LABING PITO

49 4 0
                                    

Isla

Wala siyang ginawa sa maghapon, nakatambay lang siya sa kwarto niya o 'di kaya ay manonood ng tv sa sala.

Naiinip siya dahil sa ginagawa niya, dati sa isla Palaui kapag naiinip siya ay sasama siya kay Mang Istor para mangisda. O 'di kaya ay matutulog siya sa bangka.

Mas lalo siyang natahimik, nakakamiss din pala ang mamuhay sa isla. Noong kahit na nagugulumihan siya ay tahimik ang buhay niya, na kahit kuryoso siya sa nakaraan niya ay hindi naman siya nakakaramdam ng ibang emosyon maliban sa pangungulila sa ala-ala at matinding kuryosidad lang.

"Uhm, ate Palma... lalabas lang ako saglit, I'll be back before six." Tumingin sa kaniya si ate Palma kasunod ay sa wall clock

"Oh sige, balik ka din ha?" Tumango siya sa babae, wala siyang dalang kahit na ano ng lumabas siya sa condominium

Nakasuot lang siya ng leggings na black at t-shirt na hindi naman gano'n kalaki. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at naka-slippers lang.

Nang makapasok sa elevator ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.

"Anak mayaman..." Naalala niya ang sinabi bigla ni ate Palma

Hindi niya kilala ang babae, at hindi din niya ito kilala sa itsura. Kuryoso siya sa kung ano ang itsura nito.

Teka, ito na naman siya. Bakit ba siya kuryoso sa lahat? Gusto na ba niyang pakialam pati ang pribadong buhay ng binata?

Eh ano naman ngayon sa kaniya kung may girlfriend pala ito? Ano naman sa kaniya kung talagang naka move-on na siya sa fiance nito?

Ano naman ngayon sa kaniya 'yun? Wala na siya do'ng pakialam, labas na siya sa personal na buhay ng binata. Labas siya sa relasyon nito.

Pero... para saan ang halik nito sa kaniya? Para saan ang sinabi nito sa kaniya na hindi mamadaliin ang lahat? Para saan ang sinabi nito na gusto siya nito?

Lasing lang ba talaga ito kaya nasabi ni Dalton 'yun sa kaniya? O marahil... guilty lang ito sa nangyari noon kaya hanggang ngayon pakiramdam nito na responsibilidad niya siya?

Nabalik siya sa wisyo ng tumunog ang elevator, senyales na nasa baba na siya.

Lumabas siya sa elevator at napatanong sa sarili ng makita niya ang malawak na lobby

"Saan nga ba ako pupunta....?" Hindi niya na naman maintindihan ang sarili, nangangapa na naman siya sa mga susunod niyang gagawin

Nag-dire-diretso lang siya ng lakad kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta, ng makalabas sa building ay pumara siya ng taxi.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta, ang alam lang niya ay gusto niyang makalayo muna sa building na 'yun. Gusto muna niyang ipahinga ang isip, ayaw muna niyang mag-overthink sa mga bagay na hindi naman niya kontrolado

"Kuya, sa pinakamalapit na beach po..." Wala sa sariling sinabi niya sa driver

Nang umandar ang taxi ay nakatulala lang siya sa labas ng bintana.

Doon niya lang naisip na maganda pala ang maynila, hindi pa siya nakakapaglibot dahil sa tingin niya ay wala siya sa mood. Pero ngayong may pagkakataon siya na masilayan ang ibang bahagi ng maynila ay natutuwa siya.

Kahit papaano naman ay magandang desisyon ang paglabas niya sa condominium nila. Para nagiging pamilyar siya sa mga lugar dito.

Natutuwa siya sa matatayog na buildings at sa malalaking billboard.

Halos mag-iisang oras din ang itinagal ng byahe niya, kunot-noo pa siya dahil ang sabi niya ay pinakamalapit na beach

"Kuya, mukhang umabot na tayo sa Palawan sa layo ng byahe ah?" Biro niya sa driver

Napakamot ng batok ang driver at nakayukong sumagot

"Pasensya na ma'am, pero maganda dito sa Tali beach. Sana mag-enjoy kayo..." Nagpasalamat siya sa driver bago bumaba sa taxi

Nagulat pa siya sa ganda ng beach na 'yun, parang nakikita niya doon ang isla Palaui.

Agad niyang tinakbo ang pagitan nila ng buhangin.

Namiss niya talaga ang dagat! Namiss niya ang preskong amoy ng hangin!

Hinubad niya ang slippers niya at itinupi ng bahagya ang kaniyang leggings. Gusto niyang maramdaman ang tubig dagat.

Napangiti siya ng dumampi sa balat niya ang malamig na tubig dagat. Bumalik ang kagalakan sa kaniyang puso, kahit pala papaano ay namimiss niya talaga sa isla.

Matagal siyang naglaro sa dagat hanggang sa mapagod siya at maupo sa buhangin, pinagmasdan niya ang kalangitan.

Ang kulay kahel na kalangitan ay humahalo sa napakagandang kulay asul na langit. Ang mga natitirang ulap na parang palamuti nalang sa langit ay tuluyang humahalo sa paglubog ng liwanag.

"Ang ganda talaga..." Naitukod niya ang mga kamay sa buhangin para mapagmasdan ng mabuti ang langit

Ito ang kahit kailan ay hindi siya mapapagod gawin, ang pagmasdan ang maghahalo ng liwanag sa dilim.

May iilang mga ibon pa ang naglalaro, nangingiti siya habang pinagmamasdan ang lahat habang nakikinig naman niya ang mahinang pag-alon ng tubig. Ang hangin ay dumadampi sa balat niya habang nagsisimula na din na lumamig ang hangin.

Nang mangalay ay hinayaan niya ang katawan na humiga sa buhangin. Napakakomportable nito para sa kaniya, parang mas gumagaan ang kaniyang pakiramdam.

Namiss niya tuloy si Manang Teresa, kapag alam ng mayordoma na hindi siya okay ay hinahayaan siya nito na tumambay o mamasyal sa tabing dagat.

Marahil ay ito ang paraan ng matandang babae na ipaalam sa kaniya na nag-aalala ito at mahal siya nito

Napangiti siya sa isipin, hindi man sila magka-ano-ano ni Manang Teresa ay sa puso niya itinuring niya talaga itong Ina. Naging mabuti itong tao sa kaniya, ni minsan ay hindi siya nito pinabayaan o pinahiya.

Naging sandayan niya ito at naging kakampi simula ng mapadpad siya sa puder nila.

Mabuti nalang din talaga at napunta siya sa mabubuting tao, na hindi sinamantala ang kahinaan niya. Na hindi ginamit ang kabataan niya para pahirapan siya ng lubos.

Ang buhay niya sa isla ay hindi napapalooban ng insekyuridad sa kung anong status niya sa buhay, dahil kasambahay lang siya at ang lahat naman ng kasama niya doon ay pawang kagaya niya. Hindi niya naisip na dadating ang araw na ki-kwestyunin niya ang estado niya sa buhay, dahil hindi naman niya alam na kailangan pala 'yun sa nakaraan niya

Napamulat siya ng naramdaman na may umupo sa tabi niya, nagulat pa siya ng masilayan ang pamilyar na pigura

"I've been looking for you... ngayon ko lang naisip na dito ka posibleng pumunta..." Ayaw niyang tumayo dahil lang nandito si Dalton, ayaw niyang sirain ang kakomportablehan ng paghiga niya sa buhangin

"Hindi ka nagpaalam kung saan ka pupunta...." Hindi pa din siya nagsalita, pinakinggan niya lang ang boses nito habang nakapikit siya

"Baka mabaliw na naman ako kung hindi kita nakita."

Bitterness ang nararamdaman ng puso niya, alam niya sa sarili kung bakit 'yun ang nararamdaman niya. Hindi niya na nga alam kung maniniwala ba siya sa sinasabi ngayon sa kaniya ng binata. Mukhang busy nga ito maghapon at hindi man lang siya naalala.

"Nakita mo naman ako." Simpleng sagot niya, hindi pa din nagmumulat ng mga mata

"Pinanood ko pa ang mga security camera mula sa labas ng condo natin hanggang sa lumabas ka sa building... Next time, you should tell me where you going, para hindi ako mag-alala." Bakas sa boses ng binata ang pagod, marahil dahil sa trabaho?

"Babalik naman ako."

"Tinunton ko pa ang taxi driver na sinakyan mo... you're making me insane, Lei." Tuluyan niyang naramdaman ang bitterness sa puso niya

Heto na naman ang binata at Leilana na naman siya sa paningin nito, at hindi si Amara.

"Uuwi naman ako."

"I know, but I'm not sure if you'll come back home...to me."

Lost in the waves ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon