ConfrontationBakas sa mukha niya ang gulat, parang wala nga itong alam na magkasama sila ng binata sa iisang condo.
"You're living with him? You're a whore!" Bakas sa mukha nito ang inis at galit, para din siyang hinuhusgahan nito mula ulo hanggang paa.
Pinagtaasan niya ito ng kilay, eh ano naman dito ngayon?
"Bingi ka ba?" Inikutan pa niya ng mata ang babae "Excuse me." Mataray na usal niya sa babae at nilampasan ito
Hindi nawala sa ekpresyon ng babae ang inis at pagkagulat.
Saglit siyang sumulyap kay Dalton na nagsasalita pa din sa harapan, ngumiti siya dito kahit hindi naman ito nakatingin sa kaniya bago siya tumalikod patungo sa comfort room.
Hindi naman mahirap hanapin ang comfort room kaya nakapunta siya do'n agad.
Nang matapos sa siya paglabas ng tubig sa kaniyang katawan ay lumabas siya para tingnan ang sarili sa salamin
Hanggang ngayon ay humahanga siya sa itsura ng babaeng nasa harapan niya, ang layo talaga ng itsura nito sa babaeng nanirahan sa isla.
"Well, well." Hindi pa niya nakikita kung sino ang nagsalita ay umirap na agad siya sa hangin
Pati ba naman sa cr?
Humarap siya dito, ngayon niya lang napagmasdan ang ayos ng babae.
Hindi niya maitatanggi, maganda din ito at sexy sa suot nitong red dress na fit sa katawan niya. Ang buhok nito ay nakakulot at medyo makapal ang make-up.
"I don't want to argue with you." Diretsong sabi niya dito, nauumay sa pagmumukha ng babaeng kaharap
"I am not here to argue, I am here to let you realize where exactly you belong." Dinuro pa siya nito na ikinainit ng ulo niya
For the first time in three years, ngayon lang ito nangyari sa kaniya.
"I know exactly where I belong, why can't you just stay away and mind your own business?" Mataray na sagot niya dito
"Dalton is my business, you were an obstacle in our relationship–" Sarkastiko siyang tumawa sa sinabi ng babae
"Relationship? As far as I know, Dalton is mine? Kailan pa siya nagkaroon ng relasyon sayo?" Bumakas ang halatang nainsulto sa mukha ng babae, namula ang mukha nito na mapula na dahil sa make-up
"I didn't know that Dalton have someone." She smirk, sapat na ekspresyon para mainis na naman ang babae
"Who are you to know? You're just a friend right? Is that the relationship you're pertaining about? Uh, friend." Napangiti siya sa nagiging reaksyon ng babae.
Ah, this satisfaction of not being bullied by anyone.
"And who are you? Why the hell did you just came along and took everything!?"
"Wala akong kinukuha, sa akin 'yun lahat. Binabawi ko lang."
"Ngayon ka lang dumating and you have the audacity na sabihing binabawi mo lang? Who the fuck are you?"
"I thought, you heart a lot about me? Kulang ba ang mga nakinig mo? Oh, poor you." Pang-aasar niya pa dito
"I'm sure you're not that important kaya wala silang mahanap tungkol sayo, I can just lie to Dalton about you and he will believe me!" Mukhang masyadong confident ang babae sa sinabi nito
"Na-ah, you're wrong. I can just tell to my Dalton about you, and he will surely believe me. I don't need to lie, just having you here, telling me that."
Muli niyang inirapan ang babae at nagtangka siyang iwan na ito sa Cr ng hawakan nito ang palapulsuhan niya
Napapikit siya sa pagkakahawak nito pero hindi niya ininda, ang mga kuko nito ay bumabaon sa balat niya.
"I am not done with you, remember that!"
"Bring it on." Matapang na sagot niya bago iwinaksi ang kamay niya
Mabilis siyang lumabas sa cr, hawak ang palapulsuhan na hinawakan ng babae.
Mahapdi 'yun at pakiramdam niya ay dumugo ng bahagya dahil sa pagkakabaon ng kuko nito sa palapulsuhan niya.
Agad niyang nahanap si Dalton, ang mga mata nito ay lumilibot na akala mo may hinahanap.
"Hi!" Binago niya ang tono ng pananalita para hindi na magtaka ang binata
Mukhang nagulat pa ito sa pagsasalita niya
"Hi, where have you been?" Agad na hinagilap ng binata ang bewang niya at hinila siya nito palapit dito
"Nag-cr lang.." Biglaan siyang hindi nakapag-isip ng maayos dahil sa pagkakalapit ng katawan nilang dalawa
Dumaudos ang kamay nito sa kaniyang palapulsuhan kaya napaigtad siya ng bahagya
"Aww." Naging alista naman ang mga mata ni Dalton at mabilis na tiningnan ang palapulsuhan niya, ang kamay din nito na nasa bewang niya ay inalis niya saglit
"Who did this?" Bumakas ang galit sa mga mata ni Dalton, ngunit ang boses ay nanatiling mahinahon
"I just tripped, tapos nadaganan ng kuko ko iyang aking palapulsuhan." She lied
"Stop lying, who did this!?" May diin ang bawat salita ni Dalton, hindi naman siya kinakabahan
Pakiramdam pa nga niya ay kikiligin siya dahil sa ginagawa ng binata
"It's not important, I'm okay. It doesn't hurt much." Paninigurado niya kay Dalton, binigyan siya nito ng mga tingin na naninigurado
"Fine, if you won't tell me who did this then we'll go home." Ayos lang naman sa kaniya ang umuwi na dahil ayaw na din niyang makita ang babae, pero alam niya din na nahalagang event ito para sa binata
"Are you out of your mind? This is your company's celebration. You should be here!"
"I already said my part, I want to take you home. Let's put some medicine there." Pinal ang naging tono ng binata, kaya naman kahit kontrahin niya pa ito ay wala na siyang magagawa
Nakita niya pa ang tangkang paglapit sa kanila ng babaeng nakasagutan niya pero inirapan lang niya ito at bahagyang gumilid siya para ipakita dito ang kamay ni Dalton na nakalagay sa bewang niya
Nanggigigil na tumingin sa kaniya ang babae kaya napangisi naman siya.
Yeah right, bring it all. She doesn't care.
Dalton assured her so many times, she's a hundred percent that Dalton will never take his back towards her.
Naniniwala siya sa binata, naniniwala siya na gusto siya nito at gusto nitong bigyan ng chance ang mga nararamdaman nila.
She will allow this man to enter fully in her heart, and she won't let anyone to make her feel that she's nothing, dahil ang pinaparamdam sa kaniya ni Dalton ay sobra pa sa hihilingin ng iba.
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Ficción GeneralAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...