PogiBumaba na sila sa tricycle at nagpasalamat sa driver, hinila niya ng marahan ang kamay ng binata para makapasok ng tuluyan sa palengke.
Masyadong madaming tao sa palengke at ayaw niya namang maghanap kung sakaling mawala ang binata.
"Siguraduhin mo na hindi ka aarte, sir ha? May mga hindi kaaya-ayang Amoy dito. Pauwiin kita mag-isa kapag nagreklamo ka." Parang bata niya itong binibilinan
Ngumiti ito sa kaniya at parang masunuring tuta na tumango-tango.
Hinawakan niya ng maayos ang kamay nito at tuluyang hinila para makipagsiksikan sa mga tao.
"Bili na kayo dito ganda, mga fresh ang isda namin dito!"
"Uy may pogi, pogi dito ka nalang bumili. Ako libre na ako!"
Tumaas ang kilay niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng binata
Ano ang mga ito, sineswerte!? Wala silang pag-asa sa binata! Dahil una sa lahat, hindi pa ito nakakamove-on sa ex niyang kasama na ni Lord!
"Pogi, dito kana sa mga talong namin. Wala akong talong pero 'yung sayo panigurado malaki!" Humarap siya sa tindera at kumuha ng isang talong
"Hoy, ate! 'Yang bunganga mo ayusin mo, kung ayaw mong itong talong na hawak ko pati itong kamao ko eh pumasok d'yan sa malaki mong bunganga!"
Inirapan niya ang tindera at patabog na binitiwan ang talong, unaakyat tuloy ang dugo siya sa kaniyang ulo!
Parang mali ata na sinama niya pa ang binata sa pamamalengke, masyado itong nakakahatak ng atensyon at ayaw man niyang sabihin ay hindi niya 'yun nagugustuhan!
"Sungit mo naman miss!" Sigaw ng tindera sa kaniya
Nakinig niya ang mahinang pagtawa ni Dalton sa likuran niya kaya naman nilingon niya ito at tinapunan ng masamang tingin.
Naglibot pa sila hanggang sa mapuno na basket, may iilang pa silang hindi napapamili kaya naman inayos niya muna ang hawak na basket ng binata bago muling nag-ikot.
"Pagod kana ba? Ako na magdadala niyan, sir. Nakakahiya naman." Sinubukan niyang kunin ang basket sa binata pero inilayo lang nito 'yun
"It's okay, hindi naman mabigat." Nagbigay ito ng ngiti sa kaniya
Hindi niya maintindihan ang puso niya ng bigla 'yung tumibok ng malakas, para ba siyang napapagod dahil sa biglaan pagkabog ng puso niya. Gusto niyang sisihin ang binata ngunit alam niya na wala itong kasalanan, kasalanan ito ng puso niya!
Ilang minuto pa ang itinagal nila sa pamamalengke bago tuluyang natapos, tumawag na siya ng tricycle dahil gusto na din niyang makapagpahinga.
Grabe ang pagod niya ngayon kahit pa sanay naman siyang mamalengke, noon nga ay mag-isa lang siyang namamalengke ay hindi naman siya napapagod ng ganito.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya ng makaupo na sa loob ng tricycle.
"Are you tired?" Tiningnan niya ang binata, may pawis ito sa noo. Marahil ay dahil sa init ng panahon at init sa loob ng palengke kanina
Biglaan tuloy siyang naawa dito, sa kabilang dalawa mas pagod ito. Dahil ito ang nagbuhat ng lahat ng pinamili nila, madami pa silang inikutan kaya naman pagod ito panigurado sa paglalakad at pagsunod sa kaniya.
"Hindi, ikaw nga po ang pagod eh." Hindi na siya nag-isip ng makita ang pawis nito na patulo
Agad niyang inilapat ang kamay sa noo nito, naramdaman niya ang biglaang pagkatigil nito
"May pawis ka, sir..." Ang gulat sa ekpresyon nito ay napalitan ng paglamlam na mga tingin
Heto na naman ang binata at malalim na naman ang tingin sa kaniya, para ba siyang laging hinahalukay nito, parang hinahanap nito ang kaibuturan ng pagkatao niya.
"Can you drop the 'sir'? You can call me Dalton, or anything you want." Napanganga siya sa sinabi nito
"Hindi ba parang informal naman kapag hindi kita tinawag na sir?" Takang tanong niya sa binata
"I won't mind, and Gaven won't mind also." Nangunot ang noo niya, ano ba ang meron sa dalawang 'yun at napaka weird nila.
Siguro kaya mag best friend sila ay dahil pareho silang weird?
"A-uh, okay po. Kung ano trip niyo, sir..." Tinaasan siya ng kilay ng binata kaya naman natawa siya "Sige po, D-dalton." Natawa siya sa sarili
Parang ang weird nito sa pakiramdam, at parang napakapamilyar.
Napakapamilyar ng pangalan niya, parang kilala niya ito pero hindi niya 'yun nawari kung saan.
"Manang, pakiayos naman ng frame na 'yun. Medyo hindi kasi pantay." Utos niya sa katulong habang tinitingnan ang malaking picture frame na nakalagay ang litrato nilang magkasintahan.
Tinitingnan niya palang 'yun ay nangingiti na siya, matagal na silang magkarelasyon pero para pa din siyang kinikiliti kapag ito na ang napag-uusapan
Masyado siyang inlove sa nobyo, at hindi ata maglalaho ang labis na pagmamahal niya para dito
"Señorita, bulaklak po. Padala ni Señorito." Malawak ang naging ngiti niya ng tinanggap niya ang bouquet ng bulaklak, inamoy niya pa 'yun at marahang niyakap
Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang numero ng nobyo.
"Hi, baby. I received the flowers, thank you so much!"
"I know you'll love it, I love you."
Tinitigan niya ang bulaklak, nagagandahan talaga siya sa mga binibigay ng kasintahan, kahit pa maliliit na bagay lang 'yun.
Habang nakatitig sa mga halaman ay nakaramdam siya ng hilo, hindi niya maipaliwanag ang sakit sa ulo na nararamdaman niya, nakakarinig siya ng malakas na ugong na paulit-ulit na nagpeplay sa utak niya.
"Senorita!? Ayos ka lang ba? Tulong! Si señiorita!"
"Amara? Amara?" Nagising siya sa yugyog sa kaniyang mga braso, iminulat niya ang mga mata at bumungad sa kaniya ang mayordoma na bakas sa mga mata ang labis na pag-aalala
"A-ano pong nangyari?" Wala siyang maalala kung paano siyang napunta sa kwarto nila
"Pabalik na kayo ni Señiorito Dalton sa mansyon ng mawalan ka ng malay habang naglalakad! Jusko kang bata ka! May nararamdaman ka ba? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin!? Paano kung wala kang kasama! Ano nalang ang mangyayari sayo!?" Hinawakan niya ang kaniyang ulo at pilit na inalala ang nangyari
"Hindi ko po maalala." 'Yun ang katotohanan, wala siyang maalala kung ano ang nangyari. Hindi na niya alam ang mga kasunod na nangyari simula ng bumaba sila sa tricycle!
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Aktuelle LiteraturAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...