Losing you
Hindi pa din tumitigil ang mga luha niya kahit na nasa loob na siya ng sasakyan ng binata.
Napilit siya nito na sumakay sa kotse nito kahit na mariin siyang tumanggi. Paano siya makapag-iisip ng mabuti kung kasama niya ito?
Paano niya ma-iingatan ang puso niya laban sa binata kung ganito ito sa kaniya?
Siguro ay kasalanan ito ng binata, na masyado siyang nagbibigay at nagpapakita sa kaniya ng maling motibo.
Ang mga lumalabas din kaya sa labi ng binata ay pawang kasinungalingan lamang? Ayaw niyang masaktan kung saka-sakaling tama ang mga iniisip niya, na kung sana habang maaga pa ay maiwasan niya na ito.
Upang hindi malagay sa peligro ang puso niya, na kung baga sa ngayon alam niya pang kontrolin ang sarili niya. Ayaw niyang mahulog lalo, dahil hindi siya tiyak sa kahihinatnan ng pag-ibig niya sa binata.
"S-saan tayo pupunta?" Natanong niya ng makitang hindi pamilyar ang lugar na 'yun, ang akala niya ay sa condo sila pupunta dahil ang sabi ng binata ay ihahatid siya nito
"Sa lugar kung saan makakapag-isip ka." Gulat pa siya sa sagot nito ng matanaw niya ang kulay asul na kulay ng tubig dagat
Ang mga luha niya ay agad niyang pinawi at napalitan ang pinta ng labi niya.
Itinigil ng binata ang kotse nito sa tabi at mabilis na umikot para pagbuksan siya ng pinto.
"I know that you don't want to be with me, and you can't think properly when I'm around. But I want you to take a break and just think that I am not here." Tiningnan niya ang binata, marahan nitong hawak ang kamay niya. Ang mga mata din ay malamlam na para bang nangangailangan ng aruga
"I'll stay here, I'll watch you. I won't disturb you so you can think properly." Gulat ang puso niya sa inusal ng binata, hindi niya aakalain na ganito ang gagawin ni Dalton
Ang akala niya na kaya siya nito isinakay sa kotse nito ay para pilitin, ngunit nagkamali na naman siya
Tiningnan niya ang kamay ni Dalton na nakahawak sa kamay niya, ang mga daliri nito ay marahan pang nanginginig
"Why?" Wala sa sariling tanong niya sa binata
"Because I love you. Ikaw man si Amara, o si Leilana na hindi maalala ang lahat ay mahal pa din kita."
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa kamay ng binata, bumahid naman ang sakit sa mga mata nito
Marahan niyang niyakap ang binata, naramdaman niya ang pagkagulat ni Dalton
"Why do you keep telling me that, yet everyone knows that you like someone else?" Mahinang tanong niya sa binata, isinubsob pa niya ang mukha sa katawan nito
Humahampas sa kanila ang hangin subalit hindi nila pinansin 'yun, sa ngayon ay gusto niyang klarohin sa binata ang lahat.
Ayaw niyang maramdaman na para bang nagi-guilty lang ito kaya nanatili ito sa tabi niya, ayaw niyang isipin na kaya lang siya gusto ng binata ay dahil nanghihinayang ito.
Gusto niyang makasigurado, dahil hindi lang naman basta salita ang 'gusto' at may kalakip itong damdamin. At kapag nasaktan ang damdamin na 'yun ay walang gamot ang makakapagpagaling dun.
"Everyone didn't know my feelings for you, hindi naman sila ako. They just said things they didn't know. Wala silang konkretong ebidensya na may nagugustuhan akong iba."
"Don't overthink, Amara. I only like you, only you."
Naramdaman niya ang pag-ganti ng yakap ng binata sa kaniya
"I don't know how can you possibly believe me, but I swear to God that I only like you."
"From the moment I saw you that night again, my old feelings came together. They rushed like they missed something for years, I only love one person in my entire life. Now I loved two, two names but one person. I only love you, ikaw at ikaw pa din talaga."
Her heart was touch by Dalton's confession, hindi niya alam kung ilang beses pa itong magtatapat sa kaniya para paniwalaan niya lang
Paano naman kasi ang puso niya ay may pagdududa, gusto lang marahil nito na maalagaan ang puso niyang mahina
"I'm afraid of losing you again, don't you dare leave me again. Take me with you, I'm willing to go anywhere with you."
Naramdaman niya ang biglaang paglambing sa tono ng binata, para bang nagnanais pang magsabi ng nga bagay.
"My eyes are locked on you, my heart and my body. I'm all yours, baby. Don't you ever think that I'll like someone. Sayo palang ay nababaliw na ako."
Marahan siyang natawa sa sinabi nila, mahigpit niyang niyakap pa ang binata.
Bakit ba ito ganito?
Sanay na sanay ang binata na bihagin ang puso niyang malapit sa kaniya.
"What if you didn't really like me? Guilty ka lang?" Alam niyang paulit-ulit siya, pero gusto niyang malinaw ang lahat
Kahit na wala siyang pinanghahawakan na mawawala sa kaniya ay ayaw niyang mag-invest ng feelings kung sa huli ay siya lang ang masasaktan
'Yun ang ayaw niyang mangyari.
"Baby, I am not guilty. Oo nga't sinisisi ko ang sarili ko noong nawala ka, at noong nakita kita ay sabi ko na babawi ako, but that doesn't count my feelings towards you. My feelings are real, I really like you."
"H'wag mong isipin ang bagay na 'yun dahil nasisiguro ko sayo na hindi dahil guilty ako kaya sinasabi ko ang mga ito, believe me." Hinaplos ng binata ang buhok niya
Kasabay ng paghaplos nito ay ang paghaplos din ng kung ano sa puso niya. Dalton's gesture was so familiar to her.
Parang kahit hindi niya naaalala ay naaalala naman ng katawan niya. It seems like her body and Dalton's are really closed huh?
"I'm sorry about what you saw earlier... I don't want you to feel bad about that." Naalala naman niya ang eksenang naabutan niya kanina, muntik na niyang makalimutan na 'yun ang rason kung bakit sila nandito ngayon
Well, okay na 'yun sa kaniya. Kung hindi 'yun mangyayari ay hindi sila magkakaroon ng oras ngayon ng binata.
"It's okay, I'm sorry too... Of how I acted."
"It's not your fault, I am the one to blame. I don't want you to think that I'm cheating on you." Natawa siya sa sinabi ng binata at marahang humiwalay dito
"Hindi naman tayo ah!" Pabiro niya pang hinampas ang binata
"Kahit na, I'm courting you. I don't want you to think that I have someone else. I don't want you to overthink."
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
General FictionAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...