EngageNagising ang dalaga na payapa ang kapaligidan. Una niyang nasilayan ang mahimbing na natutulog na binata. Nakayakap sila sa isa't-isa ng makatulog kagabi at ngayon nagising siya ay gano'n pa din ang posisyon nila.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang binata, napaka-kalmante nitong tingnan. Napaka-gwapo din talaga ng binata. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo itong matulog sa iisang kwarto.
Naisip niya tuloy bigla na paano kung natuloy ang pagpapakasal nila noon, may anak na ba sila ngayon? Masaya ba sila matagal na?
Pumikit siya at mas niyakap pa ang binata, sigurado na siya sa nararamdaman niya at wala siyang dapat kwestyunin doon. Gusto niyang makasama ang binata sa habang buhay, wala na siyang nakikitang iba na kasama niya sa hinaharap.
Ikinalma niyang muli ang sarili at piniling matulog nalang ulit. Ito lang ang araw na hindi pupunta sa manila si Dalton kaya sasamantalahin niya ito na kasama niya ang binata.
Hindi niya namalayan na muli siyang nakaidlip dahil sa gaan ng pakiramdam. Nagising lang siya ulit ng maramdaman ang marahang halik sa noo niya.
"Hi, what do you want to eat?" Ngumiti siya sa binata, mukhang nakaligo na ito dahil naaamoy niya ang mabango nitong body wash.
"I want barbecue..." Itinaas niya ang mga kamay at isinungkit ito sa leeg ng binata.
"I want you in my breakfast too." Nanlaki ang mga mata ng binata sa sinabi niya, kahit siya ay nagulat sa sariling sinabi.
"I mean, I want you to cook my breakfast." Natatawa niyang pag-aayos sa sinabi niya. Hinalikan naman ng binata ang labi niya.
"Hoy! Hindi pa ako nagto-toothbrush!" Tumawa ang binata at muli siyang hinalikan.
"You naughty lady. Want to join you in the shower?" Natawa siya sa sinabi nito at marahang hinampas ang binata, itinulak pa niya ito ng bahagya.
"Hindi na, I'm hungry. I'll shower alone." Dinilaan niya pa ang binata bago tuluyang tumayo sa pagkakahiga.
Ang ngiti sa labi ng binata ay hindi naglaho, tumawa pa ito at hinila siya ng marahan.
"Okay, I'll prepare the barbecues. I love you." Muli siyang binigyan ng halik ng binata bago ito tuluyang lumabas ng kwarto, hawak pa niya ang labi at iiling-iling na pumasok sa cr ng binata.
Nagulat pa siya ng nandoon na pala ang mga gamit niya sa pagligo.
Sinimulan na niya ang pagligo upang matanggal na ang kaunti pang antok sa sistema niya.
Naging mabilis lang ang pagkilos niya at bumaba matapos ang lahat.
"Oh hija, tapos kana palang maligo. Nasa backyard si señorito, nag-iihaw." Binigyan siya ng mapang-asar na ngiti ng mayordoma, tinawanan naman niya ito.
"Salamat Manang." Katulad ng sinabi ng mayordoma ay naabutan niya nga doon ang binata, bahagyang mausok doon dahil sa iniihaw nito.
Nakasuot pa ng shade ang binata at may hawak na tong. Naka suot ito ng blue long-sleeve na nakatupi hanggang siko at plain black short.
Nakangiti siyang lumapit dito.
"How's the taste of the smoke?" Bahagya pang nagulat ang binata pero ngumisi don agad.
"Yummy." Tinawanan niya ito at lumapit para mag-alay ng halik.
Mas lumawak naman ang ngiti ng binata at hinalikan pa siya.
"Baka masunog na 'yan." Tiningnan nila ang barbecue na nakasalang, mukhang malapit ng maluto. Ngayon niya lang din napansin na may mga luto ba pala na nakalagay sa plato.
