Moment
"Are you sure that you're okay?" Hindi pa din tumitigil sa pagtatanong si Dalton hanggang sa makarating na sila sa parking lot ng building.
"Yeah, don't worry..." Napatingin siya sa bintana, parang ayaw niya pang bumalik sa condo.
"Why don't we spend our time somewhere?" Wala sa sariling suhestyon niya.
Hindi niya nakinig ang pag-sagot ni Dalton pero naramdaman niya ang muling pagbuhay nito sa makina ng kotse.
"Where do you wanna go?" Napaisip siya, wala siyang ideya kung saan niya gustong pumunta, ang alam niya lang ayaw niya pang umuwi.
"Kahit saan, basta kasama ka..." Mahinang usal niya.
Napatingin naman siya sa binata na ngayon ay pinipigilan na ang mga ngiti, ang gwapo pala talaga ni Dalton.
Hindi nakakasawang tingnan ang mukha nitong maamo at sa kabilang banda ay may bahid din ng rahas.
"Okay, anywhere." Sumilay ang ngiti sa labi ng binata na naging mas malinaw sa kaniya, itinuloy niya lang ang pagtitig dito.
Ang akala niya ay maiilang ang binata subalit kabaligtaran ang nangyari. Parang mas naging confident pa ito at mas lumawak ang mga ngiti habang nagmamaneho. Ang pisngi nito ay bahagya na din na namumula.
"I really love the way how you stare at me..." Wala sa sarili siyang natawa, hindi niya din alam ang dahilan kung bakit niya tinitingnan ang binata. Basta parang magaan lang sa kaniya ang ginagawa niya.
Mahina niya itong hinampas at dinilian, pabiro niya din itong inirapan kasunod ng marahang halakhak.
Nagpatuloy ang asaran nila hanggang sa makarating sila sa destinasyon na hindi niya alam kung saan.
Ang liwanag ng syudad ay kitang-kita sa parte nila, ito ang nagsisilbing magandang tanawin nila.
"Dalton," Nakatingin sa malayo ang binata, ngunit agad itong humarap sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan nito.
"Hmm?"
"I think, I like you." Ito ata ang unang pagkakataon na sinabi niya na gusto niya ang binata.
Gulat naman ang ekspresyon ng binata, umawang din ang labi nito na parang hindi makapaniwala sa salitang kakasabi niya lang.
"Y-you what?" Ang mga kamay nito ay sinapo ang sarili nitong pisngi, natawa siya sa ekspreyon ng binata.
Para itong bata na hindi satisfied sa salitang nakinig.
"I like you, Dalton."
Gumuhit ang ngiti niya, senyales na seryoso siya sa sinasabi niya.
Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para umamin sa binata, ngayon lang din kasi nagkalakas ang loob niya na kayanin ang sarili.
Nahinto ang pag-ngiti niya ng makita ang mga mata ng binata na ngayon ay napupuno na ng luha.
Agad na kumirot ang puso niya.
Mabilis niyang sinapo ang mga pisngi ng binata, kahit na madilim sa parte nila at ang tanging nagsisilbing ilaw ay ang ilaw ng kotse ng binata ay kitang kita ang pamumula ng mukha nito. Pinipigilan din nito ang mga luha ng gustong kumawala.
"H-hey? Dalton, why are you crying?"
Madamdamin ang mga mata nitong tumingin sa kaniya, ang mga mata nito ay punong-puno ng emosyon. Ito lang ang tanging mga matang tumingin sa kaniya na may pagmamahal.
"It's nothing... I just find it very romantic." Marahan pa itong tumawa habang ikinukurap ang mga mata upang pigilan ang mga luha.
Mahina niya tuloy itong hinampas sa braso, nag-alala pa naman siya!
"Thank you..." Tiningnan niya ang binata, ito lang ang sasabihin nito matapos niyang aminin dito na gusto niya ito? "For liking me again, God! I'm falling too deep."
Nahanap ni Dalton ang mga kamay niya at agad nito 'yung hinalikan. Namula pa siya dahil sa maingat nitong paglapat ng labi sa likod ng palad niya.
"P'wede ba kitang isayaw?" Tiningnan niya ang paligid, madilim at sa parte lang nila maliwanag. Wala ding pagmumulan ng music kaya bakit siya nito niyayayang sumayaw?
"Without music?" Naisatinig niya ang huling naisip.
"I can sing." Matamis na ngumiti ang binata sa kaniya, sapat lang ang mga ngiti nito para tumibok na naman ng mabilis ang puso niya.
Nauna itong gumalaw kaya naman napasunod siya dito. Ipin'westo nito ang mga kamay bago ilahad sa kaniya.
Malawak siyang napangiti at ipinatong ang kamay niya sa nag-aabang nitong kamay.
Marahan siya nitong hinila palapit, ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito. Naramdaman naman niya ang isang kamay nito sa bewang niya, malawak pa din ang ngiti niya ng magsimula nang gumalaw ang binata.
Ang mga mata ng binata ay nakatitig lang sa kaniya, malalim ang mga tingin nito. Ito ang uri ng tingin na parang ayaw niyang mawala, simula una hanggang sa mga oras na ito ay hindi nagbabago ang tingin sa kaniya ng binata, punong-puno pa din ito ng paghanga at pagmamahal.
"Ang ganda mo talaga."
Hindi napuputol ang tingin ng binata sa kaniya, parang kahit pa ata humangin ay hindi ito pipikit para lang matingnan siya ng ganito.
"Thank you..." Marahan niyang isinandal ang ulo sa dibdib ng binata habang patuloy silang sumasayaw.
"I don't think I can bare you leaving me or not loving me, seeing you with me right now makes me want to stop time so I can be with you all the time. I want to be selfish when it comes to you, I want you all by myself and I don't want to share you. I want you for me only, so thank you for liking me..."
Nagpatuloy si Dalton sa paggabay sa kaniya na sumaway habang walang musika, nag-ha-hum din ito at naging sapat na 'yun para sa kaniya.
This moment was too precious to disturb, she wants this to be marked at her memory. Ito ang mga moments na gusto niyang maalala palagi, she didn't know that she would feel so special.
Dalton never fails to make her this special, everytime, every single time. This gave her confidence, dahil si Dalton nga ay tanggap siya kahit wala pa siyang maalala, dapat matutunan niya ding tanggapin ang sarili niya.
"I love you..." He's so sincere, her heart ached because of happiness. Hindi siya makapaniwala na may lalaki pala talagang kayang magmahal ng ganito, hindi niya alam na may lalaking magmamahal sa kaniya ng ganito.
Hindi niya alam kung anong klaseng tao siya sa past life niya, subalit siguro'y mabuti siyang tao para bigyan siya ng ganitong lalaki sa present life niya.
"I'll treat to right, I'll love you right and unconditional. I won't let you feel alone, I will stay with you, always." His words are too heartwarming that makes her heart feel so lightly, umiiyak ang puso niya sa saya at kilig.
Hindi pumalya si Dalton sa mga salitang sinasabi nito, his words makes her feel a woman everytime.
He's a man with his word, hindi pa nga nito sinasabi ang mga salitang 'yun ay nauna na niyang ginawa.
Why does she feels like Dalton's always confessing his love towards her?
"Gosh, you're so in love with me huh?" Pilya niyang tanong sa binata.
"God knows, too deep... Too deep, hindi ako makakaahon kapag iniwan mo ako."
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Ficção GeralAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...