🌹 kabanata 4 🌹

1.2K 31 14
                                        

Partner

Tumango-tango narin si Anita.
"Oo nga naman. At saka siguro naman nakamove on na siya doon may nobya na siya ngayon."

Natigilan si Hera sa sinabi ni Anita. Agad na nawala ang ngiti niya sa labi. Nakita niyang siniko ng isa si Anita at naiilang na ngumiti sa kanya.

Ysay? Could it be that girl na kinababaliwan ng kuya Franko niya? Right she can remember her. That girl is really pretty and to think na pinagselosan din ito ng bestfriend niyang si Viena. But… What is her connection with Jun?

"Ah alam mo sigurado akong gustong-gusto ka nang makilala ni Melfina. Nasaan na ba ang mga iyon?" ang pag-iiba ni Julia sa usapan.

Nakita ni Hera na nakatitig sa kanya si Ofelia na tila binabasa ang reaksyon niya. She wants to roll her eyes all of a sudden. If they are thinking na magseselos siya. Syempre hindi! Curious lang kaya lang she needed to act normal despite that or else mabubuko sila.

"O ayan na pala sila eh."

Dalawang babae ang paparating mula sa dagat. Mukhang katatapos lang nilang maligo dahil nakatapis lang sila ng puting tuwalya at nakatsinelas. Basa pa ang mga buhok.

Damn the girl is hot. Tamang-tama lang ang kulay ng balat at sexy. Halatang alagang-alaga din ang katawan at maganda. Papasa na nga itong modelo.

"Melfina buti nandito na kayo."
Tumawa ang mga babae.

"Ang sarap maligo." Bumaling sa kanya ang atensyon ni Melfina. Agad na lihim na tumikhim si Hera at ngumiti.

"So ikaw pala ang girlfriend ni Jun. I'm Melfina kabaro ko si Jun sa trabaho."

Muntik nang mapasinghap si Hera. Nagulat siya sa narinig at hindi agad tinanggap ang pakikipagkamay nito. Wow she is surprised. Hindi niya iniexpect iyon.

"Police woman?"

Tumawa ulit si Melfina at nagkibit balikat.

"Well I know what you're thinking. Gaya ni Jun. Sabay kaming gumraduate ngunit naasign siya agad sa overseas. Recruited for US Soldiers. Kababalik lamang niyan mula sa misyon hindi ba?"

"I, I didn't know," ang tanging sagot na lamang ni Hera dito at ngumiti.

Now that got her curious kung sino sa mga ito ang babae ni Jundrix. It is obvious na may gusto sila kay Jun specially Ofelia. Melfina seems to be a professional one and looks educated but this type of girl is hard to read. She is a police woman anyway.

For the next few hours she enjoyed talking with them especially kina Julia at Anita. At some point she regretted being rude to their maids back at the mansion for being like these girls. Ngayon naiintindihan niya na. She thought of them as barbaric and low acting uneducated girls but then she was so wrong. Ni hindi nga niya maalala kung kailan siya ganito kasaya.

Ibang-iba sa kinalakhan niyang mundo. She once wondered what it would be like to be simple, just like now. It was not that bad after all.

"Oy kayong mga dalaga diyan kumain narin muna kayo at alas dose na. Ni hindi niyo man lang naisip na kasama niyo itong si Irah. Ito nagdala ako ng bibingka at cassava cake. Kung gusto niyo pa ng iba mayroon pa sa loob."

Inilapag ng babaeng may bahay ang dalawang tray sa lamesang gawa sa kawayan na nasa gitna ng kubol. Medyo umingay pa dahil kinantyawan pa sila ng matanda na ikinatawa nila.

"O siya mamaya darating ang mga nangisda. O kayo diyan Melfina magbihis narin kayo. Nakakahiya na nakaganyan kayo eh may mga binatang darating."

"Tiya Naneng naman. Ayos lang ito katatapos lang namin maligo sa dagat."

🌹 THE PROTECTOR 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon