🌹 kabanata 5🌹

1.1K 30 8
                                    

Sapatos

Pagkababa sa tricycle ay agad na napasinghap si Hera sa nakikita. Dito sa malawak na covered court nakadisplay ang mga bilihin. Clothes are everywhere, accessories, kitchen utensils and lots of stuff. They are organized pero sobrang daming tao.

Hindi pa kailan man nakaapak si Hera sa kahit anong divisoria kahit sa Manila. Pero syempre may ideya siya sa lugar na tulad nito. Ang kaibahan lang dito sa Isla, hindi masyadong siksikan at saka presko ang hangin kasi nasa open space na tanging ang bubong lang ang nagsisilbing proteksyon sa init ng araw.

Napansin agad ni Hera ang medyo madaming foreigners sa lugar. Karaniwan sa kanila ay mga Americano. Alam niyang tourist spot ang Islang ito, hindi lang siguro masyadong kilala. Iyon ang isa sa mga gusto niyang gawin noong nasa abroad pa sila ng mommy niya. She wanted to explore new places that are not yet discovered. Iyon ang mga lugar na likas na maganda at hindi pa nasisira ng turismo.

“Tatayo na lang ba tayo dito?”

Nataohan si Hera at napalingon sa katabi.

“What’s this place called?”

Nangunot ang noo ni Jun at kita ni Hera ang bahagyang pagkibot ng labi nito na tila may nakakatuwa.

“Ewan. Palengke.”

Tumikhim si Jun at naunang naglakad. Saglit na napatanga si Hera bago sumunod dito.

“Palengke? I may have never been to places like this but I’m not stupid Jundrix.”

Mahina itong humalakhak sa kanya. “Oo na. Tumigil ka sabi sa kakaingles. Do’n tayo sa damit.”

Habang namimili si Hera sa mga damit hindi niya maiwasang humanga sa presyo ng mga ito. They are of good quality but she never knew you could buy a shirt for only 200 pesos. The highest she had seen so far was 350.

Her clothes and things are branded Gucci, prada, Louisvitton… Her shirt amounts to 5K and above.

Isang ingay ng mga bata ang nagpalingon kay Hera. Napatingin siya sa paligid. May mga batang kasama ng kanilang mga magulang sa pamimili. Agad na nakuha non ang kanyang atensyon.

“Tay gusto ko iyong itim na nike. Ang ganda!”

Maliit lang iyong matandang lalaki. May suot na tsinelas, lumang pantalon, at puting sando. May nakasabit na maliit na face towel sa leeg nito at kitang hinubog ng mabigat na trabaho ang katawan. Halata ang hirap na pinagdaanan nito sa buhay.

Lumipat ang tingin ni Hera sa dalawang maliit na babae na halos magkasingtangkad at isang batang lalaki na kasama nito. Inabot ng tindera ang itinuro ng bata at ipinakita sa kanila. Masayang tinignan ito ng bata at agad na naupo upang isukat.

“Tatay kami din. Gusto namin iyong magkaparehong kulay pink.”

Nakangiti ang matanda na tumango sa kanila.

“Oo sandali lang. Iyong kuya niyo muna kasi siya ang unang mag-aaral sa susunod na pasukan.”

Natulala si Hera habang nakatingin sa mga ito. Simple lamang ang suot na bestida ng dalawang bata at halatang may kalumaan. She noticed eventually that they are twins. Dumako ang tingin niya sa tsinelas ng batang lalaki na tinanggal nito upang maisukat ang sapatos. They are almost worn out. May kaunting butas pa nga.

“Tay 350 daw.”

Dumukot ang matanda sa pantalon niya ng limang daan at inabot sa tindera.

“Ang mahal naman kung ganon sa susunod na kami magpapabili ng sapatos Tay.” Halatang dismayado ang dalawang batang babae ngunit agad silang inalo ng matanda.

🌹 THE PROTECTOR 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon