Promise Ring"Señiorita, pinapatawag ka sa baba. May bisita ka daw po." Bahagyang nangunot ang noo niya sa sinabi ng kasambahay.
Wala naman siyang inaasahan na bisita.
Binitiwan niya ang iPad na hawak niya at dumiretso sa salamin para tingnan ang sarili.
Maayos naman ang itsura niya, presentable namang tingnan para sa 17 years old na kagaya niya.
Kinuha niya ang cellphone niya bago lumabas sa kanyang kwarto.
Wala talaga siyang inaasahang bisita ngayon, kaya nakapagtataka naman.
Palapit palang siya sa balcony ng bahay nila ng makinig na niya ang mahinang halakhak ng kaniyang ina.
Mas lalo lang nangunot ang noo niya.
"She'll be here in a minute, Hijo. I hope you're not bored." Nakangiting usal ng kaniyang ina.
"It's okay po, I don't mind waiting for her." Masyadong pamilyar sa kaniya ang boses ng binata na nakatalikod sa kaniya ngayon.
Tumawa ang kaniyang ina, parang kinikilig pa ito.
Minabuti nalang niya na dumiretso na doon para malaman niya kung sino ang bisita.
Natanaw siya ng ina, ngayon niya lang din napansin na nandoon din pala ang kapatid niya na nakaupo sa hugis bulaklak na malapad na pillow.
"Oh! She's here!"
Mabilis na humarap sa kaniya ang binata.
She was too stunned to speak, this boy was gorgeous!
Ang mga mata nito ay nagniningning na nakakadagdag sa pag-aliwalas ng mukha nito. Maamo ang mukha at nakabagsak ang buhok kaya dumagdag sa itsura nito ang mukhang inosente.
Gumuhit ang ngiti sa labi ng binata habang tumatayo ito at marahang lumapit sa kaniya.
Wala siyang masabi, natutulala siya sa gandang lalaki ng kaharap niya ngayon.
"Hi" Napanganga siya, pati ang boses nito ay napaka-sexy!
"H-hi?" Nakatitig pa din siya sa mukha nito, hindi maka-get-over sa mukha ng binata.
"For you..." Napakurap-kurap siya at ibinaba ang tingin sa hawak nito.
Lumambot ang tingin niya sa bulaklak na hawak nito, maganda ang pagkakakulay sa pink na rosas.
Dahan-dahan niyang tinanggap niya ang bulaklak na binigay nito.
"T-thank you..."
Hindi niya makapa ang mga sasabihin, sino ba ang lalaking ito at ngayon lang sila nagkita subalit ang puso niya ay hindi na mapakali.
"I'm Dalton Arzadon," Tinanggap niya ang kamay nito na nilahad sa harap niya. "I saw you last night to my parents company, na love at first sight ako." Nagulat siya sa sinabi ng binata.
This man is something, he's so straight forward. Parang ayaw nitong may nasasayang na oras.
"W-wait, you look a year older than me, I'm underage!" Nakinig niya ang mahinang pagtawa ng kaniyang ina, kaya naman tiningnan niya ito.
Mahinhin na tinakpan ng ina ang bibig at pinipigilan ang tawa.
"You don't have to be my girlfriend right now, I'll court you, if it's okay. I'm not in a hurry." Natawa siya ng marahan, she just met her now!
"I just met you!"
"We have a lot of years to know each other."
Wow! She just can't believe that!
BINABASA MO ANG
Lost in the waves ✔️
Ficción GeneralAlam ni Amara na may kulang sa pagkatao niya, ang mga mumunting panaginip na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ay mas lalong lumalala sa paglipas ng bawat gabi. Naging magulo pa ang isipan niya ng makilala niya ang marahas na binata na si Dalton...