat
Muling ngumiti ang babae sa kaniya
"Okay ma'am, 8th floor sa west wing po. Have a nice day!" Tipid naman niyang nginitian ang babae at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa elevator
Pinindot niya ang pang walong palapag ng makapasok na siya sa loob ng elevator.
Nakangiti pa siya habang pinipigilan ang kilig
Hindi niya alam pero na-eexcite siya sa reaksyon ng binata. Matutuwa kaya ito na dinalhan niya ito ng pagkain?
Pero chef ang binata, baka hindi nito magustuhan ang luto?
Nang tumunog ang elevator na senyales na nasa 8th floor na siya ay masaya siyang lumabas sa elevator.
Tiningnan pa niya ang ilang pinto bago dumiretso sa west wing, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya
Ewan nya ba, noong isang araw pa hindi nawawala ang mga ngiti niya!
Para siyang baliw na nga sa kakangiti, baka isipin ng ibang tao ay nababaliw na siya!
Nang makita niya ang sign sa malaking pintuan ay mabilis siyang lumakad patungo doon.
Excited siyang ipatikim kay Dalton ang luto niya na natutunan niya lang sa panonood sa YouTube!
"Hi–" Natigilan siya sa sasabihin
Pati ang binata na nasa harapan niya ay gulat na napalingon sa kaniya, maging ang babaeng nakayakap sa likod nito
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya, gulat na nakatingin pa din sa dalawang taong nasa harap niya
Hindi niya kilala ang babae, basta ang alam niya maganda ito. Matangos ang ilong, singkit ang mga mata, maganda ang labi na akala mo ba isa itong model, maganda din ang katawan.
Nanginig siya sa insekyuridad na biglang nararamdaman.
"A-Amara? What are you doing here?" Gusto niyang matawa sa tanong ng binata, hindi ito ang ine-expect niyang sasabihin nito
Amara? Hindi Leilana ang tawag nito sa kaniya? Bakit, sino ba ang kasama nitong babae?
Natatakot ba ito na malaman ng babae na siya si Leilana?
"W-wala, sige. A-aalis na pala ako." Mabilis siyang tumalikod sa mga ito, nataranta pa kung saan lalabas
"Amara, wait!" Hindi niya pinansin si Dalton at mabilis na naglakad patungo sa elevator, halos tumakbo na siya para lang makapasok sa papasarang elevator
Hindi niya din maintindihan ang nararamdaman niya at bigla nalang tumulo ang mga traydor niyang luha
"Amara! Let me explain!" Tuluyan ng sumara ang elevator bago pa makahabol ang binata, sunod-sunod na umagos ang luha niya
Pakiramdam niya ay trinaydor siya, pakiramdam niya ay sinaksak siya sa likod. Hindi niya kayang isatinig pero nahihirapan ang puso niya
Nang bumukas ang elevator sa basement ng parking lot ng building ay agad na siyang lumabas, hindi niya alam kung paano siya babalik sa condo o nais pa ba niyang bumalik do'n
"Amara!" Mabilis na nahawakan ni Dalton ang palapulsuhan niya, pinilit niyang tanggalin 'yun subalit ayaw patalo ng binata
"Let me go, Dalton. I want to go home!" Traydor ang mga luha niya, pilit kumakawala ang mga ito!
"Why are you crying?"
"Wala ka ng pakealam dun! Let go, I'll go home!" Galit na usal niya sa binata
"No, ihahatid na kita..."
"Hindi ko kailangan, at hindi mo kailangang gawin 'yun. Bumalik ka na sa girlfriend mo!"
Nasapo ng binata ang noo niya, para bang frustrated ito
"She's not my girlfriend!" Tanggi pa nito
"Then why the hell is she hugging you!? Back hug pa! Wala lang akong maalala pero hindi ako tanga, Dalton!" Galit ang naging tono niya, naiisaboses ng puso niya ang bitterness na nararamdaman
"Baby... She's not my girlfriend, she's just a friend."
"A friend? Back hugging? Wow, you must be a very close friends?" Iwinaksi niya ang braso para mabitiwan 'yun ng binata
"You don't understand me, we're just talking then suddenly she hugged me. Hindi naman siya gano'n, ngayon lang"
"Parang noong nakaraan lang sinabi mo sa akin na ako ang gusto mo? Tapos ngayon maaabutan kita na may kayakap na iba!? Nice timing huh?" Tinalikuran niya ang binata pero agad ding hinarap ito "and don't you ever dare to call me baby."
"We have different worlds, Dalton. You don't have to tie yourself to me, I'm giving you the freedom of guilt. Malaya kana, you can love someone else. Please, I don't want this anymore. I don't want to think every time that I am burden to you–"
"But you are not burden." Nagsusumamo ang mga mata ni Dalton, inilingan niya lang ito
"Tama na, Dalton. Magsimula tayo ng panibagong kabanata na hindi natin iniisip ang isa't-isa."
"No, Lei. No, I've waited for you. 'Wag ganito, don't worry I'll tell Lousha not to do that again. Please, please... Lei." Bakas sa mga mata ng binata ang pagnanais na manatili siya
Oo nga't nagiging sarado ang utak niya, nagpaliwanag naman na ang binata. Pero hindi niya maaalis sa puso niya ang isipin na trinaydor siya ng binata
Ito lang ang pinagkakatiwalaan niya sa lugar na 'to, subalit gano'n pa ang maaabutan niya? Sino ang hindi masasaktan sa gano'ng eksena?
"I was wrong about you, Dalton. Let's separate our ways from now on." Hindi niya alam kung tama pa ba ang mga sinasabi niya, nasasaktan siya at hindi siya makapag-iisip ng maayos kung kasama niya ang binata
"Please, no... Leilana. Where will you go? Baka umalis ka na naman, b-baka hindi na naman kita makita. B-baka hindi ka na naman bumalik sa akin. Stay with me, I'll be good. I'll be good, Amara..."
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
General FictionAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...