LABING DALAWA

66 3 0
                                    


Ate

Luha ang nakapa niya sa pisngi niya ng magmulat siya, hindi na naman niya namalayan kung ano ang nangyari. Hindi na naman siya makaalala

"Amara...?" Boses 'yun ng binata, agad niyang pinalis ang mga luha niya at inayos ang buhok

"D-dalton?" Agad itong pumasok at lumapit sa kaniya, sinuri siya nito

"D-did something hurt? Do we have to go to hospital to check you?" Hinawakan siya nito sa siko, mahina naman siyang umiling

Sanay naman na siya sa mga biglaang memorya na pumapasok sa kaniya, hindi nga lang niya malaman kung kelan 'yun darating at kung kelan siya mawawalan ng malay. Hindi niya 'yun makontrol

"Y-yung bahay kanina, p-pamilyar siya sakin... Hindi.. hindi ko alam kung nanggaling na ba ako do'n..." Nananantya ang mga tingin ni Dalton, parang biglang nagbago ang isip nito

"Uhm, Amara. I know something that a big part of your life, ayaw kitang pangunahan..." Nanlaki ang mga mata niya, may alam si Dalton sa buhay niya? At malaking bahagi pa ng buhay niya ito!?

Sino ba ang lalaking ito? Sino ba siya sa buhay niya!?

"I...I didn't know you..." Mahina ang kaniyang boses, subalit sapat lang para marinig 'yun ng binata. Agad na gumuhit ang sakit sa mukha nito

"But I know you, it's okay. I'm not pursing you to know me, hindi kita pipilitin..." Halata sa boses nito ang labis na sakit, hindi niya mapaliwanag 'yun, hindi niya alam kung siya ba ang dahilan ng sakit sa boses nito

Nagugulohan man siya ay hindi na siya muling nagtanong, gusto sana niyang malaman kung ano ang alam ni Dalton sa buhay pa pero sa pagkakataong ito parang hindi siya handa.

Tatlong taon niyang hinintay ang pagkakataon na may makakilala sa kaniya, pero ngayong nandito na siya sa sitwasyon na 'to ay parang ayaw na niya. Parang ayaw na niyang malaman.

Inalalayan siyang makatayo ng binata, paglabas palang sa pintuan ng kwarto ay may presensya na siyang naramdaman. Mga presensya na sobrang pamilyar sa kaniya.

Halos mabuwal siya sa kinatatayuan ng makita niya ang malaking family picture na nakasabit sa malawak na dingding, mabuti nalang at nakasuporta sa kaniya ng binata.

Ang kaniyang mukha ay kasama sa larawan, may kasama pa siyang apat na tao. Isang matandang lalaki at isang matandang babae, parehong nakaka intimidate ang itsura ng mga ito, parang labis ang kapangyarihan at kayamanan. Nakaupo siya sa larawan, sa tabi niya ay isang batang babae na naka pony tail at may hawak na unicorn toy, sa kabila naman niya ay isang lalaki na kahawig na kahawig niya. Para silang pinagbiyak na bunga

"I-is it me?" Gusto niyang lumapit sa malaking larawan pero natatakot siya, maging sa sariling tanong ay natakot siya

Nanginginig ang bawat kalamnan niya sa paghakbang palapit sa larawan.

"Don't force yourself, hindi tayo nagmamadali para dito..." Hindi niya pinakinggan ang binata, kung kanina ay ayaw niyang malaman. Ngayon ay gusto na niyang magtapon ng mga tanong sa binata

Gusto niyang kilalanin ang sarili niya, ano ang nangyari sa kaniya?

"I-imposibleng ako 'yan, hindi ba?" Naramdaman niya ang pagpipigil sa binata, gusto niya itong piliting magsalita. Hindi niya alam kung ano ang pinoprotektahan ng binata para hindi sabihin sa kaniya ang lahat ng nalalaman nito

Gusto niyang malaman!

"It's you po... I-ikaw 'yan, ate." Mabilis niyang nilingon ang nagsalita, parehong bata ito na nasa litrato. Ngunit naging matured lang ng kaunti ang itsura

Agad na nagtubig ang mga mata niya, hindi malinaw sa kaniya pero alam niyang kilala niya ang batang 'to. Alam niyang parte ito ng buhay niya.

Nanghihina man ang tuhod niya sa hindi malamang dahilan ay agad siyang lumapit sa batang babae.

"T-tina?" Dumaudos sa kaniyang pisngi ang masaganang luha, hindi niya alam kung saan niya nakapa ang pangalan na 'yun pero tiyak siya na kilala niya ang batang ito. Kilala niya ito at pipilitan niya ang sarili na maalala ito

"Ate!" Hagulhol ang kasunod na nakinig niya, napaluhod siya sa yakap ng batang babae, tuluyan na ding nanghina ang mga tuhod niya at bumigay

Mahigpit siyang gumanti ng yakap kay Tina, parehong hagulhol lang nila ang nakikinig sa kabahayan.

"Where have you been all this years? We've search everywhere! Nilibot namin ang Luzon, visayas at Mindanao! Hindi ka namin nakita! We all thought you're dead! Akala ko iniwan mo na ako ng tuluyan!" Kumikirot ang puso niya, hindi niya maalala na nangyari 'yun, hindi niya din maalala ang nangyari bago siya mawala. Wala siyang ideya, wala siyang maisagot

"Hindi kami tumigil, hanggang ngayon... Hindi kami nawalan ng pag-asa na mahahanap ka namin..." Mas lumakas pa ang iyak nito at humigpit pa lalo ang yakap nito sa kaniya "k-kuya D.D did everything to his power to find you... We did everything, ate. Bakit ngayon ka lang?" Parang isang malaking punyal ang nagwawarak sa puso niya dahil sa mga tanong nito

Gusto niyang sagutin ang mga tanong nito pero wala siyang makapa na salita, wala siyang mahanap na sagot.

"Tinaa... Your sister lost her memories, she didn't remember what happened to her after the accident." Pagliwanag ng binata sa kapatid niya

Mabuti nalang at nandito ang binata, para siya ang magsalita para sa kaniya. Hindi niya kayang bumuo ng salita ngayon, parang wala siyang kayang sabihin kung hindi umiyak lang nang umiyak.

"T-thank you, kuya...for finding my ate..." Isang malambing na ngiti ang binigay ni Dalton sa kaniyang kapatid, tiningala niya ang binata. Tumingin ito sa kaniya, ang mga mata ay umiintindi

"God gave her back to us, Tina." Hindi niya alam ang koneksyon niya sa binata, pero nagpapasalamat siya dito dahil hindi siya nito pinilit makaalala. Hindi siya nito pinipilit na alalahanin kung ano ang nangyari sa kaniya

Kung hindi pa nga siguro sila pumunta sa manila ay hindi nito babanggitin sa kaniya na kilala siya nito

"God gave her back to me..." Tumamlay ang mga mata nito pero agad ding nagpaskil ng ngiti sa mga labi

Napakamisteryoso ng mga salita ng binata, hindi niya 'yun maintindihan. Para bang ang lalim ng pinagmumulan.

Lost in the waves ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon