Heal
Niyakap niya ang kanyang sarili dahil sa papalamig na ihip ng hangin. Payapa ang kapaligiran at ang alon nalang ng tubig sa dagat ang nagsisilbing ingay.
Tahimik lang siya nakatingin sa kawalan, walang siyang iniisip at nais lang maipahinga ang pakiramdam.
Kailanman ay hindi niya niya na-miss ang ingay sa syudad, mas gugustuhin pa rin pala talaga niya na manatili sa isla kahit pa bumalik na ang ala-ala niya.
Maayos siyang nagpaalam sa mga magulang at kapatid na ayaw niya munang manatili sa syudad kung nasaan sila, gusto niya lang muna ang lumayo at iproseso ang lahat.
Hindi siya nagiging selfish dahil may buhay naman siyang dapat niyang unahin, siya ang magdedesisyon dahil hindi na siya ignorante sa paligid.
"Hija? Halika na, naghapunan na tayo." Naramdaman niya ang paghawak ni Manang Teresa sa braso niya, kahit medyo madilim ay naaninaw pa din niya ang mayordoma ng bahagya.
"Manang..." Nginitian siya ng mayordoma, parang sinasabi ng mga mata nito na naiintindihan niya.
"Halika na?" Marahan siyang tumango at nagpatangay sa mayordoma, hindi naman gano'n kalayo ang tabing dagat sa mansyon kaya ilang sandali lang ay nasa loob na sila.
Nakahanda na ang pagkain sa kusina at talagang siya nalang ang hinihintay. Nakatingin naman sa kaniya ang mga dating kasama sa pagiging kasambahay.
Tiningnan niya ang mga pagkain, kahit pa lagi siyang pinapakain ng masasarap ni Dalton noon ay hindi niya akalaing mamimiss niya ang luto sa isla.
"Kain na tayo!" Masayang usal ni Manang Teresa at sinimulan na ang paglalagay ng pagkain sa plato nito.
Tumingin lang siya dito at kalaunan ay sinundan niya din ito. Ganoon din ang ginawa ng iba.
Naging masaya ang hapag, nawala ang mga negatibong nararamdaman niya at nanatili ang kapayapaan sa puso.
Ayaw niyang isipin na dapat hindi siya nanatili sa isla dahil may buhay siyang dapat harapin sa manila. Pero ano pa ba ang buhay na nando'n kung sa ilang taon naman ay nasanay na siya dito sa isla?
Oo nga't dati ay ninanais niya na makaalala, pero hindi naman niya inisip noon na handa siya na harapin ang mga naaalala niya.
Gusto muna niyang bigyan ang sarili ng kapayapaan at kasiguraduhan. Iniisip niyang mabuti na kung magdedesisyon ba siya ay dapat hindi niya pagsisihan.
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng maaksidente siya, hindi naging madali muli ang mga nangyari. Isang linggo din siyang nakaratay sa hospital.
Nang magising siya ay naaalala na niya ang lahat, nagugulumihan pa siya subalit kinaya naman ng isip niya.
Inanunsyo niya din sa pamilya na bumalik na ang ala-ala niya. Maging kay Dalton ay sinabi niya lahat.
Kaya naman ng sinabi niya na gusto niyang bumalik sa isla ay nagtataka pa man ito ay pumayag din.
"Are you okay?" Nilingon niya si Dalton na kadarating lang, nakita niya itong dumating dahil nasa terrace siya ng tumigil ang sasakyan nito sa harap ng mansyon.
"Oo naman, nakakatulong talaga ang isla para maka-heal." Lumapit sa kaniya si Dalton, may dala itong bulaklak na lagi nitong ginagawa sa loob ng dalawang buwan.
Alam niyang pagod ang binata dahil bumabyahe pa ito galing manila papunta sa isla.
"Salamat naman kung gano'n. You need a lot time for yourself." Nginitian niya ang binata bago tumayo at niyakap ito.
Naging malinaw na sa kaniya ang nangyari bago ang aksidente, ipinaliwanag sa kaniya ni Dalton na pumunta lang doon ang babaeng 'yun dahil hihingi daw ng paumanhin sa kaniya.
Ipinakita din nito sa kaniya ang CCTV footage at kinig do'n ang naging pag-uusap ng mga ito.
"How's your wounds? Magaling na ba?" Kinapa niya ang balikat, dahil sa lakas ng aksidenteng naranasan na ay mga naging sugat din siya. Ang ulo niya ay natahi din kaya kinakailangan talaga na magpahinga pa siya.
"Okay na, hindi naman na siya gano'n kasakit sa tuwing hahawakan ko." Ngumiti sa kaniya si Dalton at maingat na hinaplos ang buhok niya.
Katulad ng sinabi noon ng binata na kung saan siya pupunta ay sasama ito, tinupad niya. Noong mapagdesisyunan niya na sa isla magpagaling ay nag-volunteer agad itong sasama kahit pa may trabaho siya sa manila. Nakakaramdam din siya ng awa sa binata dahil halos araw-araw ay pabalik-balik ito sa isla at sa manila. Tiyak siya na nakakapagod ang byahe.
"I'm glad, I bought you medicine too. Sana hindi ka kumakain ng bawal, so you can heal fast." Marahan siyang tumango at mas niyakap pa ang binata.
For two months Dalton's arm is her comfort zone. Ito ang nagiging pahingahan niya kahit mas pagod pa ito sa kaniya.
"Can I sleep in your room?" Pumayag noon si Gavin ng sabihin ni Dalton na gusto niyang manatili sa mansyon. Walang naging problema sa binata at kung gusto pa daw nila ay bilhin na nila ito.
Tinawanan niya lang 'yun at sinabi niyang hindi naman sila dadating sa gano'n.
"No thanks bro, magpapatayo nalang ako ng sarili naming mansyon." That was Dalton at kung sinabi niya ay gagawin niya talaga.
Two days after that ay bumili ng lupa si Dalton sa hindi kalayuan, on-going pa din ang pagpapatayo ng mansyon doon at ilang buwan nalang ay magiging okay na.
Bahagyang natigilan ang binata, mukhang hindi maproseso ang sinabi niya.
"In my room?" Maingat siyang tumango-tango.
"Ayaw mo ba?" Mahinang tanong niya
"No, I mean you can sleep there anytime if you want." Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ang binata.
"Let's go? You look tired, let's rest na." Malawak na ngumiti ang binata, ang mga mata nito na kanina ay pagod ngayon ay napalitan na ng ningning.
"Yeah, let's rest together." Inakbayan siya ng binata habang maingat siyang inaalalayan patungo sa kwarto nila, natatakot siya na may magalaw na sugat sa dalaga. Kahit pa naghihilom na ito sa labas ay hindi naman siya sigurado kung tuluyan na itong naghilom sa loob.
Binuksan nito ang pinto at unang pumasok ang dalaga. Nakaramdaman naman siya ng antok ng makita ang kama ni Dalton.
Lumipat na din siya ng kwarto pero gusto niya lang na sakto lang para sa kaniya.
Masaya siyang humiga sa kama, nakapaskil pa ang mga ngiti sa labi. Umupo niya at tinitigan ang binata.
"Come here, lay on me."
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Fiksi UmumAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...