Awa
Matagal siyang tinitigan ng binata, nailang siya dahil doon at lumayo dito ng bahagya.
"Siguro kuya dapat tumayo kana d'yan, hindi ka ba nilalamig? Ako kasi magyeyelo na dito."
Sarkastiko ang naging tono niya dito, hindi pa din nawala ang pagtitig nito sa kaniya kaya naman kinunotan na niya ito ng noo.
"I'm sorry.." Tumaas ang kilay niya, hindi din nakatakas sa kaniya ang pag-iling nito sa ulo niya at bahagyang paghawak dun.
"Okay lang, tumayo kana d'yan. Malamig na masyado." Natural ang naging tugon niya, nilalamig na siya sa totoo lang
Ang gusto lang naman niya ay magpahangin, pero iba pala ang plano ng tadhana at binasa pa siya nito
Bwisit talaga!
Inilahad niya pa ang kamay niya sa binata para tulungan niya itong makatayo, tinitigan nito 'yun at kalaunan ay pinagpagan din ang kamay bago tinanggap ang kamay niya.
Naramdaman niya ang biglaan pagdalot ng kuryente sa palad niya, dahil sa pagkagulat ay napaigtad pa siya ng bahagya.
"You look...uhm, you look familiar. N-nagkita na ba tayo dati?" Tiningnan niya ang binata, ito ang unang beses na nakita niya ito kaya impossible ang sinasabi niya
"Hindi, ngayon lang kita nakita." Diretso ang pagkakasagot niya, tiningnan niya pa ang kamay nila na magkahawak. Napansin naman 'yun ng binata at agad na binawi ang kamay
"I'm s-sorry, we have to go back. You must be freezing..." Umirap siya sa hangin at sumimangot
"Obvious ba?" Dahil sa lamig na nararamdaman niya ay natarayan niya ito, sa totoo lang ay kasalanan niya din naman. Kung hindi lang sana siya nangialam dito ay hindi naman siya nababasa
Pinagkiskis ng binata ang mga palad nito, tiningnan niya pa ito at nagulat ng ilagay nito ang mga palad sa kaniyang tenga.
"This will be temporary, let's just go back immediately to the mansion so you can change." Kung kanina ay marahas ang boses nito, ngayon ay mahinahon 'yun. Nabakasan niya din ng kaba ang tono nito pero hindi siya sigurado
Nag-aalalang mga mata ni Manang Teresa ang sumalubong sa kaniya, subalit ang noo ay nakakunot. Nanlaki naman ang mga mata nito ng makita ang lalaking nakasunod sa kaniya.
"Señorito Dalton!? Bakit basa ho kayo?" Madami ang sumalubong na kasambahay sa binata, samantalang sa kanya ay wala
Teka? Sino nga ba siya para salubungin ng kapwa niya kasambahay?
Hindi na niya hinintay ang mga ito at dire-diretsong pumasok para makapunta sa Maid's room.
Nang makapasok ay agad siyang nagtungo sa maliit na cr para makaligo na ng tuluyan, gagamitin na din niya ang pagkakataon 'yun para makapagpahinga.
Ngayon niya lang kasi naramdaman ang pagod mula kaninang umaga. Ayaw naman niyang tumakas ulit dahil baka mainis na talaga sa kaniya si Manang Teresa.
Nang matapos sa paliligo ay nagpalit na siya ng damit, nagsusuklay siya ng buhok ng may kumatok sa pinto
"Sandali"
Binuksan niya 'yun at bumungad sa kaniya ang mga mayang nagtatanong ni Manang Teresa
"Ano ang nangyari? Bakit ka basa? At bakit kasama mo ang kaibigan ni Señiorito Gavin?"
Iniwan niyang bukas ang pinto at bumalik sa pagkakaupo upang suklayin ang naudlot na buhok.
"Nakita ko lang siya, magpapakamatay ata. Nagmagandang loob lang naman ako." Nasapo ni Manang Teresa ang noo at pumasok sa kwarto niya, isinara nito 'yun at naupo sa tabi niya
"Suicidal talaga iyang kaibigan ni Señiorito..." Nakuryoso tuloy siya dahil sa sinabi nito
"Ho? Bakit naman po? Eh gwapo naman po, dahil ba sa babae?"
"Oo! Engaged na daw 'yan pero namatay ang babaeng papakasalan niya sana. Simula noon palagi na siyang nakikita na nakatulala o kaya naman ay galit!" Nagulat siya sa ikwenento ni Manang Teresa
Kaya naman pala ganun siya, kaya din pala marahas ang boses niya dahil may pinagdadaanan ito. Nagsisi tuloy siya sa pagsusungit niya dito kanina, pero hindi naman niya 'yun sinasadya! Hindi naman niya alam!
"Maraming taon na din ang nakakaraan, noong huling bumisita siya dito masayang masaya siya. Ibang-iba ang mukha niya kumpara noon, malaki ang naging epekto ng pagkamatay ng girlfriend niya sa kaniya!" Umiiling-iling pa ang mayordoma habang nagkekwento ito sa kaniya "pero simula ng mangyari ang trahedya ni minsan hindi na nabalitaan na ngumiti siya. Para siyang nawalan ng buhay, kawawa ang binatang 'yun." Humabag ang loob niya dahil doon, kumirot ang puso niya. Napakaswerte pala ng babaeng minahal nito, inalayan niya ng kaniyang buhay
"Ano daw ang kinamatay nung babae?"
"Hindi na namin nalaman, inilihim na ng pamilya at mga kakilala. Wala ng naging balita simula noon, pero palaging matatanaw si Señiorito sa tabing-dagat, wari ko ay nalunod ito." Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, para bang umiiyak ang puso niya dahil sa nalaman.
Naaawa siya para sa binata, may pag-ibig pala itong hindi pinagbigyan ng panahon. Kaya naman pala ganito 'yun, ano pa nga ba naman kasi ang dahilan para mag-stay sa mundo kung ang dahilan nun ay nawala na?
"Hindi kita pagagalitan ngayon dahil maganda naman ang rason mo, pero sa susunod 'wag ka basta-bastang sumusugod sa dagat! Gabi at madilim, paano kung masamang tao pala ang nakita mo!?" Nagbagong bigla ang tono ni Manang Teresa kaya napailing nalang siya
"Manang, tatlong taon na ako dito. At kahit matulog pa ako sa tabi ng dagat wala namang nananakit sakit dito."
Masungit siya nitong tiningnan at napasapo sa noo
"Kahit na! Ikaw na bata ka. Sige na, magpatuyo kana ng buhok at magpahinga! Madami ka pang gagawin bukas." Nginitian niya ito at tumango-tango
"Opo nay" Natigil ito sa pagsimangot at tumingin sa kanya, pero agad itong nag-iwas ng tingin at tinalikuran siya
"Bahala kana d'yan, magpahinga ka na!" Natatawa siyang nagpaalam dito hanggang sa isinara na nito ang pinto
Inayos naman niya ang higaan at nahiga na doon.
Double deck ang higaan niya at nasa ilalim siya na parte, tumitig siya sa kawalan at inalala ang mga sinabi ni Manang Teresa.
Hindi niya alam kung bakit Hanggang ngayon ay sumasakit ang puso niya, naaawa ba siya sa binata sa sinapit ng love story nito? Sino ba naman kasi ang hindi maaawa dito?
Engaged na sila at panigurado na kasal nalang ang hinihintay tapos mamamatay pa 'yung babae? Kung sa kanya nangyari 'yun ay tiyak na hindi niya din kakayanin.
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Fiksi UmumAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...