FamilyMaaga siyang nagising kinabukasan, pero hindi niya aakalain na mas maaga pa sa kaniya ang binata!
Nakaluto na ito ng agahan at nakaligo na din
"Ang akala ko ba ay ako ang katulong dito? Bakit ako ang pinagsisilbihan mo?" Pabirong tanong niya sa binata, nagulat pa ito sa pagsasalita niya
"I never told you that I'll make you my maid, sabi ko lang hahanapan kita ng trabaho." Binati siya nito ng mga ngiti kaya naman gumanti din siya dito ng malawak na ngiti
"Let's have breakfast." Inilapag nito sa harap niya ang pagkain, pancake 'yun at may kasama pang hotdog at itlog
Nagsimula na silang kumain habang may tinitingnan naman sa cellphone ang binata
"We'll leave early, hindi na kasi makapaghintay 'yung ka meet natin." Nakatakas ang multong ngiti sa labi ng binata, para bang excited ito sa hindi niya malamang kadahilanan.
Nang matapos mag-almusal ay naligo na siya at inayos niya ang sarili. Nag suot lang siya ng purple dress na hanggang tuhod.
Nang makalabas siya sa kwarto ay naghihintay na sa kaniya sa sala ang binata, para pa itong na-star-truck ng makita siya. Nagpakawala tuloy siya ng mahinang tawag
Sa mahigit isang linggong pagsasama nila ng binata ay naging close sila. Ang closeness nila ay nagbibigay ng kakomportablehan sa kaniya, para bang matagal na niya itong kasama, parang matagal na niya itong kilala
Lumabas sila sa condo unit ng binata, ngayon niya lang napagtanto na nasa kaitaasan pala sila ng building. Napakalawak pa ng labas ng condo unit ng binata, napakaganda!
Na-a-amaze siya sa lahat ng nakikita, pero hindi naman niya hinahayaan magmukha siyang katawa-tawa sa paghanga sa mga nakikita niya.
"Ang ganda pala talaga ng condo unit mo." Hindi nakawala sa boses niya ang pangkamangha
"Hindi naman," humble na sagot nito "si Leilana ang pumili ng condo unit na 'yan..." Napanganga siya, kung ganoon ay kaya pala nagagandahan siya sa lugar dahil pareho silang babae, kung siya naman talaga ang makakakita ng lugar na ito ay gugustuhin niya din. Pero 'yun nga lang, hindi niya afford 'yun.
"T-teka, ang pangalan ng fiance mo ay Leilana? Siya ba si Leilana Vera?" Takang-taka siya dahil doon, hindi niya alam kung sinabi ba nito o maging si Gaven na si Leilana ang fiance niya. Pero hindi, tinanong lang naman siya ng mga ito kung kilala niya ba si Leilana Vera! Pero hindi sinabi ng mga ito na ito ang namayapa niyang fiance!
"I didn't tell you that?" Maging ang binata ay nagtaka
"H-ha? Hindi, ano, baka nakalimutan ko lang." Tumitindi na ang pagiging nakakalimutin niya kung 'yun nga ang lagay
Bumukas ang elevator at bumungad sa kaniya ang napakalawak na lobby, nalaglag ang panga niya sa ganda ng lugar
"Wow..." Inalalayan siya ng binata na makalabas sa exit para magtungo sa parking lot
Doon ay umilaw ang kotse niya, kulay itim 'yun at parang alaga sa linis. Ang kinis!
Lumapit sila sa kotse, pinagbuksan siya ng binata at nilagay pa nito ang palad sa parteng bubong ng kotse.
"S-salamat..." Napaka gentleman naman ng binata
She wonders if ever may nakarelasyon ulit ito ng mawala ang nobya? Pero she doubt, sa labis ba namang pagmamahal ng binata sa babae ay imposibleng may nakarelasyon itong muli.
Nagsimula ang byahe nila, mahigit bente minutos lang ang itinagal ng byahe ng makarating sila sa napakapamilyar na lugar
"N-nanggaling na ba ako dito?" Kumirot ng biglaan ang ulo niya, para bang may mga image siya na nakikita pero hindi malinaw
"Are you okay?" Lumalabo ang pandinig niya at hindi nagiging malinaw ang mga ito sa kaniya
"B-baby? Are you okay? Hey, hey, stay with me..." Naramdaman niya ang mga kamay nito sa braso niya pero wala na siyang maintindihan kundi ang tanging ugong sa ulo niya
"Ate, where are you going? I thought you're gonna stay here?" Tiningnan niya ang kapatid at marahang ngumiti dito
"Tina, ate's gonna work for now. Plus I will visit you every weekends don't worry okay?" Hinaplos niya ang mukha ng kapatid at marahang niyakap ito
"Don't worry, Tina. If your ate forgot about you, I will drag her here so you can play together every weekend." Natawa silang pareho sa sinabi ng binata, inirapan niya ito at marahang hinampas
"Ikaw talaga! Imposibleng nakalimutan ko ang paborito kong kapatid, don't yah worry sister. We'll play every weekends..." Mahigpit siyang niyakap ng kapatid at masayang nagtatalon
"Yehey, mommy, daddy, you heard that?" Nagtawanan ang isang ginang at ginoo na nasa harap niya. Pamilyar ang mga itsura nito pero hindi niya masabi kung sino ang mga ito
"I told her not to work hard, I'll provide for her and for your family. Ayaw paawat eh." Nakinig niya pa ang bungisngisan sa sala dahil sa sinabi ng binata
"You know her, Hijo. Hindi naman magpapatalo 'yan, kung ano ang gusto ay 'yun ang masusunod.." The man said
"Let her be, hon. She's enjoying her life, ano't-ano ba ay mapapagod din 'yan magtrabaho at papayag ng pakasal dito kay D.D " sunod-sunod na tawanan ang pinakawalan ng mga ito, naiiling tuloy siya dahil sa kapilyuhan ng pamilya
"What if ate will marry kuya D.D, so I don't have someone to play with me?" Inosenteng tanong ng kapatid
"Of course not! I will always play with you, even I marry your kuya D.D, I promise that." Pamumula ng pisngi ang sumalubong sa kaniya ng humarap siya sa binata, pinipigilan pa nito ang mga ngiti
"Naku, hija. Siguraduhin mong pakakasalan mo itong manok namin ng mommy mo, tingnan mo at inlove na inlove sayo ang lalaking ito! Kawawa naman kung tatakbuhan mo kapag nasa altar na kayo!" Tinawanan niya ang ama at lumapit sa binata
Inilingkis niya ang kamay sa braso nito
"Dad, hindi naman ako tatakbo eh. At isa pa, wala pa ngang singsing oh, pakasal ba agad?" Sinabayan ng pamilya niya ang tawa niya, punong-puno naman ng paghanga ang tingin na ipinukaw sa kaniya ng binata
"You want a ring huh?" Ngumisi ito sa kaniya
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Aktuelle LiteraturAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...