"You want some?" Agad na iniabot sa kaniya ng binata ang Plato na may lamang barbecue, kumuha naman siya do'n.
"Hmm, ang sarap. Malasa." Tumatango-tangong usal niya, kumagat pa siya dito bago ilapat sa binata ang isang barbecue para makakain din ito.
Kumagat din naman ang binata at sinabayan siya sa pagtango.
Mahangin na sa parteng 'yun kaya hindi na kinakailangan paypayan. Lumapit naman sa kaniya si Dalton at niyakap siya mula sa likod.
"You look gorgeous." Ang boses nito ay puno ng paghanga na akala mo ba ay sobrang ganda niya.
"Naligo lang ako eh!" She heard him chuckled, ang mumunting tawa nito ay nagpatibok sa puso niya.
"I love you." Hinawakan niya ang kamay ng binata na nakayakap pa din sa kaniya, hinarap niya ito at sinukbit ang mga kamay sa batok ng binata.
"I love you more." Ginawaran siya nito ng maingat na halik. Tumugon siya sa halik ng binata, nalalasan pa niya ngayon ang malasang barbecue. Napapangiti siya sa isipan.
"Baka masunog na 'yong niluluto mo!" Muli itong natawa at sinulyapan ang mga barbecue, muli siya nitong hinagkan at bumalik na sa ginagawa.
Doon na sila kumain ng umagahan at tinawag nalang sila Manang Teresa upang saluhan sila. Naging masayang muli ang pagkain nila kaya mas naparami siya ng kain.
Katulad ng nais niya ay maghapon silang magkasama ni Dalton, hindi ito umalis sa tabi niya at talagang inubos ang bawat minuto na sila ang magkasama.
"Tumawag si engineer, may problema daw doon. Let's check it?" Napatingin siya sa orasan, ala-singko pasado na at bahagya ng naghahalo ang dilim at liwanag.
"Ha? Bakit ngayon lang sinabi?" Tumayo siya agad at lumapit sa binata. Siya ang pinagbasehan ng itsura ng mansyon, sa kung anong gusto niya daw ito magiging itsura.
"I don't know, baka hindi lang napansin agad." Lumabas sila sa mansyon, hawak ng binata ang kamay niya habang naglalakad sila patungo sa pinapagawa nilang mansyon.
Hindi naman ito kalayuan kaya hindi siya napagod sa paglalakad.
Nangunot ang noo niya ng makitang parang wala namang tao sa site, madilim pa ang paligid kaya paanong nalaman ng engineer na may problema do'n?
"Mukhang umalis naman na sila, kailan ba tumawag?" Sinulyapan niya ang binata.
"Katatawag lang, baby. Baka nasa loob lang, let's check it." Nagkibit-balikat nalang ang dalaga at nagpatangay sa marahang paghila ni Dalton.
Nang makapasok sila sa loob ay natiyak niyang wala talagang tao. Baka kinekeme lang sila ng engineer nila.
"Baby, there's no one here." Anunsyo niya sa binata
"I'll check around, stay here." Marahan siyang tumango. Iisang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid pero hindi naman siya natatakot. Sa tagal niya sa isla na ito ay napatunayan naman niya na walang masamang tao dito.
"Baby..." Nang makinig ang tinig ng binata at agad siyang napalingon.
Agad siyang napatakip sa kaniyang bibig sa gulat ng makita ang bumungad sa kaniya.
Sa likod ay may banner na nakalagay na Will you marry me?
Ang binata ay nakaluhod na sa harapan niya na may hawak na singsing, doon niya din napansin ang biglaang pagliwanag ng paligid dahil sa mga ilaw na galing sa random lights.
Tumulo ang luha niya at agad na niyakap ang binata kahit na nakaluhod ito, hindi na niya naisip na isuot ang singsing.
Sigurado na siya at matagal na siyang handa na magpakasal sa lalaking ito, subalit hindi lang nabigyan noon ng maayos na pagkakataon.
"Yes, I wanna marry you!"
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
General FictionAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...