Pamamasyal
“Okay…” maliit ang boses na sabi niya. Her heart leaped so fast the moment she said that. Oh my god. Is this how you are supposed to feel?
Narinig niya ang mahinang pagmura ni Jun at mas humigpit ang yakap sa kanya. “Sa wakas. Akin ka narin…”
Napangiti si Hera at kinakabahang lumingon. “Akin ka rin Jundrix. You won’t date other girls.”
“Hindi ko gawain iyon Hera. Baka ikaw?” nagtaas ito ng kilay sa kanya tila may pang-aakusa. “Ayaw ko nang ganon. Mahigpit akong boyfriend Hera, at hindi ako papayag na magpaligaw ka sa ibang lalaki habang tayo.”
Napaawang ang bibig niya. “Of course not! I’m not that low. Tignan natin kung hindi ka masasakal sa akin Jundrix. You don’t know what you are talking about.”
He only laughed at her and gave her a peck on the lips.
Muli silang nanatiling ganon ng ilang minuto, nakatingin lang sa langit o di kaya ninanamnam ang hangin. It’s not that cold now that Jun is shielding her from the soft blow of the wind.
“When I get back home to my family, magkikita pa ba tayo?” ang tanong ni Hera nang may pag-aalala.
“Oo naman.”
Gumalaw siya upang magkaharap sila. “I heard your conversations with Paul. Pinapabalik ka sa dating work mo?”
Tumango si Jun. “Gagawa ako ng paraan Hera. Tsaka, mag-aaral ka pa hindi ba?”
Kumunot ang noo ni Hera at lumuhod na ng tuloyan sa harap ni Jun. she put her hands on both sides where his knees are still in place.
“How old are you?”
Tumikhim si Jun at binasa ang ibabang labi. Napatingin tuloy si Hera sa mapulang labi nito. She can still remember how soft those lips could kiss her.
“Twenty-three.”
“Same as my kuya.” She smiled naughtily. “I knew I liked older boys. Gaya ng mga masusungit na tulad mo.”
He didn’t look pleased. “Ako lang ang puwede mong magustohan magmula ngayon.”
“Okay,” maarteng sagot niya. “How many girlfriends did you have?”
“Ikaw pa lang,” diretsong sabi niya.
Hindi naniwala si Hera lalo na nang maisip ang pagseselos niya doon sa Isla.
“Melfina? You seem close with her,” she said as she stared at him, wanting to see any reactions.
“Hindi ganon ang relasyon namin ni Melfina. Partner ko siya sa trabaho at kaibigan, iyon lang iyon.” Ngumisi ito sa kanya. “Ba’t nagseselos ka ba?”
Is he teasing her? Sumimangot siya at mas lumapit. “You went swimming with her. Many times I heard. And she’s hot and pretty…”
Tumawa si Jun at tumingala habang napapahagod sa buhok. “Sinabi ko na sayong may mga kasama kami. Tsaka ginagawa namin iyon bilang ensayo Hera. Para sa’kin mas maganda ka parin. Ikaw ang gusto ko…”
Nag-init ang mga pisngi niya. Tinatamaan na siya. She even tried to hide her smile as her hands started to play with his dog tags. “Ofelia likes you. Do you know that?”
Natawa naman si Jundrix sa kanya, not taking her comments seriously. Bigla siyang nainis lalo na nang maalala ang gabing nagyakapan ang mga ito sa labas ng bahay doon sa Isla.
“Hindi ko napansin,” he said while smiling at her.
“Ano ba?” medyo iritadong saway niya. “I’m serious okay? She really likes you.”
BINABASA MO ANG
🌹 THE PROTECTOR 🌹
RomanceCaptain Jundrix Marco Atienza - BLADE - Hera's life was in danger the moment her father was being hunted by a mafia group but before her kidnappers even got to her, she found herself under the protection of a soldier who seems to dislike her so much...
