SlowlyNaging magaan ang sumunod na mga linggo niya simula ng makapunta siya sa manila, ang tanging beses na binaggit ni Dalton ang nakaraan nila ay noong nakilala niya ang kapatid na si Tina.
Subalit matapos 'yun ay hindi na ito muling nagbanggit sa kung ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hahayaan daw siya ng binata kung kailan niya gustong malaman ang lahat, ayaw daw siya nitong madaliin.
"Your condition is bad, hindi dapat biglaan ang mga impormasyon ng isahan. You can't handle the information, you have to remember that every Saturday is your weekly check-up para matulongan ka sa mga dapat mong gawin. Don't worry, I'll be with you everytime."
Hindi man niya aminin ay natutuwa siya sa binata, ang haba ng pasensya nito sa kaniya. Isa pang ikinagaan ng buhay niya ay hindi siya nito pinagtatrabaho! Hindi siya sanay dun subalit ayaw pa din siyang p'wersahin ni Dalton.
"You work so hard for the past three years, let me do the work this time. You have your precious life to work on."
Naiinis man ng bahagya ay nangingiti siya sa kung paano siya alagaan ng binata, ayaw niya sanang masanay dito pero gusto din naman niya na 'wag ma-pressure ang utak niya para maibalik na ang ala-ala niya. Gusto niyang suklian ang kabaitan sa kaniya ni Dalton, kahit pa sana sa paraan nalang na may maalala siya sa nakaraan nila.
"What are you thinking?" Naagaw ng atensyon niya ang biglaang pagsasalita ni Dalton, nasa grand restaurant siya ng binata at pinapanood niya lang ito habang mahusay na nagluluto.
She must admit, this guy was hot!
"W-wala naman, kung ano-ano lang..." Busy ang kusina ng araw na 'yun, halos araw-araw na din naman siyang nakatambay sa restaurant nito kaya halos mapamilyar na siya kung madami bang customer o hindi naman ganun kabongga
"Taste it..." Nagulat siya ng marahang ilapat ni Dalton ang kutsarita sa labi niya, kinagat niya ang labi at nalasahan ang sauce
"Ang sarap!" Para na naman tuloy siyang isang bata na nakatikim ng bagong pagkain
"Binobola mo nalang ata ako.." Seryoso subalit nakangising ang binata
"Uy, hindi ah! Masarap kaya talaga!" Isa siguro sa mga dahilan kung bakit hindi siya naiinip habang nakatambay dito ay dahil nag-eenjoy siya sa mga pa 'taste-test' ng binata
Maging ang ibang cook ay sa kaniya pinapatikim ang niluluto nila.
"Pfft, you're cute." Inismidan niya ang binata at inagaw dito ang kutsarita, marahan niya 'yung isubo at parang bata na inirapan ang binata
Natatawa ang binata habang umiiling
Naging busy si Dalton ng hapon na 'yun, kaya naman nanatili siya sa kusina habang pinapanood pa ang ibang mga kusinero.
"Ngayon na lang ulit namin nakita na ganyan kasaya si Sir Dalton..." Isang waitress 'yun na lumapit sa kaniya, tiningnan naman niya 'yun habang nginunguya pa ang karneng pinatikim din sa kaniya
"Madam Vera, sana hindi mo tuluyang makalimutan ang ala-ala niyo ni Sir. Ang mga pagkakataon na magkasama kayo noon ang kaligayahan ng bawat empleyado ng restaurant na ito..." Hindi 'yun nabanggit sa kaniya ni Dalton, maging ng ilang empleyado kahit ilang linggo na siyang namamalagi dito
"Ang pagkawala mo ay ang pagkawala din ng amo na minahal namin. Sana hindi kana umalis at manatili ka lang sa kaniya..." Hindi niya alam ang isasagot sa waitress, hindi naman talaga siya sigurado kung maibabalik pa ba ng puro ang ala-ala niya
"Hindi naman ako aalis..." Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya, ngiti na para bang nakakinig ito ng magandang balita
"Sige na madam, balik na ako sa trabaho. Enjoy eating!" Matamis na ngumiti sa kanya ang waitress at tuluyan na itong umalis sa harap niya
Nagpatuloy siya sa pagtikim at kalaunan ay kumain na din, halos isang oras na hindi bumalik sa kusina si Dalton.
Tiningnan niya ang kaniyang relo at kunot-noong sumulyap sa pinto.
Marahan siyang humikab at tiningnan nalang ang mga empleyado na busy pa din kahit gabing-gabi na.
"Did I made you wait?" Lumilipad na ang isip niya ng may biglang bumulong sa tenga niya
Bahagya siyang napaigtad at biglaang napaharap sa tao na pinagmulan ng boses
"D-dalton! Nakakagulat ka naman!" Mahina niyang reklamo sa binata
Lumayo ito ng bahagya sa kaniya at natawa
"I'm sorry" hindi pa din ito tumitigil sa mahinang pagtawa
Pabiro niya itong hinampas sa braso bago ito inirapan.
"What are you thinking? Mukhang napapalayo ka na naman.." Tumabi ito sa pagkakaupo niya at humalumbaba ito habang nakatingin sa kaniya
"Ha? Wala naman akong iniisip, nakatulala lang. Is it bawal?" Dalton smirk
"Nope, tumulala ka lang. I'll watch you."
Naramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi, iniiwas niya ang kaniyang tingin.
"S-sira ka ba? Are you done with your work? Let's go home?" Napansin niya ang malawak na ngiti ng binata
"Yeah, let's go home...together.."
Naramdaman niya ang malamyos na paghaplos sa kaniyang puso, how can this man make him feel this way? Bakit ba ito ganito?
Diretso niyang tiningnan ang binata sa mga mata nito.
"Are you tired?" Iba ang ibig niyang sabihin sa sariling tanong, wari niya ay naintindihan ito ng binata
"Hinding hindi ako mapapagod."
"Halika na?" Dahan-dahan siyang tumango sa binata at tinanggap ang kamay nito na naghihintay sa kamay niya
Inalalayan siya ng binata hanggang sa makalabas sila sa restaurant, binuksan pa ng binata ang pinto ng kotse para sa kanya.
"Thank you..." Matamis na ngumiti si Dalton sa kaniya, bago pa siya nito hayaang makaupo ng maayos ay inayos na nito ang seatbelt niya
Nang masiguro ng binata na ayos na siya ay saka ito umikot para makapasok na din sa kotse.
Tahimik sila habang bumabyahe pauwi, napagod din siya kahit wala naman siyang masyadong ginawa. Dapat nga ay mas pagod sa kaniya ang binata dahil galing ito sa trabaho
Siguro dahil hindi na siya sanay masyado sa pagtambay lang at walang gawin.
"Thank you, Dalton..." Naramdaman niya ang pagsulyap sa kaniya ng binata
"For what? Hmmm..." May pag-iingat ang boses nito, napakalambing din. Parang ayaw nitong magbigay sa kaniya ng kahit anong negatibong pakiramdam
"For not making things fast... Thank you for being patient to me, kahit na ang bagal... Kahit ang tagal.."
"Don't worry about that, baby.. I'm willing to wait forever, just for you..."
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
General FictionAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...